July 16, 2011
Accomplices: Michael, Ferdi, Edmar, Sophia, Ma. Cristina, Helen, Ma. Lourdes, Joan, Lea, Elsa, Mheleth, Mary Ann, Ramonchito
Hindi ko alam kung anong pumasok sa mga kukote ng mga kasama ko sa trabaho pero niyaya na lang nila ako na sumama para mag-agahan sa tinutuluyan ng isa naming kasama malapit sa opisina. Hindi na ako nagdalawang-isip, pumayag na ako (nagpapilit ng kaunti) at sinabing sasama ako sa kanilang agahan. Sinigil ako ng pang-ambag para sa spaghetti at tinapay. Pagkasabing spaghetti ang agahan at dahil paborito ko ito, nagbigay agad (nagpapilit ulit ng kaunti) ako ng pang ambag.
Naunang "umuwi" ang mga 10pm-6am, namalengke na ng mga iluluto, yung mga may-OT, hanggang 8am. Ako naman dahil ang schedule ko ay hindi palaging "fixed" (depende sa workload at mga dapat asikasuhin, pinili ko pa din na mag-out ng maaga dahil gusto ko na ng spaghetti!
Dahil hindi ko alam ang boarding house na pupuntahan, nagpasundo ako sa isa naming kasama. Pagdating sa boarding house, nalaman kong iluluto pa lang ang agahan. Kaya naman habang naghihintay, picture-picture muna. Pasintabi lang po, ang mga susunod na larawan ay magpapakita na AYAW nila ng camera.
Habang pauwi naman, ayaw pa din nila sa camera. Ano pa nga ba, dahil ako ang may hawak ng camera, shot lang ng shot.
Sana mapadalas ang mga ganito. Masaya kasi.

Matapos ang paghihintay, naluto na! Hindi na namin pinatagal, sandaling picture taking lang tapos KAINAN NA! Siyempre para naman masaya ang kainan, picture-picture ulit. Sabi ko na nga ba eh, ayaw talaga nila sa camera. Ano pa nga ba, "eating while picture taking" ang pauso.
Ayos na, busog na ang lahat. Dahil may natira pa, inuwi ko na. Pagkatapos ng kaunting pahinga, dahil nga ayaw sa camera ng mga kasama ko, nag picture taking pa ulit kami bago umuwi. WAGAS!
Natapos na din ang "late" breakfast. Masaya at busog ang lahat. Naalala ko tuloy ang sinabi ng isa kong kasama sa trabaho, sa totoo lang tuwing may salu-salo at kasama ko ang mga taong malalapit sa akin, palagi ko itong naaalala. "It's not the food, It's the bonding." Kahit ano pa ang nakahain basta kasama mo ang mga taong malapit at importante sa iyo, wala na taypong pakialam sa kinakain ang importante, may kasama kang kumain at may nakakausap ka. Iba ang feeling nito laban sa pagkain mo nang mag-isa ka lamang.
Habang pauwi naman, ayaw pa din nila sa camera. Ano pa nga ba, dahil ako ang may hawak ng camera, shot lang ng shot.
Sana mapadalas ang mga ganito. Masaya kasi.
No comments:
Post a Comment