Sa wakas, nalalapit na ang pagtatapos ng taunang palaro sa AMDATEX. Kaninang 2:30 PM, July 24, 2011, naglaro kami para huling elimination game para sa taong ito. "Nothing to lose and everything to gain", ito ang naging mindset ng koponan namin. Paano ba naman kasi, medyo tagilid na kami sa standings dahil sa tatlong magkakadikit na kabiguan. Pero ayos lang, dahil ito ang commitment namin at nagpapasalamat ako sa mga sumama sa akin na mabuo ang commitmant na ito, hindi ako nagdalawang-isip na tapusin ang elimination round kahit alam ko na tagilid na kami. Kasama ko naman ang mga TUNAY na kakampi ko, yung hindi nang-iiwan kahit anong mangyari.
Sa madaling-sabi, siyam na manlalaro lang kaming pumunta (yung isa kasi na-injured noong July 3, dalawa kaming "buwis-buhay" noong game na iyon. Mas mapalad lang ako dahil mabilis akong naka-recover. Ang kalaban namin "full battle gear" karamihan ng miyembro ng team nila pumunta para tuparin din ang kanilang commitment. Hindi kami natinag. Wala kaming official na maituturing na coach. Dinaan lang namin sa diplomasya. Palagi kaming nag-uusap kung anong gagawin. Tapos alaga sa ikot ng tao (parang ang dami ah, at least hindi mahirap magpaikot-ng tao). Dahil ito na ang huling laro namin sa eliminations, kailangan documented ang laro namin. Kaya eto ang mga pictures para pwedeng balik-balikan ang mga huling sandali namin sa eliminations.
Naghahanda na para sa game. May hawak pang tissue si YOBS, mukhang may Strange Feeling pa siya ah^^
Stretching muna ako
Warm Up na papicture pa din kami
3-ball
Short meeting kung paglalaruin si #12 player namin
Ano na daw?
Hindi na ako nakatiis, sumugot na ako sa usapan, sawsawero :)
Nagsimula na ang game, pero hindi pa confirmed kung maglalaro si #12
Picture muna with #12
Getting ready to enter the game for the first time
Running back on defense
First Quarter huddle
More huddle
End of 1st half
More Huddle
Additional Huddle
Hindi na huddle ito, meeting na!
With Ramonchito
Ayan na kahit ongoing ang laro
Joel and Marnelie
Marnelie and Popoy
Huddle na naman
Marnelie feeling coach
ABA! May pagturo pa... wagas!
Yobs and Marnelie
Joan and Marnelie
Free throw time
Marnelie and Popoy
Si Butch naman daw ang mag free throw
Si Alexi naman daw sa foul throw
Oras? Score? Huddle?
Ang kukulit kahit ongoing pa yung game
Butch and Marnelie
Si Sunny din gusto ng bonus shot, ang laki ng lalabanan ko sa pwesto
Ramonchitoooooo...... Five Fouls!
Sunny and Marnelie
Box Out daw!
The attack of Polly's Pulikat, buti patapos na yung game, 1 minute na lang
At natapos na, nanalo ang koponan ng dilaw
Natapos din ang game
Bago umuwi picture muna
Wacky naman daw
Pahinga na daw
Bihis time na
Ayos naman, fulfilling pa din ang experience ngayong taon. Ang importante, nabigyan namin ng magandang laban ang mga nakaharap namin. Masarap ang pakiramdam kapag come from behind ang panalo. 20 points ang hinabl ng koponan namin. Mabuti na lang at maamo ang bola sa amin sa mga huling yugto ng laro. Natapos ang laro at naiuwi namin ang panalo. Magandang pagtatapos sa isa sanang magandang simula. Hindi bale, ang importante, masaya ang lahat ng kakampi ko kanina. Pagkatapos ng laro, nag-celebrate kami nila Joel at Yobs sa Mang Inasal.
No comments:
Post a Comment