Mabuti na lang. Ito na lang ang sinabi ko pagkatapos kong makauwi mula sa isang magdamag na kasama ang mga pinsan ko sa SM Mall of Asia. Mabuti na lang at sumama ako. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganitong bagay, basta nasa harap na ako ng PC, masaya na ako. Pero dahil mapilit ang pinsan kong si Danilda, pumayag na din ako tutal isang magdamag lang naman di ba?
Sa madaling sabi, nauloy na nga ang pagsama ko. Akala ko nga maliligaw ako kasi naman ito ang unang beses ko na pupunta sa nasabing mall kahit ang tagal-tagal na nitong bukas. Gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay, nagpupunta lang ako sa mall pag may kailangang bilihin saka dahil nasa mall ang gym ko.
Pagdating ko sa nasabing mall natuwa naman ako. Malaki nga talaga, tama ang mga kwento ng mga kasama ko sa trabaho. Kaya lang, dahil weekend at malapit na ang Valentines Day, napakaraming tao! Mga 6:30 pm ay nasa mall na ako, na-wrong send pa ako sa isa kong kasama sa trabaho (Hi Malou!) na nasa mall na ako at kung saan daw kami magkikita. Napaghinalaan pa ako na may ka-date! Amfefe. Napag-isip-isip tuloy ako, talaga bang palaging "date" ang tawag doon? Hindi ba pwedeng "hanging out" lang? Bakit palaging kailangang tawaging "date"? Mukhang napapag-iwanan na ako sa mga social paradigm ah. Madami na talaga akong hindi alam.
Dahil napakaraming tao (may fireworks competition pa kasi), late na kami nakapag dinner. Ang napiling kainan - CABALEN! UNLIfood and UNLIdrinks ang kailangan para sa isang nakakpagod at nakakagutom na araw. Dahil nga napakaraming tao, napunta kami sa waiting list. 8:30 pm na pero pang pito pa kaming uupo. Para patayin ang oras, picture-picture muna. Pasintabi po sa mga kumakain. :)
Dahil napakaraming tao (may fireworks competition pa kasi), late na kami nakapag dinner. Ang napiling kainan - CABALEN! UNLIfood and UNLIdrinks ang kailangan para sa isang nakakpagod at nakakagutom na araw. Dahil nga napakaraming tao, napunta kami sa waiting list. 8:30 pm na pero pang pito pa kaming uupo. Para patayin ang oras, picture-picture muna. Pasintabi po sa mga kumakain. :)
Picture without FLASH! Malapit na kaming ma-lobatt!!! Gutom na gutom na.
Picture with FLASH! Malapit na kaming ma-lobatt!!! Gutom na gutom na.
Picture with FLASH! Malapit na kaming ma-lobatt!!! Gutom na gutom na pero project pa din.
After so many long, nakapasok na kami! Attack mode na! pero bago ang actual attack, picture-picture ulit. Pasintabi po ulit sa mga kumakain. :)
Kahit gutom na gutom na, kailangan may "attitude" sa mga shot.
Kailan pa ba kakain?
Huwag na tayo kumain, picture-taking na lang!
Last na shot na muna, kakain din naman.
Sa wakas, attack mode na talaga. Yung unang plato namin, walang pansinan. Kain kung kain. Ako naman, kanin kung kanin (ang waistline ko ~.~), kung nahilig akong umakyat sa mga bundok, pwes, gabundok din ngayon ang white rice ko. Pinaligiran ko nag madaming ulam ang plato ko, walang diet-diet. Lamon kung lamon. Dahil wala nga akong alam sa mga social paradigm, hindi ko alam na kapag babalik na sa buffet table ay dapat bagong plato na. Word for the night, "change plate". Masyado ko yata inabuso ang salitang iyo. Nakailang change plate kasi ako. May "change platito" pa ako. Solve na, pero masama ang loob ko, hindi ako nakatikim ng siomai saka ng lechong baboy. Okay pa din, kain construction worker ako, sulit. Tinapos namin ang UNLIfood trip ng dessert. Kumana ako ng halo-halo at marshmallows with chocolate dip.
Dapat pala hindi na ako nag-bottomless sa iced tea, kinana ko na lang yung gatas sa may dessert section ng CABALEN, sabay lagyan ko ng chocolate dip. Gatas na Choco o Choco na Gatas? ^_^
Busog na ako, hindi na makakilos. ~.~
Ang free chocolate ni Jerry dahil sa inorder niyang love shake.
Late ko na nakita yung Fried Chicken sa buffet table kaya naman kahit tapos na ang dessert kumana pa din ako. At natapos ang late dinner namin. Solve na Solve kaming pito. Hindi kami kaagad nakatayo, nagpahinga pa kami ng 15-20 minutes at nagpasya na kaming dumiretso sa may seaside. Pero bago umalis, picture-picture ulit. For documentation purposes.
Chest Out, Stomach In, Tiger Look!
Once again, Once more!
Dapat jump shot dito kaya lang mga busog pa nga.
Move on na. Kailangan naming magsimulang maglakad-lakad papuntang seaside para bumaba ang kinain. Dapat pala, hindi na ako nagsinturon. Habang papunta sa seaside, dahil kakatapos lang din ng fireworks competition at ang pagkanta ng Spongecola, hindi pa ganap na nakapagligpit ang mga organizers kaya naman take advantage na kami. Eto ang mga hard evidence.
Minsan lang tayo makakaita ng higanteng bote sa kalsada, kailangan may memories tayo kasama ang mahiwagang higanteng bote ng Tanduay.
Minsan lang tayo makakaita ng higanteng bote sa kalsada, kailangan may memories tayo kasama ang mahiwagang higanteng bote ng Tanduay.
Jayson's back shot.
Souvenir Shot!
Kailangan kasama ako!
I need a hug, badly.
Tuloy lang tayo. Pagkatapos ng mga giant bottle shots, naghanap muna kami ng restroom. Retouch ng kaunti pagkatapos lakad na ulit. Mga bandang 11:00 pm na pero busog pa din kami kailangan pa din na maglakad-lakad.
Iba pang stolen shots sa may seaside. Nauubusan na ako ng kwento eh.
Habang nagiisip ng gagawin. Shot muna.
Busog pa din at hindi pa namin alam kung saan kami uupong bar.
Restroom Area shot.
EmoGirl ng Tondo.
Kailangan daw may evidence na nag SM Mall of Asia kami. Titingnan kasi ng mga tita namin pati ni lola kung talagang nag-MOA kami. O_o
Another restroom shot.
Habang naglalakad-lakad kami, madami akong na-realize. Una, mas masaya pa din ang Real Life Socialization kaysa sa Cyber Socialization. Iba pa din ang tunay. Pangalawa, dapat mas madalas ko itong gawin, para sa sarili ko din ito. Pero siyempre mas maganda kapag may kasama ako di ba? Pangatlo, hindi natin kailangan ng palaging madaming pera para maging masaya. Sabi nga ng pinakamamahal kong client two years ago, "It's not the food, it's the bonding." na siya naman na napatunayan ko nitong weekend. Pang apat, kapag nasa eat-all you can, bigyan ang sarili ng pagkakataong tikman ang iba't-ibang nakahain, huwag kainin ang alam mong pagkain lang. Pang lima, at mahaba-haba ito, "In life, there are enough times when we are disappointed, depressed or annoyed. We don't really have to go looking for them. We have a wonderful world that is full of beauty, light and promise. Why waste time in this world looking for the bad, disappointing or annoying things when we can look around us, and see the wondrous things around us?"
Nakakuha kami ng pwesto sa UNO Pizzeria, umubos lang ng isang tower ng beer ang mga pinsan ko, isang platong sisig at isang plato ng finger foods (hindi na ako kumana, busog na busog pa din ako, hindi din ako nag beer kasi doctor's orders ~.~). Enjoy sa live band. Pagkatapos ng isang round, nagpasya na kaming umuwi. Naglakad ng pagkalay-layo sa parking ng sasakyan dahil napakaraming tao nung gabi, hirap sa parking.
Okay na din na Pre-Valentine para sa akin. Salamat sa mga pinsan ko.
No comments:
Post a Comment