February. Isang buwan na lang at graduation na para sa mga nasa Graduating Class. Pero huwag muna nating tingnan ang graduation, dito muna tayo sa main event (next to Valentines Day) for the month of February - ang JS Prom for high school students.
Noong nag-aaral pa lang ako, balewala ito para sa akin. Siguro dahil puro basketball na lang ang gusto kong gawin araw-araw. Balikan natin sandali ang 3rd year high school experience ko. Noong nagsisingilan na para sa JS Prom fee sa school, agad akong nagbayad pero, wala akong balak na dumalo. Gaya nga ng nabanggit ko noong una, mukha na akong basketball. Isa pang dahilan ko ay wala akong kaalam-alam tungkol dito, hindi ko alam ang paradigm na dapat sundin. Sa madaling sabi, nakaplano na ang Friday night ko, maglalaro ng basketball kasama ang mga long time teammates ko sa Camella Homes sa San Pedro, Laguna. Magpapailaw kami at ang kalaban namin ay mga kaklase sa Laguna Northwestern College ng isa kong kakampi sa amin. All set na. Pero two days before ng Prom Night, may iba palang balak ang mga magulang ko. Wednesday ng hapon, binitbit ako ng tatay ko sa Festival Mall sa Alabang, pagkatapos, namili ng isusuot para sa Prom! Amfefe! Hindi na ako makakapaglaro sa Friday. Sa madaling sabi, bago lahat ang isusuot ko sa Prom at dahil nga may isusuot na, obligado na akong umattend.
Babala, ang larawan sa ibaba ay masyadong luma na para sa akin, baka hindi ninyo ako makilala. Pasintabi po sa mga kumakain! Hindi pa yata masyadong dominant ang mga DigiCam noong 1999 kaya eto na ang pinaka clear copy na naitabi ko.
Payatot 1999!
Akala ko naman ay walang kwenta ang pupuntahan ko. Okay naman pala. Noong una, ang inisip ko na lang ay may pupuntahan lang ako na handaan tapos may mga panonoorin akong mga nagsasayawan. Dito ko din nasaksihan na mag-ibang anyo ang mga kasama ko sa classroom araw-araw. Yung mga hindi maganda ay gumganda na lang bigla. Iba pa din kapag naayusan ang isang tao. Lumalabas ang tunay na ganda, huwag lang sosobrahan ng make-up. Nakausap ko din ang iba kong classmates na babae habang isinasayaw ko sila (yun oh nakisayaw na din) about many things, kaya feeling ko doon naging mas maganda ang huling month ng third year high school life ko. Hindi kasi ako masyadong nakikipag usap sa kanila. Bahay-Basketball-School lang ako. Pero nag-iba ang lahat (kahit kaunti) pagkatapos ng 1999 prom.
Fast forward tayo sa Prom 2000. Ngayon, iba na ang perspective ko. Aatend talaga ako. Ganoon pa din, mukha pa din akong basketball pero iba na ngayon. May partner na ako sa pag attend ng prom. Akalain mo yun, nain-love ako. Noong una, ayaw ko na i-admit pero mahirap pala. Akalain mo yun, may GF ako bago mag prom at akalain mo, may pumatol sa akin. HAHA. So, in essence, medyo memorable na din na maituturing ang 4th year high school prom ko. Ang malupit pa nito, after ng prom, the following day ay may CAT training pa.
Eto ang naitabi kong memory sa Prom 2000. Pasintabi ulit sa mga kumakain.
Sil ang mga madalas kong kasama noong high school pa ako sa Liceo De San Pedro, hindi ko na alam kung nasaan at anong mga pinaggagawa nila sa buhay nila pero sana naman maayos silang lahat
Nagpapasalamat ako, kahit papaano ay enjoy ang high school life ko. Isa lang ang masasabi ko, tama pa din na sinubukan ko ang mga bagay na hindi ko akalain na magagawa ko. Isa ito sa mga dahilan para maging sino ako ngayon.
Sa mga may prom night ngayong February, cherish every moment. Magiging iba na ang lahat pagpasok ng college life.
No comments:
Post a Comment