Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Tuesday, February 1, 2011

My Third Climb - Mt. Tagapo aka "Bundok ng Susong Dalaga" (Maiden's breast mountains)

January 29 - 30, 2011, Mt. Tagapo, Brgy. Janosa (Talim Island), Binangonan, Rizal

Before the climb: 85kgs
After the climb: 82kgs

Akala ko hindi na ako makakasama sa climb na ito. Kasi naman, hanggang 8:30 am ng Sabado ay may kausap pa ako na client. ~.~

Mabuti na lang, nakasama ako. minor climb, hindi naman ako nabigo. Hindi gaanong mahirap ang trek, sagana sa pahinga, hindi ako nagkulang sa tubig (yehey!), may sapat na tulog, at higit sa lahat, nakapunta ako sa summit.

Simulan natin sa eksenang bago sumakay ng jeep. Ang unang settlement ay isang jeep para sa 2,500 pesos. Ang ending: dalawang jeep sa parehong halaga. BONUS agad. Word for Saturday morning: Hen-Lin. Dito kasi namin sinundo si Sir Joseph, dahil sa "mis-communication". Hinihintay namin siya yun pala hinihintay din niya kami. Ang galing ano po?

So, ganoon na nga ang nangyari. Fast forward tayo ng kaunti sa stop over at lunch. Sa Walter Mart Calamba ang napili naming stop over. Libot ng kaunti, bili ng Tubig, Gatorade, Hotdog, Paper Plates, Plastic Kubyertos at iba pang basic needs. Pagkatapos lunch na, kanya-kanyang trip kung saan gustong mag lunch. Napili ko na sa Jollibee kumain.

Photo-op sa may Walter Mart Calamba bago pumunta sa fishport.

Pagkakain ng tanghalian. Diretso na sa fishport ng Calamba. Habang nakikipagtawaran ang mga kasama ko, photo-op muna.

Manong Polly in action.

Marnelie sa may dulo.


Group Pic bago sumampa sa bangka.

 
Group Pic ulit bago sumampa sa bangka. 

Papayag ba naman ako na walang solo shot?

Pagkatapos na magkaroon ng agreement, sakay na sa bangka papuntang Talim, Island, Brgy. Janosa. Enjoy ako. Ngayon lang kasi ulit after so many long time ago ako nakasagay sa sasakyang pang -tubig.

Ilang sandali pa ay nasa Talim Island na kami. Stop over lang pala, mga kasama ko atat na bumaba. Mabuti na lang pinigilan sila ng mga may-ari ng bangka.

Paghinto dito, tayuan kaagad ang mga kasama ko. Hindi pa pala dito bababa.


Tuloy ang paglalakbay sa tubig. Syempre, snamantala namin na makuhanan ng picture ang mga magagandang tanawin habang binabaybay ng bangka ang tubig. Eto ang ilan sa mga magagandang tanawin, or at least, maganda para sa grupo namin.

Nice view, sayang pangit ng kulay ng tubig.

Sa kawalan nakatingin

Inip na sa biyahe.

Malapit na daw (30 minutes na lang daw)

Malapit na malapit na daw ~.~

At nakakita na ng lupa!

Atat na ako dito!

Woohooo! Malapit na daw! (promise, amfefe)

Pagdating sa Brgy. Janosa, pahinga ng kaunti, register sa baranggay hall, kuha ng guide, tapos, trek na agad. Masaya ang naging trek papunta sa itaas ng bundok. Eto ang mga katibayan.

Malapit na ito sa summit, mga 4:30 ng hapon.

Simula na ng trek!

Posing muna habang pagod!

Manong Polly while resting.

Nangunguna ako - sa kalokohan!

Pagod na pero smile pa din.

Syemps kami din, kahit pagod na!

Blossom, Bubbles and Buttercup.

Nice view, sayang pangit ng kulay ng tubig.

Bossing Ryan, power pose!

Stolen shot kunwari.

Pagdating sa campsite, nagpatag lang nga mga matataas na damo ang guide tapos, pitch na kami ng tent. Maaga kaming nakaabot sa campsite, 4:30 pm or 5:00 pm ay nasa campsite na kami kaya naman maaga din ang pahinga. Mga eksena habang nag set kami ng camp.

Set camp scene #1

Set camp scene #2

Set camp scene #3: Cute ng Pink Tent!

With the bungalows!

Side ng mga girls naman.

Kasama ko nga pala - isang pugante galing Maynila.

Pagkatapos na mag pitch ng tent, nakatulog agad ako. Ginising na lang ako dahil kakain na, pagkatapos, nakatulog ulit ako. SABAW! Nagising na ako ng mga 5:00 am kinabukasan, lasing na ang iba. Nabalitaan ko na lang na may kasama kami sa summit na nilalagnat at doon na nag ptich ng tent dahil hindi na makababa ang isang kasama. Sa madaling-sabi, inusisa ko sila sa summit. Mabuti na lang at may dalang Biogesic ang isa naming kasama (ingat!) kaya naman nagpresinta na akong umakyat sa summit at magdala ng gamot. Word for the morning: Summit Fever. May fever kasi yung isa naming kasama na nasa summit eh.

Syempre pa, photo-op na naman sa may summit. Eto ang mga hard evidence.

 Ang dinalahan ko ng Biogesic (ingat) ^^

Sunrise, funrise!

Dinama ko ng mabuti ang hangin.

Nice shot ng pasikat na araw!

Malayo ang tingin, akala mo naman may hinahanap ~.~

Ang ganda ng background.

Ang pinakamagandang kuha para sa akin^^

"Kailan kaya ako magkaka-GF?"

Pink tent sa summit kasama yung pugante from Manila!

Pagkatapos na magdala ng gamot at mag photo-op. Bumaba na kami para mag breakfast at maghanda para sa trek pababa. Mga picture sa breakfast at bago bumaba.

Ready for departure!

Hinihintay na lang ang mga kasama.

Inip pero pose pa din!

Breakfast shot, sungay para kay Joel

One more shot, wala namang sungay si Joel
Masaya ang climb na ito dahil una, hindi ako nahirapan, pangalawa, hindi ako naubusan ng tubig, pangatlo, walang PUTIK, pang apat, walang umaso sa sisig, pang lima, nakapag summit ako.

Pagbaba mga mukhang hindi maipinta sa pagod at saya. Naupo kami sa may simbahan habang nagpapahinga at naghahanap ng maliliguan. Mabuti na lang mababait ang locals at hinayaan nila kami na maligo sa tahanan nila.

With Kuya Archie (yung naka - blue), one of the local guides 

Tambay sa harap ng simbahan habang nagpapahinga, Coke 1.5L and XL na Tortillos = comfort food = HAPPINESS!
 
Tambay sa harap ng simbahan habang nagpapahinga, Coke 1.5L and XL na Tortillos = comfort food = HAPPINESS!

Saan kaya ang susunod na bundok? Makasama kaya ako? Tingnan na lang natin. Hanggang sa susunod na bundok.

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)