Para sa kaalaman ng lahat.
Sa Inuman:
- Pag-abot ng baso. Three minutes ang pinakamatagal na paghihintay. MAgbigay ng konsiderasyon sa ibang umiinom. Sundin ang ganitong kasabihan.
- Pagkatapos tumagay. Ibalik ang baso sa tanggero. Tinagayan ka na, baka naman pwedeng ibalik mo sa kanya. Hindi ka prinsipe/prinsesa.
- Ang chaser ay hindi pantawid-lasa, hindi pamatid-uhaw. Doon ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang na mag gym or basketball.
- Iwasan ang magtapon ng alak, binabayaran yan. Hindi ka na nga yata nag ambag, aaksayahin mo pa. Ang tigas ng mukha mo.
- Siguraduhing mag-aambag ka sa inuman. Tigas naman ng mukha mo kung makiki-inom ka ng libre. Pwede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera.
Sa Pulutan:
- Una sa lahat, ang pulutan ay hindi panawid-gutom. Kumain ka sa inyo kung gutom ka. Huwag kang Kung-fu!
- Kapag ginagamitan ng tinidor, huwag mong kamayin. Para kang walang pinag aralan.
- Pagkain ng isda, hindi binabaliktad. Sabi nila sa mga marino galing ang istilong ito para hindi tumaob ang barko.
- Huwag magreklamo kung ano ang nakahain. Hindi ito fiesta, inuman ito.
- Ang tinik, buto at mga parteng hindi makakain ay ilagay sa tabi. Huwag bang baboy. Period.
Asal sa Mesa:
- Kung isa ang tinidor, huwag mag-inarte. Cowboy dapat. Inuman ito, hindi sosyalan.
- Sa kwentuhan, alam namin na kayo ang pinaka siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinakamagaling sa lahat ng bagay. Huwag mo nang ikuwento.
- Pag bisita ka, makitawa ka sa mga joke nila. Makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin hindi ka sanggol.
- Huwag din masyadong pasikat. Okay lang na ikuwento mo na dayo ka, huwag ka lang
.
- Huwag kang mambabara kung bisita ka. Puwede lang mambara kung
ang binara.
- Irespeto ang opinyon ng iba tulad ng pagrespeto mo sa iyo.
- Pag hindi mo na kaya, puwedeng mag-pass. Huwag kang pasikat.
ang dating mo noon.
- Magpatawa ka para masaya. Kung mang-aassar ka sa tropa, siguraduhin mong nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita. Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
- Huwag makipagsabayan. Buraot ang alagaing lasing.
- Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday. Huwag kang agaw eksena.
- Goodtimes dapat palagi.
After ng Inuman:
- Ugaliing tumulong magligpit. Hindi ka na nga nag-ambag hindi ka pa tutulong, kung nag-ambag man, respeto lang sa maybahay.
- Kung hindi na kaya, humiga sa isang tabi. Gaya ng nabanggit sa itaas, huwag makipagsabayan.
- Kung hindi tutulong na magligpit, huwag makulit. Hindi ka na nga tutulong, mangugulo ka pa. Hassle ka naman pag ganoon.
- Kung aalis ka na sa gitna ng inuman, ugaliing mag-iwan ng pang-ambag. Courtesy lang sa grupo at para tuloy lang ang igaya.
Suka Tips:
- Kapag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
- Huwag magyosi kapag nasusuka na. Iba ang epekto ng usok sa tiyan kapag nakainom.
- Kapag nararamdaman na ang suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan (Banyo/Inidoro). Nakakahiya kung pinipigil mo at nasuka ka sa harap ng mga kainuman mo.
- Magmumog palagi pagkatapos sumuka. Kadiri bibig mo.
- At kung plano pang bumalik sa mesa, siguraduhing malinis ang itsura. Para hindi ka itaboy.
Tanggero Tips:
- Bilang punong naatasan sa pagpapasa ng tagay, siguraduhig kumpleto ang gamit gaya ng: Tabo ng tubig (pang banlaw ng baso pag beer ang iniinom), pambukas at lighter.
- Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nag-ambag at alukin ang lahat ng bisita.
Sa mga Manginginom:
- Pakunswelo sa nagpainom at tanggero. Alalayan sila tulad ng pagreplenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan, at yosi, at pagpapalit ng music kung walang naatasang DJ.
- Panatilihing masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at higit sa lahat, magsaya para makalimot sa problema. Let the good-times roll. Gawing memorable ang bawat inuman session, memorable in a good way ah.
Disclaimer: This entry is a repost. Saw this post while browsing the other day. Credit should go to this person, just wanted to share.
No comments:
Post a Comment