Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, February 28, 2011

How to hug a baby....from a dog's point of view!

Instructions for properly hugging a baby: 

1. First, uh, find a baby.




2. Second, be sure that the object you found was indeed a baby by employing classic sniffing techniques.


3. Next you will need to flatten the baby before actually beginning the hugging process.


4. The "paw slide" Simply slide paws around baby and prepare for possible close-up.


5. Finally, if a camera is present, you will need to execute the difficult and patented 'hug, smile, and lean' so as to achieve the best photo quality.




Disclaimer: This entry is not my original work, got this in a forwarded e-mail from a certain Jhoanna Marie Gamil of AMDATEX (received the e-mail last 8/5/2008). All credit should go to this person, just wanted to share.

When You Feel Bored at KFC

Sa mga walang magawa sa KFC pagkatapos kumain at ayaw pa nilang tumayo dahil nagpapahinga pa o kaya naman ay nagkwentuhan pa, eto ang mga "bright" ideas na pwedeng gawin habang nagpapalipas ng oras sa nasabing fast food chain. Pasintabi lang po sa mga mahihina ang sikmura. :p






Disclaimer: This entry is not my original work, got this in a forwarded e-mail from a certain Bernard Faeldan of Sykes (received the e-mail last 8/3/2009). All credit should go to this person, just wanted to share.

Joke of the Day

Man phones home looking for wife
Maid: Sir nasa taas, kasama bf.
Sir: Kunin mo baril at patayin mo sila.
[after 2mins.]
Maid: Sir patay na po.
Sir: Tapon mo cla sa pool.
Maid: Sir wala tayo pool.
Sir: Huh? Ay sorry, wrong number...

The Truth
Jun: I know the truth mom!
Mom: Ha? Eto 500, wag ka maingay sa dad mo ha?
Jun: Dad I know the truth!
Dad: Ha? Eto 1,000, wag ka maingay sa mom mo ha?
Jun: [Hmm epektib to ah! Aha sa driver, masubukan!]
Jun: Manong! Alam ko na ang katotohanan!
Driver: Sa wakas! Yakapin mo ko anak!

Inday Joke 
Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang hindi mo kayang bilangin?
Anak: Mas bobo si itay 'nay, kasi nadinig ko minsan sabi,
“Tama na inday hanggang tatlo lang ang kaya ko

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Banat for the Day

When you are DOWN to nothing.... God is UP to something! Faith sees the invisible, believes the incredible and receives the impossible! Thank God for our physical AND our spiritual nourishment!

I've Learned

I've learned that you cannot make someone love you. All you can do is be someone that can be loved. The rest is up to them.

I've learned that no matter how much I care, some people just don't care back.

I've learned that it takes years to build up trust and only seconds to destroy it.

I've learned that it's not what you have in your life, but who you have in your life that counts.

I've learned that you shouldn't compare yourself to the best others can do.

I've learned that you can do something in an instant that will give you heartache for life.

I've learned that it's taking me a long time to become the person I want to be.

I've learned that you should always leave loved ones with loving words. It may be the last time you see them.

I've learned that you can keep going long after you can't.

I've learned that we are responsible for what we do, no matter how we feel. That either you control your attitude or it controls you.

I've learned that heroes are the people who do what has to be done regardless of the consequences.

I've learned that money is a lousy way to keep score.

I've learned that my best friend and I can do anything or nothing and have the best time.

I've learned that just because someone doesn't love you the way you want them to doesn't mean they don't love you with all they have.

I've learned that maturity has more to do with what types of experiences you've had and what you've from them and less to do with how many birthdays you've celebrated.

I've learned that you should never tell a child their dreams are unlikely or outlandish. Few things are more humiliating, and what a tragedy it would be if they believed it.

I've learned that no matter good a friend is, they're going to hurt you every once in a while and you must forgive them for that.

I've learned that no matter how bad your heart is broken the world doesn't stop for your grief.

I've learned that our background and circumstances may have influenced who we are, but we are responsible for who we become.

I've learned that even when you think you have no more to give, when a friend cries out to you, you will find the strength to help.

Disclaimer: This entry is not my original work, got this in a forwarded e-mail from a certain Litzer Blancia of AMDATEX (received the e-mail last 5/30/2008). All credit should go to this person, just wanted to share.

Thursday, February 24, 2011

Banat for the Day

Your heart may be beating normally, but that does not mean that you are alive. You may be healthy physically, but you may be dead spiritually.
- Joseph Prince from the book "A Life Worth Living"

Wednesday, February 23, 2011

Banat for the Day

The secret of happy life is not to get what you want but to live with what you got. Most of us spend our lives concentrating on what we don't have instead of thanking God for what we do have. Then we wake up, our life is over and we missed the beauty of the present.

Monday, February 21, 2011

Perceptions

Life is hard - because we see the obstacles, not the goals.
Life is painful - because we see the tears, not the smiles.
People are rejected - because see their faults, not their righteous deeds.
People are weak - because we see their failures not their success.
It is the way we look at things that makes this world worthwhile to live in, not plainly on our judgment!

Banat for the Day

Most of the time, what you want and what you get are two different things. Sometimes God breaks our spirit to save our soul, sometimes He breaks our heart to make us whole. Although we can't have everything we want, we can want everything we have.

Rules/Etiquette sa Inuman, Pulutan at Pagsuka

Para sa kaalaman ng lahat.

Sa Inuman:

  • Pag-abot ng baso. Three minutes ang pinakamatagal na paghihintay. MAgbigay ng konsiderasyon sa ibang umiinom. Sundin ang ganitong kasabihan.
  • Pagkatapos tumagay. Ibalik ang baso sa tanggero. Tinagayan ka na, baka naman pwedeng ibalik mo sa kanya. Hindi ka prinsipe/prinsesa.
  • Ang chaser ay hindi pantawid-lasa, hindi pamatid-uhaw. Doon ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang na mag gym or basketball.
  • Iwasan ang magtapon ng alak, binabayaran yan. Hindi ka na nga yata nag ambag, aaksayahin mo pa. Ang tigas ng mukha mo.
  • Siguraduhing mag-aambag ka sa inuman. Tigas naman ng mukha mo kung makiki-inom ka ng libre. Pwede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera.

Sa Pulutan:
  • Una sa lahat, ang pulutan ay hindi panawid-gutom. Kumain ka sa inyo kung gutom ka. Huwag kang Kung-fu!
  • Kapag ginagamitan ng tinidor, huwag mong kamayin. Para kang walang pinag aralan.
  • Pagkain ng isda, hindi binabaliktad. Sabi nila sa mga marino galing ang istilong ito para hindi tumaob ang barko.
  • Huwag magreklamo kung ano ang nakahain. Hindi ito fiesta, inuman ito.
  • Ang tinik, buto at mga parteng hindi makakain ay ilagay sa tabi. Huwag bang baboy. Period.
Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl. puwede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. Hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka, doon ka sa kaharian mo mag-inom.

Asal sa Mesa:
  • Kung isa ang tinidor, huwag mag-inarte. Cowboy dapat. Inuman ito, hindi sosyalan.
  • Sa kwentuhan, alam namin na kayo ang pinaka siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinakamagaling sa lahat ng bagay. Huwag mo nang ikuwento.
  • Pag bisita ka, makitawa ka sa mga joke nila. Makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin hindi ka sanggol.
  • Huwag din masyadong pasikat. Okay lang na ikuwento mo na dayo ka, huwag ka lang .
  • Huwag kang mambabara kung bisita ka. Puwede lang mambara kung ang binara.
  • Irespeto ang opinyon ng iba tulad ng pagrespeto mo sa iyo.
  • Pag hindi mo na kaya, puwedeng mag-pass. Huwag kang pasikat. ang dating mo noon.
  • Magpatawa ka para masaya. Kung mang-aassar ka sa tropa, siguraduhin mong nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita. Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
  • Huwag makipagsabayan. Buraot ang alagaing lasing.
  • Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday. Huwag kang agaw eksena.
  • Goodtimes dapat palagi.

After ng Inuman:
  • Ugaliing tumulong magligpit. Hindi ka na nga nag-ambag hindi ka pa tutulong, kung nag-ambag man, respeto lang sa maybahay.
  • Kung hindi na kaya, humiga sa isang tabi. Gaya ng nabanggit sa itaas, huwag makipagsabayan.
  • Kung hindi tutulong na magligpit, huwag makulit. Hindi ka na nga tutulong, mangugulo ka pa. Hassle ka naman pag ganoon.
  • Kung aalis ka na sa gitna ng inuman, ugaliing mag-iwan ng pang-ambag. Courtesy lang sa grupo at para tuloy lang ang igaya.

Suka Tips:
  • Kapag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
  • Huwag magyosi kapag nasusuka na. Iba ang epekto ng usok sa tiyan kapag nakainom.
  • Kapag nararamdaman na ang suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan (Banyo/Inidoro). Nakakahiya kung pinipigil mo at nasuka ka sa harap ng mga kainuman mo.
  • Magmumog palagi pagkatapos sumuka. Kadiri bibig mo.
  • At kung plano pang bumalik sa mesa, siguraduhing malinis ang itsura. Para hindi ka itaboy.

Tanggero Tips:
  • Bilang punong naatasan sa pagpapasa ng tagay, siguraduhig kumpleto ang gamit gaya ng: Tabo ng tubig (pang banlaw ng baso pag beer ang iniinom), pambukas at lighter.
  • Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nag-ambag at alukin ang lahat ng bisita.

Sa mga Manginginom:
  • Pakunswelo sa nagpainom at tanggero. Alalayan sila tulad ng pagreplenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan, at yosi, at pagpapalit ng music kung walang naatasang DJ.
  • Panatilihing masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at higit sa lahat, magsaya para makalimot sa problema. Let the good-times roll. Gawing memorable ang bawat inuman session, memorable in a good way ah.

Disclaimer: This entry is a repost. Saw this post while browsing the other day. Credit should go to this person, just wanted to share.

Joke of the Day

Student Jokes

Joke#1
Student: Ma'am, pagagalitan n'yo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
Teacher: Natural hindi.
Student: Good! Hindi ko po ginawa ang assignment ko.

Joke#2
Jun-Jun: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng titser namin kanina!
Inay: Very good! Ano ba ang tanong ng teacher  ninyo?
Jun-Jun: Sino ang walang assignment?

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Sunday, February 20, 2011

Joke of the Day

Dahil Sunday ngayon dalawang joke naman tayo. :)

Pari Joke:
Bishop: Father, pinasok ka daw ng babaeng nakahubad sa kwarto mo. Nong ginawa mo?
Priest: Tumakbo ako. Kung ikaw bishop, anong gagawin mo?
Bishop: Magsisinungaling din.

Mag-asawa Joke:
Misis#1: Suko na ako sa mister ko, lagi na lang akong binubugbog bago niroromansa.
Misis#2: Mas grabe ang mister ko. Binubugbog ako pagkatapos si Inday ang niroromansa.

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Friday, February 18, 2011

Joke of the Day

Kagagaling lang ni Isabel sa isang date.

Ina: Kamusta naman ang date mo?
Isabel: Ayos naman po inay, sige po, papasok na ako sa room ko para isulat sa diary ko ang tungkol sa first date ko.
Makalipas ang ilang saglit ay lumabas si Isabel at nagtanong sa kanyang ina.

Isabel: Inay, ano nga po pala ang past tense ng "VIRGIN"?

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Thursday, February 17, 2011

Umbrella

It's nice when someone holds an umbrella for you under the rain but it's nicer when someone holds your hand and together you run under the rain.

Tuesday, February 15, 2011

Banat for the Day

Pagtingin ko sa bulsa ko, walang pera; pagtingin ko sa pitaka ko, may kaunting barya; pagsilip ko sa puso ko, nandoon ka. Naks, ang yaman ko pala. ♥

Monday, February 14, 2011

A Weekend To Remember (02.12-02.13.2011)

Mabuti na lang. Ito na lang ang sinabi ko pagkatapos kong makauwi mula sa isang magdamag na kasama ang mga pinsan ko sa SM Mall of Asia. Mabuti na lang at sumama ako. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganitong bagay, basta nasa harap na ako ng PC, masaya na ako. Pero dahil mapilit ang pinsan kong si Danilda, pumayag na din ako tutal isang magdamag lang naman di ba?

Sa madaling sabi, nauloy na nga ang pagsama ko. Akala ko nga maliligaw ako kasi naman ito ang unang beses ko na pupunta sa nasabing mall kahit ang tagal-tagal na nitong bukas. Gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay, nagpupunta lang ako sa mall pag may kailangang bilihin saka dahil nasa mall ang gym ko.

Pagdating ko sa nasabing mall natuwa naman ako. Malaki nga talaga, tama ang mga kwento ng mga kasama ko sa trabaho. Kaya lang, dahil weekend at malapit na ang Valentines Day, napakaraming tao! Mga 6:30 pm ay nasa mall na ako, na-wrong send pa ako sa isa kong kasama sa trabaho (Hi Malou!) na nasa mall na ako at kung saan daw kami magkikita. Napaghinalaan pa ako na may ka-date! Amfefe. Napag-isip-isip tuloy ako, talaga bang palaging "date" ang tawag doon? Hindi ba pwedeng "hanging out" lang? Bakit palaging kailangang tawaging "date"? Mukhang napapag-iwanan na ako sa mga social paradigm ah. Madami na talaga akong hindi alam.

Dahil napakaraming tao (may fireworks competition pa kasi), late na kami nakapag dinner. Ang napiling kainan - CABALEN! UNLIfood and UNLIdrinks ang kailangan para sa isang nakakpagod at nakakagutom na araw. Dahil nga napakaraming tao, napunta kami sa waiting list. 8:30 pm na pero pang pito pa kaming uupo. Para patayin ang oras, picture-picture muna. Pasintabi po sa mga kumakain. :)


Picture without FLASH! Malapit na kaming ma-lobatt!!! Gutom na gutom na.

Picture with FLASH! Malapit na kaming ma-lobatt!!! Gutom na gutom na.

Picture with FLASH! Malapit na kaming ma-lobatt!!! Gutom na gutom na pero project pa din.

After so many long, nakapasok na kami! Attack mode na! pero bago ang actual attack, picture-picture ulit. Pasintabi po ulit sa mga kumakain. :)

Kahit gutom na gutom na, kailangan may "attitude" sa mga shot.

 Kailan pa ba kakain?

 Huwag na tayo kumain, picture-taking na lang!

Last na shot na muna, kakain din naman.

Sa wakas, attack mode na talaga. Yung unang plato namin, walang pansinan. Kain kung kain. Ako naman, kanin kung kanin (ang waistline ko ~.~), kung nahilig akong umakyat sa mga bundok, pwes, gabundok din ngayon ang white rice ko. Pinaligiran ko nag madaming ulam ang plato ko, walang diet-diet. Lamon kung lamon. Dahil wala nga akong alam sa mga social paradigm, hindi ko alam na kapag babalik na sa buffet table ay dapat bagong plato na. Word for the night, "change plate". Masyado ko yata inabuso ang salitang iyo. Nakailang change plate kasi ako. May "change platito" pa ako. Solve na, pero masama ang loob ko, hindi ako nakatikim ng siomai saka ng lechong baboy. Okay pa din, kain construction worker ako, sulit. Tinapos namin ang UNLIfood trip ng dessert. Kumana ako ng halo-halo at marshmallows with chocolate dip.

Dapat pala hindi na ako nag-bottomless sa iced tea, kinana ko na lang yung gatas sa may dessert section ng CABALEN, sabay lagyan ko ng chocolate dip. Gatas na Choco o Choco na Gatas? ^_^

Busog na ako, hindi na makakilos. ~.~

Ang free chocolate ni Jerry dahil sa inorder niyang love shake.

Late ko na nakita yung Fried Chicken sa buffet table kaya naman kahit tapos na ang dessert kumana pa din ako. At natapos ang late dinner namin. Solve na Solve kaming pito. Hindi kami kaagad nakatayo, nagpahinga pa kami ng 15-20 minutes at nagpasya na kaming dumiretso sa may seaside. Pero bago umalis, picture-picture ulit. For documentation purposes.


Chest Out, Stomach In, Tiger Look!

Once again, Once more!
Dapat jump shot dito kaya lang mga busog pa nga.

Move on na. Kailangan naming magsimulang maglakad-lakad papuntang seaside para bumaba ang kinain. Dapat pala, hindi na ako nagsinturon. Habang papunta sa seaside, dahil kakatapos lang din ng fireworks competition at ang pagkanta ng Spongecola, hindi pa ganap na nakapagligpit ang mga organizers kaya naman take advantage na kami. Eto ang mga hard evidence.

Minsan lang tayo makakaita ng higanteng bote sa kalsada, kailangan may memories tayo kasama ang mahiwagang higanteng bote ng Tanduay.

Minsan lang tayo makakaita ng higanteng bote sa kalsada, kailangan may memories tayo kasama ang mahiwagang higanteng bote ng Tanduay.

Jayson's back shot.

Souvenir Shot!

Kailangan kasama ako!

I need a hug, badly.

Tuloy lang tayo. Pagkatapos ng mga giant bottle shots, naghanap muna kami ng restroom. Retouch ng kaunti pagkatapos lakad na ulit. Mga bandang 11:00 pm na pero busog pa din kami kailangan pa din na maglakad-lakad.

Iba pang stolen shots sa may seaside. Nauubusan na ako ng kwento eh.

Habang nagiisip ng gagawin. Shot muna.

Busog pa din at hindi pa namin alam kung saan kami uupong bar.

Restroom Area shot.
 
EmoGirl ng Tondo.
 
Kailangan daw may evidence na nag SM Mall of Asia kami. Titingnan kasi ng mga tita namin pati ni lola kung talagang nag-MOA kami. O_o
 
Another restroom shot.

Habang naglalakad-lakad kami, madami akong na-realize. Una, mas masaya pa din ang Real Life Socialization kaysa sa Cyber Socialization. Iba pa din ang tunay. Pangalawa, dapat mas madalas ko itong gawin, para sa sarili ko din ito. Pero siyempre mas maganda kapag may kasama ako di ba? Pangatlo, hindi natin kailangan ng palaging madaming pera para maging masaya. Sabi nga ng pinakamamahal kong client two years ago, "It's not the food, it's the bonding." na siya naman na napatunayan ko nitong weekend. Pang apat, kapag nasa eat-all you can, bigyan ang sarili ng pagkakataong tikman ang iba't-ibang nakahain, huwag kainin ang alam mong pagkain lang. Pang lima, at mahaba-haba ito, "In life, there are enough times when we are disappointed, depressed or annoyed. We don't really have to go looking for them. We have a wonderful world that is full of beauty, light and promise. Why waste time in this world looking for the bad, disappointing or annoying things when we can look around us, and see the wondrous things around us?"

Nakakuha kami ng pwesto sa UNO Pizzeria, umubos lang ng isang tower ng beer ang mga pinsan ko, isang platong sisig at isang plato ng finger foods (hindi na ako kumana, busog na busog pa din ako, hindi din ako nag beer kasi doctor's orders ~.~). Enjoy sa live band. Pagkatapos ng isang round, nagpasya na kaming umuwi. Naglakad ng pagkalay-layo sa parking ng sasakyan dahil napakaraming tao nung gabi, hirap sa parking.

Okay na din na Pre-Valentine para sa akin. Salamat sa mga pinsan ko.

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)