For two straight years, sa office ako nag Media Noche. Kailangan sa trabaho eh. Pero wala akong problema doon. Libre ang pagkain ko, bayad pa ang araw ko. May chance pa ako na manalo sa raffle at sa bring me game. Kung para sa iba ang pagpasok sa gabi ng December 31 ay lubhang napakahirap (may 20 na hindi nakapasok, kanya-kanyang dahilan at palusot), para sa karamihan sa amin sa outsourcing industry, normal na ang ganito. Holy Thursday, Good Friday, Black Saturday, All Saint's Day, All Souls Day, Christmas Eve at New Year's Eve - ang lahat ng ito ay normal na araw para sa amin, lalo na sa mga nasa graveyard shift.
Ganito ang naging takbo ng isang shift namin - bring me game at raffle bago mag alas-does ng hatinggabi, tapos Media Noche time naman. Pagkatapos na magsalo-salo sa isang simple meal, balik sa production floor para "magtrabaho". Ang shift namin ay nahati sa 85% pahinga/kain/sound trip/photoshoot at 20% naman sa actual na trabaho, at least, para sa karamihan ng pumasok ng gabing ito. Pagsapit ng alas - dose, nag pray muna kami bilang isang family. Dahil walang mapili, by default, ako ang nag-lead ng New Year's prayer.
Eto ako (naka blue) at si bossing (in yellow top), pagkatapos ng prayer, isang Thank You speech naman from bossing
Nakikinig ang lahat sa speech ni bossing (kailangang makinig, ang hindi makinig, may memo pagbalik sa unang Monday ng taon)
Pagkatapos ng pamatay na speech, palakpakan ang lahat (kailangang pumalakpak, ang hindi pumalakpak, may memo pagbalik sa unang Monday ng taon)
Pagkatapos ng power prayer and power speech, wala na, nagmistulang noise room na ang buong room namin. Kanya-kanyang sounds, kanya-kanyang speakers (ang term ko nga BUM-BAYO, bumabayo na kasi ang buong kwarto!), kanya-kanyang ngatngat ng baon nila at kanya-kanyang photoshoot.
Babala: ang mga susunod na kuhang makikita ninyo ay ilan sa mga hard evidence ng naganap na photoshoot sa isang buong shift.
Hindi rin mawawala ang mga revelation shots na makikita naman sa ibaba. From the yellow team, with matching kagat-labi and in full-project mode:
Nang sumapit ang alas-kwatro ng umaga, bumaba kami ng mga kasama kong officers at supervisors para bumanat ng liempo at crispy pata. Nagkaroon kami ng maliit na contribution para mayroon din kaming kakainin pagkatapos na magsara ng maaga ang canteen. Liempo, Crispy Pata at Pepsi. Solve na! Binanatan namin ito ng walang kanin. Magagandang topic lang ang puhunan, ayos na. Pagbalik sa taas, mataas na ang cholesterol level ng mga bumiyahe ng pantry kaya naman ganito na ang posing sa mga picture:
okay pa dito eh, matino pa ang posing
okay pa din dito, matino pa ang posing
at hindi rin nagtagal, sa pangatlong kuha, FUSION technique na ang nangibabaw
hindi nga pala ako pumayag na walang SOLO shot
May mga "Taking Advantage" shots din tayo. Tingnan ang mga susunod na larawan. Talo-talo na! Pagkakataon na ito!
Ano kaya ang mangyayari ngayong taon? Nakalagay sa holiday shedule namin na walang pasok sa December 24 and 31 ngayong taon. Pero, walang katiyakan ito. Sa ngayon, masyadong matagal pa yan para isipin.
Isa lang ang masasabi ko, masaya kong sinalubong ang taong 2011. Sana lang, maging maganda ito para sa lahat.
No comments:
Post a Comment