Hindi lahat ng ginagawa mo ay NAKAKATUWA, yung iba NAKAKAKILIG♥
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Saturday, October 22, 2011
Banat for the Day
Labels:
Banat
Friday, October 21, 2011
Rated PG (Patay-Gutom) The 14th Wave
October 21, 2011
Accomplice: Charlie Kate Bercasio
Accomplice: Charlie Kate Bercasio
Venue: Jollibee SM Southmall
Friday ng umaga, nakatapos ng mahabang overtime. Pagod at gutom, sumaglit kami ni Charlie sa SM Southmall para mag-agahan. Tamang-tama, para paguwi ng bahay, matutulog na lang.
Hindi na kami masyado nagtagal, ang importante ay may laman ang tiyan bago umuwi at matulog. Pero gaya ng ibang mga adventures, picture muna para may remembrance ng breakfast.
Pagkatapos ng short breakfast, tumulak kami sandali sa may Cyberzone para tingnan ang gusto kong android phone para sana sa pasko - Samsung Galaxy Y. Pagkatapos, umuwi na kami. May laman na ang tiyan at pwede na matulog ng maayos pagkauwi ng bahay :)
Labels:
Cyberzone,
Jollibee,
Samsung Galaxy Y,
SM Southmall
Monday, October 17, 2011
OctobeRun 2011
Date: October 9, 2011
Place: Bonifacio Global City, Taguig
Accomplice: John Paul Lipardo
Late post! Samalat sa isang EPIC FAIL na Internet connection last week, lahat ng naitype ko at naiupload ko na pictures para sa post na ito ay nawala! Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng free time para subukan na ibalik ang dapat na naka-post na noong isang linggo pa!
Simulan na natin. Sunday ng madaling-araw, tama lang ang oras namin pagdating sa Alabang. Ang problema, ginawang terminal ng bus na sinasakyan namin ang gasolinahan bago lumabas ng tollgate. Hindi na ako nakapag-light breakfast dahil gusto namin na maaga makarating sa venue, wala namang malipatan na bus na diretso sa Ayala. Ang ending - LATE! Late si John Paul para sa 21K run ng mga 15 minutes! Mabuti na lang sa 5K ako :)
Mabuti na lang din, nahila ako nung sabado ng umaga na mag-HEAVY breakfast sa Army Navy sa may Westgate Alabang. Solid yung kinain ko. Pwede na din tumakbo para sa 5K.
Mga 5:35am ang start ng race para sa 5K. Medyo madilim pa pero okay naman, kita pa din ang tatakbuhan. Narito ang ilang mga kuha ng early stages ng run:
Pagkaraan ng ilang mga sandali, may blessing na dumating. UMULAN! Hindi lang basta simpleng ulan, yung masarap na ulan, hindi malakas pero mababasa ka mga ilang sandali lang. Inabot ako ng ulan sa may simbahan. May mga runner na sumilong muna sa simbahan para magpatila ng ulan. Hindi ko na magawang sumilong. Nag-enjoy na lang akong tumakbo sa ulan. Tamang-tama, unang official race ng bagong sapatos ko, unang beses ko din na tumakbo sa ulan sa isang official na race. Sayang nga lang at hindi nagtagal ang ulan. Mga pictures pagkatapos kaming basain ng ulan:

Hindi rin nagtagal, natapos ko ang 5K run. Hindi naman gaanong nakakapagod salamat sa ulan. Nagulat ako dahil pagdaan ko mismo sa finish line ay iniabot na sa akin ang loot bag. May bonus singlet salamat sa Pocari Sweat syempre kasama na din ang isang bote ng Pocari Sweat, raisin wheat bread, isang energy bar mula sa Lemon Square at isang saging! Nabawi ang pagod ko. Eto naman ang official time ko mula sa site:
Not bad. Hindi nalalayo sa PR ko na 00:45:17 sa Run 4 Life noong May 15, 2011. Dapat ma-beat ko naman ito sa October 23, sa Adidas King of the Road 2011. May mga mahigit isang oras ko din na hinintay si John Paul na sa 21K tumakbo. Habang naghihintay, naglibot muna ako sa "Race Village" sa mga sponsor booths. Nakakuha ako ng maraming Lemon Square energy bars, yung mga peanut ang flavor ibinigay ko kay John Paul.
Hindi rin naman ako nagpahuli sa booth ng Rogin-E. Pabalik-balik ako sa booth at nagpapakita sa iba't-ibang mga bantay para bawat balik ko ay may free vitamins ako. Tagumpay naman ako. Madami akong nakuhang vitamins tulad ng sabooth ng Lemon Square, madami din akong nakuhang energy bars.
Hindi pa dumadating si John Paul, nagsimula na ang awarding. Nakuhaan ko ng picture ang mga Kenyan na kinuha ang 1st, 2nd at 3rd place finishes sa magkakaibang category. Weekly job na nila ito :) maganda pang training para sa kanila.
Sa wakas! Dumating na din si John Paul, dala ang kanyang finisher's shirt at medal, hindi magiging kumpleto ang araw kung walang souvenir shots. Bago matapos ang event, sinigurado namin na may mga pictures kami. Narito ang ilang mga kuha:
Lumisan kami sa "Race Village", masaya dahil madaming naiuwi^^ Nag-agahan sa Jollibee, nag-ikot sa Market! Market! at umuwi na after lunch. Oo nga pala, nanood pa kami (at kumain sa Wendy's) ng Johnny English Reborn ni Charlie sa Festival Mall. Hindi pala ako nakauwi kaagad. Nakauwi na ako sa bahay bandang 10:00pm na.
Ito na ang naging warm-up ko para sa Nike We Run Manila 2011.
Sunday, October 16, 2011
Nike We Run Manila 10K Race Day
October 15, 2011
Accomplices: Paul Biduya, Racheal Rivera, Joel Lemitares, Alvin John Tolentino, Sophia Dela Rama, John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla
Accomplices: Paul Biduya, Racheal Rivera, Joel Lemitares, Alvin John Tolentino, Sophia Dela Rama, John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla
Venue: Bonifacio Global City, Taguig
Dumating na ang araw na pinakahihintay aming lahat. Saturday, October 15, 2011, sabay-sabay na tatakbo ang nasa 8,000 na tao para sa Nike We Run Manila 2011 event. Kaunti lang ang tulog (bukod sa isa diyan, oo ikaw yun John Paul!) dahil galing sa graveyard shift, masigla naming tinungo ang event.
Sa Starmall sa Alabang ang meeting place namin, 2:30pm ang usapan pero dumating ako ng 3:00pm; nakakain na silang lahat sa Jollibee kaya naman pagdating ko ay nag take-out na lang ako. Dahil mahaba ang pila, sa KFC na lang ako nag take-out.
Pagkatapos kong mag take-out, sumakay na kami ng bus papuntang Ayala. Hindi naman nagtagal ang bihaye, sa loob ng mga kalahating oras, nasa Ayala na kami. Sumunod naman ay ang pila sa terminal ng bus papuntang Bonifacio Global City. Habang naghihintay ng bus, picture taking muna.
Pagdating sa Bonifacio Global City, tinungo namin kaagad ang baggage counter para iwanan ang mga bag namin at makpaghanda na sa 10K run. Pagkatapos naming maideposito ang gamit sa baggage counter, pumila muna kami sa portalets. Box office! Yan lang ang masasabi ko. Napakahaba ng pila sa mga portalet.
Pagkatapos ng mga preparations, diretso na kami sa starting line. Napakarming tao! Dahil medyo late na kami, nahirapan kami sa pagsingit pero mga 3 minutes after ng gun start, nakahanay na din kami sa mga runners. Mga kuha bago kami tumungo sa starting line.

Eto naman ang sinasabi kong madaming tao. Paint the town orange. Nagbibiruan pa nga kami habang papunta sa starting line, parang may campaign si Manny Villar sa Bonifacio Global City.
Nakasingit na din kami! Siksikan pero enjoy pa din. Masarap sa mata na ang nakikit mo sa harap mo ay puro kulay orange, pati ang nakakasalubong mo. Masaya dahil kasama mong tumakbo ang mga kaibigan mo.
Eto naman ang magandang tanawin. Paint the town orange. Mabuhay runners, we have shown unity yesterday, October 15, 2011.
Inabot na kami ng dilim noong natapos namin ang run. Pagod pero masaya. Nilakad ko na lang ang huling 3km dahil bukod sa madilim na (baka madapa ako) iniiwasan ko ang risk ng injury (madami pa akong naka-line-up na event hanggang November). Natapos ko ang run at dahil naka link sa Facebook at Twitter accounts ko ang result publishing, naipost kaagad online ang resulta. May mali pa nga kasi sa Female ako classified.
Sana sa Adidas King of the Road 2011 event sa October 23, nasa tamang category na ako.
Update (10/20/2011):
Tama nga ang hinala ko! Nasa maling category ako at mali ang time ko. Mabuti na lang at available na ang official (sana) na race results tingnan natin:
Paul Biduya
Paul Biduya
01:36:56.39
Category: Men >25
Rank: 2662
Bib#: 28847
Joel Lemitares
01:36:57.39
Category: Men >25
Rank: 2663
Bib#: 30336
John Paul Lipardo
01:39:15.20
Category: Men >25
Rank: 2757
Bib#: 30286
June Real
01:48:42.90
Category: Men >25
Rank: 3002
Bib#: 32281
Alvin John Tolentino
01:43:41.67
Category: Men <25
Rank: 858
Bib#: 32522
Liezel Hermedilla
01:39:15.39
Category: Women <25
Rank: 346
Bib#: 36672
Sophia De La Rama
01:43:41.43
Category: Women <25
Rank: 411
Bib#: 37944
Nagkita-kita kami sa lugar malapit sa baggage counter, pahinga ng kaunti, palit ng damit ang iba tapos nood na ng concert sa race village.
ChicoSci, Sandwich at Parokya ni Edgar. Itong mga bandang ito lang naman ang nagsara ng event. Priceless ang experience na ito para sa akin. Tumakbo ng 10k kasama ang mga kaibigan, nakapanood ng tatlong pinoy bands, umuwi ng masaya. Wala ka nang hahanapin pa. Balewala ang pagod at puyat (dahil galing sa graveyard shift, isa lang naman diyan ang nakapagpakudisyon, oo John Paul, ikaw pa din ang tinutukoy ko!)
Ang mga kuha sa ibaba ay hindi galing sa camera ko, galing ito sa Facebook page na http://www.facebook.com/NikeRunningPH
Mukhang mas lalong mapapadalas ang pagsama ko sa mga ganitong event. Next Sunday, Adidas King of the Road 2011 naman.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Total Pageviews
About Me
- June Rumbaoa Real
- Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)