Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, March 28, 2011

My 4th "Climb" - Anawangin Cove

March 26 - 27, 2011, San Antonio, Zambales

Dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ako ng "assurance" na makakasama ako sa Zambales. Sa madaling sabi, eto ko kasama na talaga.

Simulan natin ang paglalahad ng masayang weekend at sisikapin kong ilahad ng blow-by-blow na parang kasama na din kayo. Pero bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat sa AMDATEX Canteen para sa UnliWater na siyang ginamit ko para may dala akong personal water supply papuntang Zambales.

Huling-huli ako sa akto! Yes your honor! Guilty as charged.

Mga 8:15 am, umalis kami ng AMDATEX. Dapat 7:00 am ang call time kaya lang may mga unexpected events talaga eh, hindi maiiwasan. Eto ang isang maagang shot bago sumampa sa van:

Hindi na ako nakapagpalit ng shorts at hindi ko na nagawang ayusin ang laman ng backpack ko.

Dalawang van ang gamit namin. Mga 9:15 am, habang bumabaybay ng kalsada sa Balintawak, pinatigil kami ng isang MMDA officer dahil pink daw ang van namin at pinagdudahan dahil puno ng pasahero. Akala ng MMDA Officer ay kolorum ang nasakyan namin na van. Pero sa madaling-sabi, natapos din naman ng maayos ang usapan at naipaliwanag ng mabuti ung bakit puno ang van.

Mga shots sa loob ng van habang umaalis na sa AMDATEX:

Picture agad pagkasampa ng van
 
Habang naniningil si EmoBoy ng Biñan
 
Shot pa habang naghihintay ng departure

Model ng cookies
 
Mga wala pang tulog

Last na shot daw muna, baka ma low-batt agad yung digicam

Pagkatapos ng incident na ito, bigla namanng humina ang airconditioning ng van. Para makita ang problema, tumigil muna kami sa isang gasolinahan, sa pagkakataong ito, UniOil ang aming tinigilan, sa tagpong ito, mga 10:15 am na. Dito na din ako nakapagpalit ng damit. Napag-alaman na may problema sa makina ang van na nasakyan namin. Para hindi mapansin ang oras, photo shoot ulit! Ginawa naming photo wall ang gasolinahan.

Sige lang kahit flammable ang nasa tabi namin, basta bawal ang cellphone daw!
 
Pamatay-oras!
 
Mga inip na pero hindi lang halata!

Look! Up in the sky!

Habang kinukumpuni ang van, nagpasya na ang grupo na sa Tapa King na lang kumain ng maagang tanghalian, pero bago ito, nag ice cream muna ang karamihan sa pag-aakalang maaayos naman kaagad ang makina. Eto ang hard evidence:

Exhibit A: Chest Freezer na may laman na Selecta Products, yung kamay na nakikita ninyo, hawak niyan ang susi na yung maliit na bilog sa gitna ay kandado pala. Sayang effort namin pagpindot sa gitna at pagtulak ng freezer door.

Karamihan ay nag Cornetto na muna, retouch, nagpalamig sa Tapa King, maagang kumain. Natapos ang unang batch ng mga kumain. Nalaman din na engine trouble at mukhang matatagalan na maayos ang van kaya naman kumain na ang natitirang kasama at napagkasunduan na din na yung isang van ay mauna na sa Olongapo para makapamalengke na para pagdating ng grupo namin ay pupunta na lang sa Pundaquit.

Cornetto Girls

Shots sa loob ng Tapa King:

While waiting for Order#11

Eto nga pala ang Order#11

While waiting for Order#33 

Pagkatapos maubos ang Order#11, nagpahinga at nag photo shoot muna kami

Bawal daw ako maiwan kasi isa ako sa mga "valuables"

Model ng sawsawan!

EmoBoy ng Biñan

Mga Model ng sawsawan at lalagyan ng sawsawan!
 
Once again, once more!

Dahil nga napag-alaman na mukhang matatagalan na makumpuni ang van, naghanap na kami ng pang plan B. At hindi naman kami nabigo, parang gusto lang ni Lord na maaga masiraan ang van para habang nasa siyudad kami ay makakahanap kami ng ibang mas maayos. Isa pa ding blessing na maituturing. Sinubok lang ang aming pasensiya. Eto pala ang isa pang shot ng UniOil at Tapa King habang nasa labas ako at nagpapaload para sa Globe na sim ko.

Free Wi-Fi daw amfefe, tapos na kami kumain, naka lock pa din yung access, masabi lang na FREE eh, ang damot-damot mo Tapa King^^

Hindi naman nahirapan sa paghahanap ng kapalit at mga 12:00 noon naman ay nasa kalsada na ulit kami, mas maayos ang van kumpara sa nauna. Tuloy na ang ligaya! Nag stop over lang kami sa isang gasolinahan na hindi ko naman matandaan ang pangalan pero nakasimple ako ng pamfacebook profile na picture. Eto at kayo na ang humusga:

Isang sculpture sa harap ng convenience store ng gasolinahan. Syempre hindi ko ito pinaligtas.

Paidlip-idlip sa van, habang binabagtas ang kalsada at pagsapit ng 3:30 pm, nakarating na kami ng Olongapo. Ang meeting place namin ng pagalawang van ay sa may isang tricycle terminal, syempre habang naghihintay, photo shoot na naman.

Model ng tricycle terminal. "Ang tagal naman ng unang group. Lahat sama-samang namalengke"

Isang maalamat na kuha habang hinihintay ang mga kasama namin sa naunang van:

Sabi ko na nga ba, tagong-tago ang negosyo ni Chindy!!! Eto na, nabuko ka na namin!!!Ito pala ang source ng hidden wealth ni Chindy. Now we know!

Nagkita na din kami ng unang grupo! Tuloy ang biyahe. Papunta na kami sa Pundaquit. Wooohooo!!! Mga 4:15 pm naman ay nasa Pundaquit na kami, bago sumampa sa mga pump boats, syempre, photo shoot naman muna.

Pagbaba ng Van

Hindi pwedeng hindi ako gagawa ng eksena
 
With Master Paul

With Janice

John Paul japorms

Habang naghihintay sa pump boats
 
More "waiting" shots

Doon daw ang punta namin
 
Another "waiting" shot

Mga model ng life vest.

Team Pepi before boarding the pump boat
More Team Pepi before boarding the pump boat

With Mr. "Poknat" Villanueva

Pagkatapos namin gumawa ng eksena, isang kasamahan namin ang naikpag-areglo ng bayarin para sa mga pump boats patungo sa Anawangin Island. Ang set-up, apat na tao para sa isang pump boat. Isang kuha habang nasa pump boat kami patungong Anawangin Cove:

Ang pangalan nga pala ng pump boat namin ay "Jan Rick"

 Mahangin ba sa labas?

Syempre ako din habang hindi pa mabilis ang andar ng bangka

Eto na ang pump boat ride (next day shot on the way to Capones Island sana, kaya lang maalon na kaya ang bagsak namin ay sa Pundaquit na agad)

Dahil inabot na kami ng hapon, medyo malakas na ang alon kaya mas natagalan kami sa pagpunta sa Anawangin pero ayos lang, ang importante ay walang nadisgrasya. Nakadating kami sa isla bandang 5:00 pm. Sayang get-up ko, pagbaba sa pampang, umalon naman at nabasa ang medyas ko.

Siyempre, another milestone para sa grupo, picture taking ulit pagkatapos bumaba ng pump boat at pag-pitch ng tent. More photos, more fun, sabi nga nila. Minsan lang ito!

 Bago kami umabot sa pampang, ito na ang tumambad sa amin.

Ang mga kasama ko habang naghahanda papunta ng site

Maaga namin naipitch ang tent  na gagamitin ni MsExactly, promo pose muna

 Another Promo Pose

 
EmoBoy ng Biñan, Laguna

More Energy, Mas Happy
 
Joel, ang lalaking hindi halatang pagod

Picture muna bago mag-pump ng unan! With bossing Ryan.

EmoBoy ng San Pedro, Laguna

Mikoy enjoying the shooting

Ito na ang itsura ng campsite namin

Ang ganda ng sand, the who itong lalaki na parang handa nang tumakbo papuntang beach?

Pagbaling sa kaliwa, eto naman ang makikita

Rachel, Ryan "Mr. Sinaing" Arrubio and Marnelie
 
Pahinga Pose after a long trip

Pagkatapos ng set-up, yung mga magluluto, naghanda na para maagang makapag-hapunan. May nagbenta sa akin ng shot glass, ako daw ang bwena-mano (lupit niya, hapon na ang bwena mano, totoo kaya ito?), syempre hindi ako papayag na wala kaming kuha ng vendor.

At last! I found my long lost distant relative^^

Kumuha din kami ng isang bungkos ng kahoy para may bonfire daw kami kinagabihan, 100 pesos ang isang bungkos. Ito ang itsura ng kahoy na nabili namin:


Mga 6:00 pm hanggang 8:00 pm ang paghahanda ng hapunan at ang actual na hapunan ay mga hanggang bandang 8:30 pm. Tamang-tama para sa Earth Hour 2011. Pahinga lang ng kaunti tapos nag bonfire na agad sa may shoreline. Hindi pa tapos ang nasabing Earth Hour, mga 9:25 pm naman ay nilabas na nila ang marshmallows at hotdog para isalang sa ibabaw ng bonfire.


mwahugggssss!!!

 
Team Pepi sa harap ng bonfire

"Guys, ganito ang proper way ng pagiihaw ng hotdog over your bonfire. Kailangan may enough separation sa apoy at palaging naka-smile." Salamat sa demo Master Paul.
 
Nasaan na yung marshmallows?

Ilang saglit pa ang lumipas, henna session naman. May kasama kami na nag-offer ng service for the low, low price of 50 pesos per session. Hindi na masama. Dahil busog, hindi na ako masyadong nakipag socials sa kanila, bumalik ako sa tent bandang 10:00 pm, natapos ang socials ng bandang 2:00 am na kinabukasan.

Henna Time!

Dahil hindi mapakali at walang gaanong hangin, maaga akong nagising. Bandang 3:30 am ay hirap na akong makabalik sa tulog kaya naman ako ay nagtapang-tapangan na tumambay sa labas kahit mag-isa. Dala ang isang boteng tubig, headlamp at mga cellphone ko, mag-isa akong nag muni-muni sa mga nangyari sa lumipas na magdamag. Naupo sa isang bench na may lamesa na nakaharap sa dagat. Nagkaroon ako ng realization habang nag-iisa. Napakinggan ko ang alon ng dagat, ang sarap pakinggan, synchronized (babaw ng kaligayahan), ang mga tunog sa paligid, para bang may biglang lakas ng hangin pero yun pala, alon lang. Pero kung susumahin, ang hangin sa site ay maituturing na "just right". Tumingala ako, kitang-kita ang half moon (quarter moon ata, hindi na ako marunong haha!) Maganda ang spot ko. Simple lang, dinig at kita mo naman ang karamihan.

Bandang 4:30 am, nagising si Mikoy, naglabas ng Dewberry na agad ko namang binanatan. Habang kumakain kaming dalawa, nagkaroon kami ng short talk tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Bandang 5:00 am naman, may isang lalaking lumapit sa amin, may dugo ang kamay at parang hinang-hina na. Seryoso na kami ni Mikoy sabay binanatan kami ng ganito "Saan po dito ang exit ng Anawangis?" Anawangis daw? Paglalahad ng lalaki, dapat ay binalikan siya ng mga kasama niya, nainip na siguro kaya tumayo na at hinanap ang mga kasama. Wrong move nga lang. Pero ayos lang napasaya naman niya kami ni Mikoy dahil sa "Anawangis". Hindi nagtagal, natagpuan siya ng mga kasama at nilapatan ng pangunang lunas. Dinala siya sa may poso para mas maayos na malunasan ang mga tinamong sugat (sabi ng lalaki ay "tusok")

Ang makasaysayang poso, at least nung Sunday ng umaga na iyo. Dito nila dinala yung lalaking duguan. Pasaway kasi, mukhang lasing tapos nag "early morning" swimming. 4:00 am lang naman yung early swimming nila eh.

5:20 am naman, nagkasundo kami ni Mikoy na habang kakaunti pa lang ang gising ay kailangan namin na maalis ang strange feelings na nararamdaman namin. Sa madaling-sabi, kasilyas ang sunod naming tinungo. Salamat na lamang at may tubig, tabo at timba. Walang problema. Success!!!

Pagbalik naman ng campsite namin, may mga kasama na kaming gising, resume na ng photo shoot. Pasintabi lang po sa mga kumakain, ang mga susunod na eksena ay baka hindi ninyo kayanin. Huwag po ninyo akong sisihin, hindi ako nagkulang sa paaalala.

Morning shot with Mheleth

Another Morning shot with Mheleth

Pagkalabas sa tent, upo agad sa buhanginan, shot agad!

 Ang ganda ng bungad!

Para kanino ka bumabangon?

Para kanino ka bumabangon? The commissioner version.

Para kanino ka bumabangon? Part 2.

Para may katibayan daw.
Para may katibayan din daw siya


Wala lang papansin lang

Kailangan talaga bida ang henna eh
 
The Power Four!

Mheleth's Sand Shot

Ang importante dito yung background

Hindi naman halata ang say ng batang ito

With Renson "I Will Follow him" Geronimo (kaano-ano ba niya si Sarah G?)

Ganda talaga ng background!

Dito naman ang daan papunta sa itaas

Okay na! Tapos na ang early morning shoot! Breakfast naman. Nainggit ako sa nagluluto ng hotdog kaya nagpresinta na ako na ang magtutuloy ng pagprito ng hotdog. Ang susunod ay isang hard evidence.







Waiting for breakfast


Habang nagluluto naman ako, may lumapit na vendor ulit sa akin, alkansiya naman ang inaalok. Pagkatapos ng tawaran, binili ko na din para may buena mano si ate pero kailangan may picture kaming dalawa. Nagpaunlak naman si ate at ito na ang output:

Mahiyain yung bata, mabuti pa si ate

More vendors, more fun!

Pepi Girls with KuyaManong, photoshoot muna bago ang tawaran 

Natapos akong magluto bandang 8:15 am. Naghanda ang iba para umakyat sandali sa itaas ng bundok, habang ako naman ay naghanda para lumangoy (kahit hindi naman marunong) sa dagat. Masaya, ang linaw ng tubig, maganda ang alon, nakakarelax ang mga tanawin. Sulit! 

Sa mga umakyat, ito ang mga shots nila galing sa itaas:



 



Mga 9:00 am naman, nagsimula na kaming maghanda para umalis sa isla para dumalaw sa Capones Island, sa kasamaang palad, napakalakas ng alon, hindi kami nakadalaw sa sikat na lighthouse. Plan B na agad. Balik na sa Pundaquit, doon na lang ituloy ang beach experience. 10:30 am, nakabalik na kami sa Pundaquit, konting beach bonding, banlaw tapos head home na. Ang lakas ng alon, kada balik ang daming kasamang buhangin. Natagalan tuloy kami sa banlawan sa kadahilanang napakaraming "granules" ng buhangin sa salawal namin.

Mga 1:00 pm ay umalis na kami sa Pundaquit. Ang pinaka stop-over lang namin ay bandang 2:00 pm para lumain sa isang carinderia. Nahirapan nga akong mamili ng kakainan kasi parang canteen ng AMDATEX, multiple versions nga lang. Madaming magkakatabi, pero pare-pareho lang ang ulam. Hindi kaya iisa lang ang nagluto nito? Eto ang katibayan na hirap akong mamili ng kakainan at kakainin:

Saan kaya ako kakain?

Ano kaya ang kakainin ko?

Pagkatapos naming kumain, pahinga ng kaunti tapos diretso na sa homebase - AMDATEX. Masaya ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na sumama. Sulit ang ibinayad ko. Basag trip lang yung nasiraan na van pero naging blessing pa din dahil nalipat kami sa mas comportable na sasakyan. God's Perfect Plan pa din. Nakabalik na kami ng AMDATEX bangang 5:30 pm.

Masarap pala ang feeling na kahit minsan, hindi mo inaalala ang mga problema mo sa buhay, sa trabaho at sa iba pang aspeto ng buhay mo (lovelife ikaw ba yan?) Ang problema mo lang ay kung paano ieenjoy ang lugar. Sana madami pang mga lugar sa Pilipinas na hindi masira ng commercialization. Iba pa din ang ganda ng isang lugar na hindi masyadong nagagalaw ng industrialization. Masarap maging masaya, lalo na sa mga simpleng bagay.


Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)