May mga bagay na hindi maipaliwanag at hanapan ng rason. Hindi ka makakatakas sa katotohanan. Hindi ka makakaalis ng walang natututunan.
Mga "useless knowledge":
- Babae lang ang may karapatang magsabi ng "pangit" sa lalaki. Kapag lalaki na ang bumanat ng "pangit" sa babae, offensive na yun.
- Ang babae ay pwedeng mag-astang lalaki pero ang lalaki ay hindi pwedeng mag astang babae. Delikado yun!
- It is better to give than to receive. KALOKOHAN! Mamili ka, Give 1 million pesos or recieve 1 million pesos?
- Lahat ng bawal ay masarap, pero hindi lahat ng bawal ay hindi masama.
- May mga taong malakas manlait o pumuna pero takot naman kung sila ang magaganon.
- Masarap gumastos ng pera lalo na kung hindi sa iyo galing.
- "AM" ang tawag sa tubig mula sa malapit nang matapos na sinaing. Ipinapainom sa iyo ito nung bata ka pa.
- Okay lang ang pagseselos sa isang relasyon, matakot ka kapag hindi nagseselos ang partner mo.
- Nakakataba ang pagpupuyat, nakakapayat ang pag-iisip.
- Nakakatalino at nakakahas ng isip ang paglalaro ng computer games.
- Nakakabobo ang walang pinagkakaabalahan, yung walang ginagawa.
- Karamihan sa mga successful ngayon ay yung mga undergraduates, kaysa sa mga 4-year courses o higit pa.
- Mas malakas mag ang konsumo ng kuryente anf TV kaysa sa PC.
- Kapag umikot ka ng pakanan ng limang beses, mahihilo ka. Bawiin mo ito ng pag-ikot ng limang beses pakaliwa.
- Huwag piliting makipagdebate sa mga magulang. Hindi ka mananalo kailanman.
- Hindi ka pwedeng kumanta habang nag-fuflute.
- Ang kamatis ay prutas.
- May buto ang lahat ng saging.
- Ang taong mahilig magdownload sa Internet ng kung ano-ano ay habambuhay na hindi mauubusan ng idodownload.
- Hindi pwedeng mag-holding hands ang mga boys kahit magbestfriends pa sila, girls lang ang may karapatan.
- Ang joke na "Tinitigyawat ka sa mani" ay hindi pwedeng i-joke sa mga girls.
- Ang taong bagong salta sa trabaho ay may pinag-iipunana agad na gadget.
Nakarating ka na dito sana may natutunan ka.
Disclaimer: This is a repost. It was taken from the flyffPH forums and unfortunately the server did not hold up and all data was lost.
No comments:
Post a Comment