Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng isang artista, hindi ka tatawaging JOLOGS.Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millenium. Hindi na high-tech pero hindi naman old-fasioned. Saktong-sakto lang! Ito ang panahon natin. Pero paano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?
Narito ang listahan na makakapagpatunay if you are one of us.
- Paborito mong panoorin ang Shaider, Bioman, Maskman, Masked Rider Black, Machine Man at kung anu-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas-singko na ng hapon tuwing sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.
- Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (Isang kending lasang champoy)
- Nanonood ka ng Takeshi's Castle at naniniwala ka na si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto naman ang kanyang alalay. (Pinag-iisipan mo - paano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bump car at nagbabrilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan yun eh taga-Pilipinas sila?)
- Alam mo ang pakontest ng radio station na Kool 106 kung saan uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.
- Naglalaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey Anabelle, Pakiramdam 123, Langit-Lupa-Impierno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20, Taguan-Pong, Patintero, "Football" at kung ano-ano pang larong nakakapagod.
- Kung lalaki ka, sikat na sikat sa iyo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika ninyo ay si GI-JOE with alipores.
- Kung babae ka naman, ang laro mo with your girlffriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan doktor-doktoran at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie (sikat ka kung mayroon kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie).
- Pumupunta ang mga taga-MILO sa school ninyo at namimigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki ng sa maliit na ice cream tapos nagtataka ka kung bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinimpla sa bahay ninyo.
- Alam mo ang universal song na - "Uwian Na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa ikinakasal.
- Nagpauto ka sa BATIBOT pero hindi sa ATPB.
- Nakikipag-away ka para makapaglaro ng brick game (high-tech na yun noon).
- Ang "text" noon ay yun mga 1"x1.5" na karton na may drawing na pelikulang pinoy at may dialog pa!
- Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler - si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre the Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscles.
- Nagsasayaw ka noon ng Running Man, at kung anu-anong dane steps na nagpapamukha sa iyong tanga sa saliw ng mga kantang Ice Ice Baby, Pray, Wiggle It at Can't Touch This.
- Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang tuwing sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!
- Kilala mo ang Smokey Mountain (first and second generation).
- Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo twing ia-apak mo ito. Tinawag din itong "Mighty Kid".
- Naniwala ka na original ang isang cap kapag may walong tahi ang visor nito.
- Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows gaya ng Cedie, Princess Sarah, Trapp Family Singers at Dog of Flanders (a/k/a Nelo). - hindi ka ba nagtataka, sa lahat ng bida sa mga cartoons na ito, si nelo lang ang hindi yumaman at namatay pa ng maaga?
- Alam mo ang ibig sabihin ng "Time First!"
- Napapaligaya ka ng maraming pinoy bands gaya ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads at aminin mo din na nakinig ka sa Siakol.
Kahit saang lupalop ka ng Pilipinas mapadpad, nakakarelate ka sa mga sinasabi ko, siguro dahil wala pang CableTV kaya pare-pareho tayo ng pinapanood. Wala pang Playstation kaya kung ano-ano na lang ang mga naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kahit ano pa man, masaya ako na naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan.
Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".
No comments:
Post a Comment