BAKTOL - ang ikatlong level ng mabahong amoy sa kili-kili, ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas, ito ay dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis, madalas maamoy tuwing registration, sa elevator, sa LRT/MRT o kaya sa FX.
KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs, madalas namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari din na mamuo kung hindi talaga naliligo or naghihilod ang isang babae. Ang kukurikapu ay madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang dyoga.
MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwana gkung bakit nagkakaroon ng mulmul ang isang nunal. Subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lang kung ipapa-laser ito.
BURNIK - taeng sumabit sa buhok ng puwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ang burnik ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may burnik na maligo na lamang upang ito ay maalis.
ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikita sa mga tindero ng yosi sa Quiapo. Ito ay may makipot na suotan sa paa at manipis na swelas. Mistulang sandalyas ng babae pero kadalasag suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, black at iba pa. Minsan may beads pa nga, marami nito sa Pateros at Marikina.
BAKOKANG - higanteng peklat. Ito ay madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo, imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito ay mayroong makintab na takip.
AGIHAP - libag na dumudikit sa panty o brief. Nabubuo ang agihap kung ang panty o brief ay suot-suot ng hindi bababa sa tatlong araw.
DUKIT - ito ay amoy na nakukuha kung isinasabit o ipinasok mo ang daliri sa iyong puwet o sa puwet ng iba. Try to prove it - it's dukit!
SPONGKLONG - isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.
LAPONGGA - ito ay kahalintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.
WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Mayroon din ang mga babae nito.
BAKTUNG - pinaikling "bakat-utong".
BAKTI - bakat panty.
ASOGUE - buhok sa kili-kili.
BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon
BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa puwet kapag nalaglag ang isang malaki o maliit na matigas na ebak.
BUTUYTUY - etits ng bata.
McARTHUR- taeng bumabalik after mong i-flush. "I shall return!"
KUNTIL - sobrang balat o laman na hindi mo naman kailangan na tumutubo madalas sa tenga.
Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".