June 17, 2012
Accomplices: John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla, Rocel Poblete, Randy Arias, Ronreagan Canciller, Nino Mark Joseph Ili, Jerome Barba
Venue: SM Mall of Asia
Accomplices: John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla, Rocel Poblete, Randy Arias, Ronreagan Canciller, Nino Mark Joseph Ili, Jerome Barba
Venue: SM Mall of Asia
Maulan ang Sunday na ito. May bagyo (daw). Walang problema. Sabi nga nila, Rain or Shine, the race will commence. Napasubo naman ata ako. Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Kung matatandaan ninyo, 10k ang aking normal distance. Pero sa pagkakataong ito, ako ay susubok na makatapos sa aking unang half-marathon.
At dahil ito ang aking first time, nakahanap ako ng isang magandang motivational para sa umagang ito - "Start unknown, finish unforgettable."
At nangyari na nga. Simulan natin na pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Maagang tinungo ang SM Mall of Asia para makasakay sa shuttle service papuntang Bonifacio Global City para doon simulan ang takbo.
Malakas ang ulan ng mga 2:30am hanggang mga 3:30am pero parang nakisama ang panahon at tumila nang bahagya ang nasabing ulan. Nagsimula ang 21k run nang umaambon na lang. At sa unang pagkakataon, wala akong masyadong larawan habang tumatakbo, bukod sa maulan na, gusto ko lang na matapos kaagad ang aking napiling category. At ganoon na nga ang nangyari, run-jog-walk ang naging strategy ko. Mabuti na lang at sagana ang hydration. Malamig na Viva Mineral Water at Powerade ang sumalubong sa bawat runner sa bawat hydration stations. Pagkatapos naman naming lumampas sa 10k mark, napakaraming saging at sponge naman ang bumati sa mga 21k runners. Kahit umuulan ay kailangan pa din natin ng sapat na hydration dahil pinagpapawisan pa din tayo, hindi lang natin masyadong nararamdaman dahil sa umuulan at malamig.
Ang aking initial estimated time of completion ay mga 03:15:xx; natapos ko ang aking run ng sobra sa aking estimation. Ang official result sa ibaba.
Source PDF File: from Unilab Active Health Page
Bib#: 3786
Gun Time: 03:46:43
Chip Time: 03:33:38
@5k: 00:37:29
@15k: 02:16:13
@20k: 03:20:39
Gaya ng nabanggit, wala akong masyadong picture sa unang 21k run ko bukod sa isang ito na kuha ni Dianne Salonga (Barefoot Curlydianne).
Maraming salamat sa mga photographer ng Unilab, may mga picture ako bago tumawid ng finish line. Narito ang tatlong nahanap ko sa website ng Unilab Active Health:
Wala akong masyadong napilahan na mga sponsor booth ngayon pero sinigurado ko na pagkatapos kong tumakbo ay nakapunta ako sa runner's lounge para naman makapag-stretching sa tulong ng mga volunteer Physical Theraphy students ng University of Santo Tomas, narito ang ilang mga kuha:
HIndi rin nagtagal, nagpapicture na din ako sa aking mga kasama sa araw na ito - ang mga kasama ko sa trabaho na sinuportahan ang unang half-marathon ko. Sila naman ay tumakbo sa 10k category. Sa susunod pinapangarap ko din na makasama silang tumakbo ng 21k :)
Ngayong nakatapos na ako ng isang half-marathon, napapanahon lang din ang pagkakapanood ko sa isag video clip at lalo akong namomotivite na makatapos pa ng ilang 21k run dahil sa sinabi ni Coach Rio Dela Cruz bago matapos ang clip - "Don't be afraid to exceed your limitations."
Masaya ako at napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko pala. Kaya naman pagbubutihan ko sa susunod. Ang aking susunod (dapat) na 21k run ay sa Run United 3 na sa September, kaya lang nalaman ko lang nitong biyernes, June 30, 2012 na ako ay isinama pala sa mga tatakbo ng 21k sa July 8, 2012 para sa Get Fit Run 2012 (ang original registration ko ay 10k - dahil nalaman ng mga coaches ng HyperSports Philippines Inc. na nakatapos na ako ng aking unang half-marathon kaya marahil ay binigyan ako ng upgraded race kit. Kaya naman pala hanap kami ng hanap ng pangalan ko sa 10k ay nailipat na ako sa 21k. Magandang follow-up run na din ito at tamang-tama lang para sa aking mountain climbing adventure sa sumunod na Linggo.
Dahil unang 21k finish, dapat may solo picture ako kasama ang aking unang 21k medal at finisher shirt :)
Paumanhin sa late post, naging busy lang ako nitong nakaraang dalawang linggo pero ngayon ay unti-unti na akong makakabalik, tapos na kasi ang aming taunang Sports Fest.
Running for love
No comments:
Post a Comment