Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Monday, February 20, 2012

Get Fit 2012 Session 5

February 18, 2012
Accomplice: Wala^^ (nasa Anawangin)
Venue: Philsports - ULTRA, Track Oval

Eto na ulit! Sabado na naman! At dahil hindi ako naka-attend sa Session 4 (ang daya, nagpa-raffle kung kailan wala kami^^) para mapaghandaan ang Condura Skyway Marathon 2012 – Run for Mangroves noong February 5 (walang session noong nakaraang Sabado, February 111 para bigyang-daan ang finals ng UAAP Track and Field) kaya naman ako ay sabik na makadalo kahit na ako ay mag-isa lamang :)

Huwag na nating patagalin, basic fitness and running drills, basic fundamentals in sports training, general conditioning, injury prevention exercises, running techniques at socialization. Natututo ka na, may mga bago ka pang mga kaibigan. Ngayon ay kasama naman namin si Sir Carlo Magno Canta, trainer ng Philippine Wrestling Team. Mas mahirap ang mga ipinagawa ngayon, mukhang pahirap na ng pahirap ah :)

Narito ang mga larawan ng nasabing Fitness Training para sa
"Get Fit 2012"na theme ngayong taon. Ang iba diyan ay kuha mula sa Facebook Fan Page ng HyperSports Philippines Inc.
























At para maging kumpleto ang aming training, may fun game na "bring me" at hindi din biro ang prizes dahil galing sa Reebok at Diadora ang mga gantimpala (Diadora Sling Bag, Reebok Zigtech Race Cap at running accessories). Marami-rami din ang mga nanalo. Salamat sa sponsors. Narito ang ilang larawan:




Salamat din sa aming sports drink sponsor - ang Pocari Sweat!


Pagkatapos ng training, may dala naman ang amin kasamahan na si Running Berto na Oatmeal Brownies, tamang-tama dahil pagod ang lahat. Mabuti na lang at naabutan ko pa (nakadalawa pa ako^^):



Pagod at masakit ang katawan, binalewala ko ito at umuwi ng masaya. Kinailangan kong matulog ng maaga para naman makapag jogging kinabukasan ng umaga (wala kasi akong fun run kinabukasan kaya lang hindi na ako sanay na hindi tumatakbo). 

Running for love

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)