Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Monday, October 3, 2011

Ang Nike Training Run na hindi natuloy :)

Date: October 2, 2011
Place: Nike Park, Bonifacio Global City
Accomplice: John Paul Lipardo and Joel Lemitares
Linggo ng umaga, galing pa sa isang binyagan nang Sabado ng hapon, tumulak kami ng aking mga kasama sa Taguig para dumalo sa Nike We Run Manila Training Run. Hindi alintana ang napapaula na bagyo, pumunta kaming tatlo.

Ang hindi namin alam ay nagpasya pala ang mga nag-organize ng training run na huwag nang ituloy dahil nga sa mga napapaulat na may bagyong tatama sa Northern Luzon.

Dahil nandoon na rin lang naman, nag-picture taking na kami ng kaunti at pinanood ang ongoing na Livestrong race na ginaganap sa kaparehong lugar.










Sa harap daw ng Nike ang training run pero hanggang 8:00am ay wala pa din kaming nakitang training. Lack of communication naman kasi eh. Kumain na lang kami ng agahan sa isang malapit na fastfood (may bubuyog doon) at hinintay magbukas ang Market! Market! para naman makapaglibot at makapaghanap ng sapatos na pang takbo. Hindi naman ako nabigo. Pero bumalik pa din kami sa Nike Park para humingi ng paliwanag sa hindi pagkakatuloy ng training run.

Tapos kumuha na din ako ng souvenir shots. Yan ang bagay sa inyo - hindi ninyo kami sinabihan!


Dahil diyan, ang binili kong sapatos ay Adidas^^

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)