Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Sunday, April 22, 2012

The Running Dead Survivor :)

I survived Running Dead yesterday and was rewarded with this cool shirt, another nice birthday gift. Happy and Inspired!



Running for Love ♥

Banat for the Day

Sa isang patak ng tubig nabuo ang ulan...
Sa isang buhos ng ulan, nabuo ang baha...
Sa isang kapirasong lupa, nabuo ang mundo...
Sa isang hulma ng putik, nabuo ang tao...
Parang IKAW, sa isang ngiti mo, nabuo ang puso ko ♥

Isang Pasasalamat!

April 22, 2012:

Maraming Salamat Po sa lahat ng mga bumati - sa personal, sa instant messaging, sa FB messaging, sa e-mail at sa SMS.

Isang taon na naman ang nadagdag sa akin at nagpapasalamat ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sa mga nagtatanong kung ilang taon na ako - ako po ay "26" years old na.

Sunod-sunod ang blessing na dumadating sa akin (isa na lang talaga ang kulang^^) at alam kong may mga magagandang bagay, balita at mga pangyayari pa na dadating at magaganap pa. Ang lahat naman ay mangyayari sa "Tamang Panahon"

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya, hindi ko na din tinatanong kung bakit kasi hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako magiging masaya. Basta ang importante, buhay ako at nandiyan kayong lahat para gawin na mas masaya at makulay ang aking buhay.

Muli, marami pong salamat at hindi ko po magagawa ang mga nagagawa ko ngayon kung hindi rin dahil sa inyong lahat.

Nandito lang ako - kung kailangan ninyo ng makakausap
(may sense man o wala, kaya ko kayong sabayan)
, makikinig sa mga sentimyento ninyo, mga advice at words of wisdom, kasabay sa pagktakbo o gusto lang ninyo na ngumiti at tumawa - patatawanin ko kayo sa abot ng aking makakaya. Iba kasi ang pakiramdam kapag may napapasaya ka na ibang tao - "fulfilling".
Running for Love ♥
RunReal - The Running Popoy

Thursday, April 19, 2012

Mga Iba't-Ibang Klase ng Panliligaw!

1. Mr. Gwapings
– mayaman, gwapo, kilala..mataas ang confidence niya na hindi sya mababasted, kaya kapag nabasted... maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. Pwede nyang sabihing “Sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman siya!”

2. Mr. Quickie
– ang uri ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi “kailan mo ba ako sasagutin?” o kaya “I love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. Kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything
– linya nya ang “Sagutin mo lang ako, ibibigay ko sa iyo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo.” !@#$ ka na kapag nagpauto ka. Dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na niya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker
– eto yung klase ng manliligaw na kapag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. Basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman niya.

5. Mr. Salesman
– dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang siya mas matindi mang-uto. Yun bang tipong... ”ang ganda ganda talaga ng mga mata mo...” o kaya “ang kinis-kinis mo” o kaya “ang lambot ng mga kamay mo” at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.

6. Mr. Good Dog
– eto ang nakakatuwang manliligaw. Kasi payag siyang magpaalipin. Taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. Kahit magmukha siyang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. Nagpapakitang-gilas kung baga. Pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.

7. Mr. Anonymous
– motto nya ang “action speaks louder than words”. Wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. Kaya pala ang bait-bait sa iyo. Eh akala mo mabait lang talaga.

8. Mr. Take it or leave it
– kapag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. At heto pa, hinding hindi ka na niya papansinin. Period.

9. Mr. Romantiko
– jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. Manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo,liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. Pero madalas nakakapagpakilig siya ng nililigawan niya dahil sa kanyang “malinis na hangarin” awww!

10. Mr. Second chance
– siya ang pinakamasugid mong manliligaw. Kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na siyang pag-asa ang sasabihin nya parin “Please give me a second chance”

Anim na Uri ng Kasambahay

1. Obedient:
Nakahanda na po ako sir… ng pagkain.

2. Polite:
Luluhod na po ba ako sir… para ma bless ang food?

3. Careful:
Dahan-dahan naman po sir… baka mabasag ang plato.

4. Emo:
Ang sakit naman sir… ng sinabi ninyo.

5. Addict:
Ang sarap sir! Sige pa!… Sana, araw-araw ganito lagi ang ulam natin!

6. Concerned:
Bilisan mo sir. Darating na po si ma’am……Sigurado gutom na ‘yon!

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)