Ang mga sumusunod na uri ay mula sa aking masusing pananaliksik. Ang sinumang tamaan ay huwag magagalit. Ito ay di ko nilikha para manakit ng aking kapwa. Salamat sa inyong pang-unawa.
Ang insecure.
Tila hindi mapakali kapag hindi nadadaig ang taong kinaiinggitan niya. Style ng mga ganitong tao ang makipagkaibigan sa mga tao’ng labis nilang gusto’ng matalo. Naniniwala sila sa kasabihang “know your enemies”. Para sa kanila, isa itong mabisang paraan para mapabagsak ang kanilang itinuturing na kaaway.
Ang Plastic.
Mga taong nakangiti sa iyo pero sisiraan ka pagtalikod mo. Kadalasang may kaugnayan ang mga ganitong tao sa mga insecure. Ang ibang taong plastic naman, ginagamit ang pagiging plastic nila para di makasakit ng kapwa. Kumbaga, style nila yon para din a humaba ang usapan. Ayaw ng away kuno. Sa halip na iwasan, suot-suot nila ang kanilang pekeng ngiti sa kanilang mga mukha.
Ang Industrial Fan.
Isa’ng uri ng tao na ubod ng yabang. Hindi mo na kakailanganin ng aircon kapag kausap mo ang taong ito. Sa sobrang kayabangan niya, magagawa nitong mapalipad ang buong SM Mall of Asia dahil sa lakas ng taglay nitong hangin. Pero huwag ka, karamihan sa mga pinagyayabang nito ay walang katotohanan.
Ang Supersawsaw.
Mga taong mahilig umepal. sa mga bagay o isyu na kahit bali-baligtarin natin ang mundo eh indi naman talaga karapat-dapat na pakialaman. Kapuna-puna ang kaepalan kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na indi naman kailangan sumali eh pilit pa ring isinisiksik ang sarili na parang mga ipis na sumusuot sa isang butas habang ini-spray-an ng baygon.
Ang Silent Mode.
Mga taong walang pakialam sa ibang tao. Mabibingi ka sa katahimikan ng mga ito. Ibang iba sa mga supersawsaw na talagang madaldal. Tila naputulan ng dila ang mga ito dahil sa tipid ng mga sagot sa taong nagtitiyagang kumausap sa kanya. Bukambibig: Yup. Ahh. Ok lang. Ok.
Ang Pikon.
Mga taong di marunong tumanggap ng joke. Wala sa bokabularyo nila ang kasabihang “Ang Pikon ay Laging Talo”. Laging sineseryoso ang bawat biro na lumalabas mula sa bibig kahit ng kanilang mismong kaibigan.
Ang Indiyan.
Mga taong mahilig magsabi na pupunta o darating siya sa mga lakad at gimmicks pero di naman susulpot at magiging drawing na lang. Nang-iindiyan. Asahan mong biglang magkakaroon ng maraming dahilan para makalusot sa di pagtupad sa kanyang ipinangako. Wala sa bokabularyo ang salitang “commitment”.
Source: duhyahnaarawr.tumblr.com

No comments:
Post a Comment