If your head tells you one thing, and your heart tells you another, before you do anything decide first whether you have a better head or a better heart.
For every beauty, there is an eye somewhere to see it.
For every truth, there is an ear somewhere to hear it.
For every love, there is a heart somewhere to receive it ♥
Venue: Timberland Heights, San Mateo, Rizal
Pagkatapos ng Session 6, nagpahinga lang kami sandali ni John Paul at maagang bumangon para sa XTERRA Pang Rave Trail Run 2012. Kailangan naming makabalik sa Market!Market! bago mag 3:00am dahil ang binayaran namin na roundtrip fare sa service ay aalis ng 3:00am at 3:30am (dalawang bus at first come, first serve ang set-up kaya kailangan na mauna, sa bus na lang kami matutulog habang nasa biyahe).
Narito ang paunang kuha habang nasa bus, ang aming ticket at ang aking race bib, sabay banat ng tulog:
Sandali lang ang aming naging biyahe. Wala pang isang oras ay nasa Timberland Heights na kami. Sa madaling, sabi, maaga kaming nakapaglibot at maraming photo-op habang hinihintay ang iba pang mga kalahok. Nalaman din namin na naurong ang aming guntime mula 6:00am sa 6:30am. Maaga kaming nakarating sa venue, mga 4:00am ay nandoon na kami kaagad. Habang naghihintay, nag-picture-taking na muna kami. Narito ang ilan:
Pagkatapos naman ay dumaan kami sa booth ng isa sa mga sponsors, Alaska! May free sampling ng mga chocolate at milk drink. May free coffee din at ang official creamer ng umagang iyon ay Krem-Top. May libreng pan de sal din na may palaman na consensed milk, siyempre Alaska! :)
Pagkatapos ng quick breakfast, pasyal pa ulit sa venue. Naligaw kami sa sponsor booth ng Vaseline. Dahil kami lang ang tao sa booth, madali kaming naka-experience ng product sampling ng facial wash at toner, may libreng hand massage pa! Narito ang mga larawan ng nabanggit:
Pagkatapos ng special treatment, sightseeing naman bago magsimula ang race proper. Narito ang ilan sa mga nice view sa Timberland Heights:
Ilang sandali pa, race proper na! Narito ang ilang mga kuha mula sa starting line hanggang sa ilang stages ng aking trail run. Masaya ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na maka-experience at nakalahok sa isang event na katulad nito. Iba talaga kapag nature-tripping, feeling ko lang ay nag-dayhike ako :)
Pagkalipas ng isang oras (o mahigit pa), ako ay nakatawid sa finish line. Masaya ako dahil ito ang aking unang trail run at hinding-hindi ko ito makakalimutan! Ang sarap ng pakiramdam kapag may sinimulan ka at natapos mo ito. Maraming salamat sa mga organizer at sponsors. Isa na namang hindi makakalimutan na event.
Ang aking official time:
Bib Number: 1611 Category: 5k
Time: 1:06:43