April 10, 2011
SM Mall of Asia, Seaside Boulevard
Assembly Time: 5:00 am
Race Time: 6:00 am
Ang mga kasama ko:
John Paul Lipardo
Sophia Dela Rama
Jacklyn Basto
Maaga kaming umalis, mga 4:00 am. Ang goal namin ay dapat nasa Mall of Asia na ng mga 5:00 am para may warm up pa pero medyo nahirapan na kumuha ng jeep papuntang Baclaran, mabuti na lang mablis ang biyahe. Nag-Taxi na kami papuntang Seaside Boulevard. Madami nang tao nung makarating kami sa venue pero ayos lang, nakakita kami ng isang magandang spot para magbihis.
Mga picture papuntang Mall of Asia:
So, ayun na nga, nakakuha na kami ng spot, naghanda sa isusuot, inayos ang mga dapat ayusin tapos kaunting photo shoot. Ang mga hard evidence:
Mga picture papuntang Mall of Asia:
Sa jeep papuntang Baclaran - "Mahangin ba sa labas?"
Sa jeep papuntang Baclaran, syempre kami din
Sa taxi papuntang Mall of Asia "Mga mukhang walang tulog"
So, ayun na nga, nakakuha na kami ng spot, naghanda sa isusuot, inayos ang mga dapat ayusin tapos kaunting photo shoot. Ang mga hard evidence:
Getting ready for the race
Yung isa sa gitna, pose ng pose, wala pang race bib, tapos sinabing "nawawala" daw, kandahanap tuloy sila, ang ending, nasa bag lang pala, amfefe
Nahanap na! Isuot na kasi ng maaga para hindi mawala!
Next stop - deposit ng mga bag! Madaming tao na nakapila, kaya naman magulo. Isa ito sa mga hindi organized na stations kaya naman ang gulo, hindi maintindihan ang pila. Pero sa bandang huli, naideposito naman ng maayos. Syempre, habang nakapila, picture taking muna.
Habang mga nakapila sa 5K baggage counter
Ako sa 3K naman pumila
Sa wakas! Maidedeposito ko na ang bag ko!
Si ate habang naghahandang kunin ang mga bag namin.
Mga maagang nakapag-deposit ng bag
More pictures, more fun ~.~
Stolen shot kunwari
Okay na! Sunod, naghanap naman kami ng CR. Dahil nga madaming tao (mga 5,000 daw ang sabi), natural lang na may pila sa CR. Ayun na nga ang nangyari, pila talaga. Box office na maituturing.
Habang naka-pila sa Female CR
Picture pa!
Dapat mayroon din ako!
Pati sa kanya, dapat mayroon din ako!
At nakapasok na din sa CR, after so may long waiting :p
Oo nga pala, pagkatapos mag-CR at bago maghiwalay ng landas, isang photo-op muna with none other than Ms. Anabelle Rama!
Ms. Anabelle Rama together with her two new discoveries, Sophie and Jackie!
Game na! Tapos na mag CR. Wala nga lang warm up. Dahil ako lang ang 3K, nahiwalay na ako sa tatlo. Ayun na nga, nagsalita na si Richard Gutierrez at Iza Calzado para promal na simulan ang event. Pasasalamat dito, pasasalamat doon, paliwanag dito, paliwanag doon. Gusto na naming tumakbo! Pero, hindi papayag si Elma Muros na magsimula kung walang warm-up! Sige, ikaw na ang nasa siksikan tapos papagawain ng jumping jack in place! Nagkakatamaan lang eh! Sa madaling sabi, nasimulan na din. Ang sequence: Mauunang tumakbo ang 10K, sunod ang 5K at huli ang 3K. Mga shots bago magsimula ang takbuhan:
Dito ako sa pen ng 3K
Ang mga 3K runners
Sa susunod nga may balloon din dapat ako na nakakabit sa akin parang ayun oh! si Spongebob
Magsisimula na!
John Paul and the famous Back-Pedal move
Halika, habulin mo ako
Hindi na baleng maiwan, may picture naman
Seryoso na!
John Paul and the famous Back-Pedal move
Halika, habulin mo ako
Hindi na baleng maiwan, may picture naman
Seryoso na!
Nagsimula na nga! Noong una pa nga, dahil madami, hindi agad takbo kasi congested ang kalsada, feeling human traffic. Nang lumaon na, yung iba, nakapag-pacing na kaya kita na kung sino ang una at mabilis. Karamihan ng mga kasabay ko, power walking na ang ginawa siguro sa kadahilanang wala talagang warm-up kaya mas lamang tang lakad kaysa sa takbo.
Nakarating ako sa unang water station. Maraming salamat nga pala sa aming sponsor - Pure Water. Eto ang eksena sa unang water station:
Nauuhaw na kami! Yan ang battlecry ng mga runners sa unang water station.
Uminom ako, tapos itinuloy na ang takbo. Habang tumatagal, umiingay ang mga runners. Yun pala, inabutan na ako ni Richard! Gamit ang kanyang mahiwagang barbell, nakuha niyang maabutan ang ibang 3k runners kasama ang mga "Hawi Boys". Napilitan tuloy akong bilisan ang takbo ko, para may picture si Captain Barbell na ipapakita ko sa mga kasama ko. Eto si Captain Barbell in running form:
Yung naka-pula sa harap niya, isa sa mga "Hawi Boys", mabuti na lang at nakasabay ako sa takbo niya. Naka-isang shot ako. Mabilis din tumakbo si Captain Barbell. Ang lalaki ng hakbang.
Eto nga pala ang isa sa mga "epal" na "Hawi Boys" a/k/a Marshalls na pilit kaming pinalalayo sa stage habang may awarding ceremony.
One word - "EPAL" :)
Nalampasan na ako ni Richard, pero tuloy lang ako. Hanggang sa makarating na ako sa checkpoint na malapit sa Finish Line. Picture muna habang humirit ng pahinga. Malapit na matapos eh.
Wooohooo! Malapit na!
Kaunti na lang!
At natapos ko na din ang 3K run. Pagod, masakit ang paa at binti. Pero okay lang. It's for a worthy cause naman. Habang nakapila ako sa may finish line, naglaro sa isip ko, mukhang mawiwili ako dito, lalo na kung may kasama. Nagdecide na ako agad. Sasama ulit ako kapag mayroon akong nabalitaan na mga Fun Runs. Ilang shots habang nakapila sa may finish line:
Yung blue na tali na naka-kwintas sa akin, yan ang evidence na nakadaan ka na sa turning point
Finish Line na!
Pagkatapos matawid ang finish line, pila sa booth para makuha ang certificate of participation, balik sa baggage counter para kunin naman ang mga bags namin. Dahil nga hiwalay ang tinakbuhan, sa may seaside na kami nagkita-kita. Pahinga ng kaunti pagkatapos, picture taking na! Ang mga kuha ng mga pagod sa ibaba:
After crosing the finish line, yung isa sa tatlo, nanginginig pa, bahala na kayo manghula kung sino yung batang yun!
With John Paul
Suot kaagad ang giveaway na waist bag
Shutter effect
Pa-tired effect
Parang hindi napagod
Sa may batuhan nakaupo
Mukhang nakaracover na sa pagod
Pa-cute yung dalawa
Sabretooth ikaw ba yan?
Model ng WOW Mali!
Sinolo yung shot
With the Certificate of Participation
Sabretooth ikaw ba yan?
Model ng WOW Mali!
Sinolo yung shot
With the Certificate of Participation
Sumilip muna kami sa awarding ceremony. Ang mga kuha:
Sumunod naman ay ang paghahanap ng makakainan. Ang napili namin - Tokyo! Tokyo! Sinulit namin ang unlimited rice (para sa akin sulit na yun). Ang mga kuha sa loob ng Tokyo! Tokyo!
Rice consumed in order:
Jacklyn (5K) - 2.5 cups of rice plus 1 potato ball
Sophia (5K) - 3 cups of rice plus 2 potato balls
John Paul (5K) - 3 cups of rice plus 1 potato ball
June (3K) - 6 cups of rice plus 1 potato ball
Habang naghihintay ng order.
Dumating na ang unang batch ng order.
Promo shot with John Paul
I am Number 21
After pigging out!
Habang nagpapahinga
Sige pa, isa pa
"Thank you for coming to Tokyo! Tokyo! Balik po sila!"
Kailangan naming ilakad ang aming kabusigan, kaya naman libot dito, libot doon. May dalawa kaming major na dadaanan, ang Casio Service Center para kay John Paul at ang Department Store para sa tsinelas ni Jackie (naiwan kasi). Iba't-ibang shots habang nkami ay nag stroll sa mall:
Agaw eksena
Cute ng unggoy!
Kahit paakyat sige pa din ang pakiuha ng picture
Habang hinihintay na magbihis si Jackie
Ang maalamat na Winnie The Pooh stuffed toy na muntik na naming makuha. Malungkot yung isang bata na kasama namin. Sayang bente pesos. Reklamo ko, kulang yung fifteen seconds.
Okay na! Nakabili ng tsinelas, tapos nadala na sa service center ng Casio ang relo ni John Paul, ang problema, 1:30 pm pa daw babalikan. 11:30 pm pa lang nung nadala namin sa service center. Ang ending? Palipas-oras sa Chowking para sa Halo-Halo! Ang mga memories habang nagsusunog ng oras:
While waiting for the Halo-Halo
I am Number 44 naman ngayon
Hindi maka move-on, kailangan itabi yung race number niya
Nag text ang butihing ina ng batang yan, mga alas-dose na ng tanghali, at ang tanong: "Anak, tumatakbo ka pa ba?" Hinahanap na daw kasi ng ate niya.
Nag text ang butihing ina ng batang yan, mga alas-dose na ng tanghali, at ang tanong: "Anak, tumatakbo ka pa ba?" Hinahanap na daw kasi ng ate niya.
Sa wakas! Dumating na!
Top View
Side view
Attack mode!
Pagkatapos ng Halo-Halo, pahinga ng kaunti. May celebrity appearance pa sa Chowking si Wilma Doesnt. Doon nagmerienda si Wilma. Lakad pa kami, pasok sa kung saan-saang shops, sports house at boutiques. Hindi pa nga kami magkatalo dahil gusto pa nilang manood ng sine. Ang ending, hindi na nakanood ng sine. Kinuha na lang yung relo sa service center at lumayas na pauwi. Dapat FX kami kaya lang ang tagal mapuno, kaya balik kami sa original route, Baclaran tapos bus papuntang SM Southmall.
Nakauwi kami ng maayos, hindi masyadong traffic kaya mabilis ang biyahe. Sasali ulit kami sa susunod.
No comments:
Post a Comment