November 13 - 14, 2010, Mt. Talamitam, Nasugbu, Batangas
Before the climb: 85kgs
After the climb: 83.5kgs
Before the climb: 85kgs
After the climb: 83.5kgs
Sa wakas ay nakasama na din ako, since July pa ako niyayaya ng mga officemates ko at ngayon lang natuloy na ako ay makasama. Ang sinamahan ko pa na group ay umabot sa 35 participants, bale dalawang jeep. Ang matindi pa nito, galing ang karamihan sa amin sa graveyard shift kaya naman mga puyat at sabog pa sa trabaho pero ayos lang, sumundot ng tulog sa jeep on the way to the jump off.
picture taking muna sa jump - off site
Matagal ko na din talagang gustong sumama, kaya lang, madaming factors kung bakit palaging nauudlot, pero ngayon na naka - experience na ako, susubukan ko na sumama na palagi. After the climb, parang nabuhay ang pagiging boy scout ko kasi :p
Nanibago din ako sa mga gamit ngayon, ibang - iba na kaysa dati. Mas mabilis na mai set-up ang mga tent, mas portable ang kalan at ang fuel. Kaya lang, ang problema, naubusan ako ng tubig na pang sariling gamit^^ Tag - uhaw tuloy ako pero ayos lang kasama sa ROOKIE mistakes yan pero na trauma ako^^
dito nahulog yung 1 liter na baon ko na tubig kaya ako nagka water shortage sa taas^^
Ang added motivation ko sa pagsama - added CARDIO workout. Siguradong lalabasan ako ng sangkatutak na pawis dito and by process of elimination, siguradong may magandang effect ito sa akin at sa year - end goals ko. Nagbabawas kasi ako ng timbang to take the pressure off my knees. Mukhang maganda naman ang progress ko hanggang sa kasalukuyan.
Alas dose, nasa jump - off site na kami, mga bandang ala - una, start na ng trek kasama ang guide, hindi ko akalain na mabilis akong mapapagod, puro assault noong una kasi (kailangan ko pa magpakundisyon ng binti para sa sususnod) kaya ayun lupaypay ako palagi kapag may pahinga ang grupo.
ayan, lupaypay ako habang sila picture taking^^
Pero wala akong pakialam, dahil ang gusto ko makarating sa itaas. Wala din ako pakialam sa mga ksama ko kapag pahinga, kapag pwedeng humiga, hihiga talaga ako^^
TKO! Winner - Mt. Talamitam
Mga alas kwatro y medya na kami nakarating sa may patag na pwedeng gawing campsite sabay banat ng guide, malayo pa tayo sa zoomit (summit). Pagkasbi ng guide ng salitang iyon, dito na kami nag decide na sa umaga na lang pumunta ng summit. Karamihan ng mga kasama namin (kasama ako) ay puyat na at pagod na din. And by unanimus decision, dito na kami nag settle.
Dito ako naki - tent kay Sir Joseph
Ang mga sumunod na eksena ay ang pag - set - up ng mga tens kanya - kanyang hanap ng patag na mapagtatayuan ng tent. Konting picture taking at pag set - up na din ng spot para makapag luto ng hapunan. Hindi ko na nasaksihan ang mga sumunod na eksena pagtatapos maitayo ang tent, higa na agad ako, masakit ang binti ko kasi. Nagising na ako ng mga alas nwebe ng gabi, kumakain na ang lahat at mauubusan na ako ng kanin^^ Ang inabutan ko - half cup ng rice, binawi ko na lang sa ulam. Pinapak ko na lang yung adobo, sabagay nagbabawas naman talaga ako sa rice kaya ayos lang.
Ang sumunod na nagyari ay ang socials (inuman!) at sa kasamaang - palad ay hindi ako pwedeng mag participate. Ito ay sa kadahilanang pinagbawalan na ako ng doktor na mag alak, chicharon at sisig ang pulutan (puro kalaban ko). Sa madaling - sabi, maaga akong nag lights out pero hindi pwedeng wala akong picture sa dilim. Ang sarap ng feeling ng lamig sa itaas - parang lamig kapag December sa San Pedro, Laguna, feeling pasko tuloy ako ng ganitong kaaga^^
Ayan, may record ako na nakipag socials kahit sandali^^
tinatanong pa nila ako kung hindi daw ba ako giniginaw, eh parang December lang yung lamig sa itaas tulad sa San Pedro, Laguna :p
tinatanong pa nila ako kung hindi daw ba ako giniginaw, eh parang December lang yung lamig sa itaas tulad sa San Pedro, Laguna :p
Kinaumagahan, may mga kasama kami na nagtangkang abutin ang summit, nagpasya na lang ako na magpaiwan kasi masakit pa din ang binti ko. Binantayan ko na lang yung nagluluto ng agahan (maraming salamat sa purefoods tender juicy hotdog sa apat na kilong hotdog).
eto na yung sinasabin ko na mas portable na kalan, butane ang fuel^^
Pagkatapos na makabalik ang mga pumunta sa summit at agahan, pack-up naman at descend. Ang pinakamasayang part sa pagbaba ng bundok ay yung parte na maliligaw kayo, at ganoon na nga ang nangyari!
Ayos lang, kasi ang reward naman ay ang pagligo sa isang batis na may running water (sa lakas ng current, tanggal libag mo tumapat ka lang sa agos^^) Sa may batis na kami naligo at naghanda para sa last stages ng descend (malapit na kasi ang batis sa jump off).
sino ba naman ang hindi maeenganyo na magtampisaw sa ganitong kagandang batis?
Pagbalik sa jump off, at dahil may water shortage ako buong descend, binawi ko ito sa pag inom ng 1.5 na malamig na coke. Sabog! Sinabayan ko na din ng all time favorite na Tortillos Barbecue flavor at solve na ulit ako. Caffeine overload! May fiesta pa kaming dinaanan para sa tanghalin pero hindi na ako nakakain, solve na ako eh, kama na ang hinahanap ng likod ko.
Nagpalista na pala ako para sa susunod na climb - December 11 - 12, 2010 sa Mt. Daguldol naman daw, may water source kaya wala siguro gaanong magiging masyadong problem ngayon (water shortage), mas mahaba nga lang ang trek pero gugustuhin ko na yan, CARDIO yan eh.
Kung kakayanin, isang backpack pa. Kailangan ko ng isang matinong sandals o sapatos (madulas kasi yung suot ko last time, baka madisgrasya), at syemps, sarili kong tent. Sana may budget^^
No comments:
Post a Comment