Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Sunday, August 22, 2010

Fishball - ang streetfood na kinalakihan ko

Bata pa lang ako, maaga nang namulat ang aking muwang sa streetfoods, particularly sa fishballs. Naaalala ko pa nung mga Grade 1 or Grade 2 ako, pagkagaling sa school, inaabangan ko na sa harap ng bahay namin ang fishball vendor at ang kanyang mahiwagang kusina na noong mga panahon na 'yon (1991/1992) ay maliit na cart na gawa sa mga maninipis na plywood na pinagtagpi-tagpi at improvised na gulong na parang hindi mapupudpod.

Disclaimer: photo taken from pinoycook.net

Wala na akong mahanap na mas lumang pagsasalarawan ng isang "old-school" na fishball cart, ito na ang pinaka close match. . . So, balik sa topic noong bata pa ako, simple lang ang isang fishball cart at fishball lang talaga ang itinitinda nila. Ang isang karaniwang fishball cart noon ay naglalaman ng mga sumusunod:

portable na single burner na kalan (tuwang tuwa ako kapag nag - pump na si manong fishball vendor sa kanyang kalan, minsan nagrerequest pa ako na ako na lang ang mag - pump ng gas kapag humihina na ang apoy, minsan nga hindi na ako nagpapaalam basta pump na lang ng pump - ang ligalig ko 'noh?)
isang katamtamang laking kawali - dito na siyempre niluluto ang mga fishballs noong araw
isang maliit na lalagyan ng kawayan na stick na pantuhog sa mga lutong fishballs - kadalasan ay isang plastic na bote na hinati sa gitna para magmukhang baso (siyempre, dito pa lang ang tagal ko na kasi namimili pa ako ng astig na stick na pantuhog, gusto kasi noon yung makapal na stick - ang ligalig ko talaga)
mga garapon na dating lalagyan ng kape na kulay itim or orange ang takip - dito naman nakalagay ang sawsawan, matamis at maanghang lang noon, pero kung gusto mo naman, pwede mong paghaluin yung dalawa, sarap na sarap pa ang mga bumibili noon kasi sawsaw sa matamis sabay sasaw sa maanghang para daw "tamis-anghang"

Disclaimer: photo taken from http://blog-item.blogspot.com/

At dahil noong panahon na unang nagsipaglitawan ang mga vendors na ito, hindi pa uso ang mga lalagyan na tulad nitong makikita ninyo sa ibaba:

 
Disclaimer: photo taken from http://www.pinoyadobo.co.cc/category/panlasang-pinoy/page/5/

Kaya kung gusto mong bumili ng maramihan, it's either tatambay ka sa cart ng vendor at tutusok ng tutusok ng mga fishballs at pagkatapos mong kumain saka kayo magbibilangan ng vendor or oorder ka na kung ilan ang gusto mong ipaluto at maglalabas ka na lang ng mangkok galing sa inyong bahay, yan ay kung gusto mong hindi agad kainin ang fishballs mo. 

Disclaimer: photo taken from http://www.pinoyadobo.co.cc/category/panlasang-pinoy/page/5/

Alam mo na din na luto na ang fishballs kapag nagsimula na itong lumutang sa mantika. Yung iba gusto tustado ang fishballs nila kaya naman minsan sobrang brown na ng fisballs bago ito hanguin. Ang presyo ng isang piraso ng fishball noong una akong na-hook dito ay PhP 0.25, nagmahal na nga yan PhP 0.50 na pero mahigit isang dekada na ang lumipas nang nagtaas ng presyo nito kaya naman mabentang-mabenta pa din ito magpahanggang ngayon.

At dahil kailangan ng mga vendor na mag-adjust sa nagbabagong trend, unti-unting nadagdagan ang niluluto sa mga kawali nila. Una na diyan ang mga cocktail hotdogs na mabibili ng PhP 1.00 kada isang piraso, kikiam na maliit sa kaparehong halaga at ang mothership kikiam (mas malaki), na ibinebenta naman ng PhP 10.00 for 3 pieces. Sumunod din ang squid balls at chicken balls na mabibili ng PhP 2.00 kada isang piraso (kung medyo maalat ang trip mo, sa chicken balls ka na). Naaalala ko din noon na kaya ko gusto ng squidball or chicken ball ay dahil lumalaki ito pero pagkatapos mong hanguin at isawsaw sa sauce ay lumiliit dahil wala nang hangin (ang babaw ng kaligayahan ko noon!)

Nagkaroon na ng variation kaya naman lalong tinangkilik ang foodcart na ito. Makikita din sila sa mga simbahan lalo na kapag may misa sa umaga at hapon at siguradong sold-out ang mga paninda nila, ganun din sa mga schools (lalo ba kapag uwian time na), sosyal na yung makikita mo sa mga mall (100% or more na kasi ang patong sa price dahil sa mall mo na binili at kinain).

Dahil pang - masa, accessible ang streetfood na ito para sa lahat, may nakikita pa nga akong mga naka long-sleeves na nag-oopisina na nakikipagsiksikan sa isang fishball cart para makakain lang nito. Ako nga minsan naguuwi pa ng mga PhP 10.00 worth ng fishball nung nagbinata na ako at ito na minsan ang ginagawa ko na ulam sa kanin, after school, sarap kasi ng matamis na sauce.

Isa lang ang masasabi ko, naging mas masaya ang pagkabata ko dahil sa isang simpleng streetfood na ito at hanggang ngayon ay paminsan-minsan, tumutuhog pa din ako kapag may pagkakataon.

Monday, August 16, 2010

The Top Twenty Signs That You're Watching A Pinoy Movie


1. Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa 'yung mga ulo nila.

2. 'Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi.

3. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng "Inaaay!" at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pansit nagdadala ng malas - nakakamatay.

4. Pag may magkaribal na babae, yung mabait deretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.

5. Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

6. Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7. Kapag may angry mob na pupunta sa bahay-kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

8. Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya 'yung title ng pelikula.

9. Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, "Mga bata."

10. 'Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. 'Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering his face tapos sisigaw 'yung kapatid ng 'kuyaaa!' ... Next scene nasa ospital na sila. Simula na ng drama.

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.

12. Kapag sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin ng bida: "hayop ka!"

13. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending.

14. Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster.

15. Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.

16. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagi-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.

17. Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga inutil!"

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

19. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya.

20. Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast... sabay freeze.

Disclaimer: This entry is not my original work, got this in a forwarded e-mail from a certain Tarcila A. Torio of AIG (received the e-mail last 8/17/2009). All credit should go to this person, just wanted to share.

Sunday, August 15, 2010

The 90/10 Principle by Stephen Covey

Discover the 90/10 Principle. It will change your life.

What is the 90/10 Principle?
10% of life is made up of what happens to you. 90% of life is decided by how you react.
 
What does this mean?
 
We really have no control over 10% of what happens to us.
 
We cannot stop the car from breaking down. The plane will be late arriving, which throws our whole schedule off. A driver may cut us off in traffic.

We have no control over this 10%. The other 90% is different.
 
You determine the other 90%.
 
How? By your reaction.

You cannot control a red light, but you can control your reaction. Don't let people fool you; YOU can control how you react.
 
Let's use an example.

You are eating breakfast with your family.
Your daughter knocks over a cup of coffee onto your business shirt.
You have no control over what just what happened.
What happens when the next will be determined by how you react.
You curse.
You harshly scold your daughter for knocking the cup over.
She breaks down in tears.
After scolding her, you turn to your spouse and criticize her for placing the cup too close to the edge of the table.
A short verbal battle follows.
You storm upstairs and change your shirt.
Back downstairs, you find your daughter has been too bus crying to finish breakfast and get ready for school.
She misses the bus.
Your spouse must leave immediately for work.
You rush to the car and drive your daughter to school.
Because you are late, you drive 40 miles an hour in a 30 mph speed
limit. After a 15-minute delay and throwing $60 traffic fine away, you
arrive at school. Your daughter runs into the building without saying
goodbye.
After arriving at the office 20 minutes late, you find you forgot your briefcase. Your day has started terribly.
As it continues, it seems to get worse and worse.
You look forward to coming home, When you arrive home, you find a small wedge in your relationship with your spouse and daughter.

Why?

Because of how you reacted in the morning.

Why did you have a bad day?
A) Did the coffee cause it?
B) Did your daughter cause it?
C) Did the policeman cause it?
D) Did you cause it?

The answer is D.

You had no control over what happened with the coffee.
 
How you reacted in those 5 seconds is what caused your bad day.
 
Here is what could have and should have happened.

Coffee splashes over you.
Your daughter is about to cry.
You gently say, "It's okay honey, you just need, to be more careful next time." Grabbing a towel you rush upstairs.
After grabbing a new shirt and your briefcase, you come back down in time to look through the window and see your child getting on the bus.
She turns and waves.
You arrive 5 minutes early and cheerfully greet the staff.
Your boss comments on how good the day you are having.
 
Notice the difference?
Two different scenarios
Both started the same.
Both ended different.
Why? Because of how you REACTED.

You really do not have any control over 10% of what happens.
The other 90% was determined by your reaction.
Here are some ways to apply the 90/10 principle.
If someone says something negative about you, don't be a sponge.
Let the attack roll off like water on glass.
You don't have to let the negative comment affect you!
React properly and it will not ruin your day.
A wrong reaction could result in losing a friend, being fired, getting stressed out, etc.

How do you react if someone cuts you off in traffic?
Do you lose your temper?
Pound on the steering wheel?
A friend of mine had the steering wheel fall off!
Do you curse?
Does your blood pressure skyrocket?
Do you try and bump them? WHO CARES if you arrive ten seconds later at work? Why let the cars ruin your drive?
Remember the 90/10 principle, and do not worry about it.
You are told you lost your job.
Why lose sleep and get irritated?
It will work out.
Use your worrying energy and time into finding another job.

The plane is late; it is going to mangle your schedule for the day.
Why take out your frustration on the flight attendant?
She has no control over what is going on.
Use your time to study, get to know the other passenger.
Why get stressed out?
It will just make things worse.

Now you know the 90-10 principle.
Apply it and you will be amazed at the results.
You will lose nothing if you try it.
The 90-10 principle is incredible.
Very few know and apply this principle.
 
The result?
Millions of people are suffering from undeserved stress, trials, problems and heartache.
There never seem to be a success in life.
Bad days follow bad days.
Terrible things seem to be constantly happening.
There is constant stress, lack of joy, and broken relationships.
 
Worry consumes time.
 
Anger breaks friendships and life seems dreary and is not enjoyed to
the fullest. Friends are lost.
 
Life is a bore and often seems cruel.

Does this describe you? If so, do not be discouraged. You can be different!
Understand and apply the 90/10 principle. It will change your life.

Have a Great Day and even Greater Tomorrow!!

Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".


Ang Pitong Ginintuang Aral ni Mario


Si Mario ang Idol ko

Kumakain ng gulay, pumapatay ng mga masasamang pagong, hindi nalulunod, nakakasakay sa mga dinosaurs, nakakapagbuga ng apoy, matinik sa chicks, mayaman, maraming buhay, lumilipad, mabilis, bibo, kayang sumira ng hollow blocks gamit ang ulo at higit sa lahat, napapatay niya ang mga kalaban hindi dahil sa lakas ng katawan, ngunit dahil isa siyang astig na nilalang.

Para sa akin, nagawa na ni Mario ang lahat.

Umakyat siya ng mga matatayog na bundok, nilusob niya ang mga haunted house na puno ng impakto, inaabot niya ang ulap, nag-scuba diving, naninira ng mga kaharian. ginawa na niya ang mga pwede pang gawin ng ibang mga characters sa laro.

Hindi lang si Mario ang nagsilbing inspirasyon at ang training ko sa paglalaro ng video games, pero kahit sa buhay, siya ang naging idolo ko.

1) Tinuruan ako ni Mario kung paano magmahal.

Bakit ba parating hinahabol ni Mario si Koopa? isa lang naman talaga ang dahilan, kinikidnap ni Koopa ang kanyang minamahal, si Princess Toadstool. Taenang Koopa yan, ano kayang gusto niya doon sa babaeng yon? di naman niya ni-rarape.. squatter, nagpapahabol lang talaga siya kay Mario. Pero ayun, si Mario, ginagawa ang lahat para lang maligtas ang kanyang minamahal.. kung walang pagmamahal si Mario sa katawan niya, taena, hinayaan na niyang mamatay o ma-rape dati pa si Princess Toadstool. Tinuruan ako ni Mario na ganon dapat magmahal. Kung mayroon kang taong iniibig, gagawin mo ang lahat, lulusubin mo ang kung ano man para sa kanya.

May nakukuha ba si Mario sa princess pag naliligtas niya yon? Wala. Walang pera, walang buhay, walang extra stage. Kiss lang. Matapos ang lagpas 20 na worlds at mga sampung stages bawat world, kiss lang ang binibigay sa kanya. Pero sa tingin niyo ba nagrereklamo si Mario? Hindi. Kasi ganon ang pagmamahal, dapat gawin mo ang lahat ng makakaya mo, at huwag kang umasa ng kapalit, huwag ka umasa ng bayad. Umibig ka ng parang hindi ka pa umiibig buong buhay mo, kung magmamahal ka na rin, mahalin mo na ng lubusan.

Si Mario ang nagturo sa akin niyan.

2) Kapag may tiyaga, may nilaga.

Si Mario ang pinakamatiyagang character na nakita ko. Dadaanan niya ang lahat, kukunin niya ang mga pwedeng makuha, kakainin niya ang kahit na anong gulay, sasakyan niya ang kahit na anong dinosaur basta lang makakatulong ito sa kanya. Kung ako si Mario, matagal ko nang hinayaan si Princess Toadstool at naghanap nalang ako ng ibang babae. Meron naman sigurong ibang babae sa mundo niya. Pota, hassle naman yon kung wala.

Nagtiyatiyaga si Mario para makakuha ng isang daang ginto. isang daang ginto para sa isang buhay. Pinagtiyatiyagaan niya ang pagkuha ng 100 lives doon sa isang stage na kailangan mo ng dalawang pagong. Kung hindi niyo alam yon, kunin niyo nalang yung salita ko: MATAGAL YON. At hindi lang basta-basta nagagawa. Ilang ulit kong ginawa yon para lang makuha ng tama. Pero si Mario, kahit ilang ulit, pagtiyatiyagaan niya, at sa pagtiyatiyaga niyang iyon, nakakuha siya ng maraming buhay.

3) Ipinakita niya sa akin ang totoong ibig sabihin ng brotherhood.

Hindi masyadong halata sa game, kasi parati silang nagsasalit ng pagkakataon maglaro, pero nagpakita si Mario ng matinding sense ng brotherhood. Napakita niya rin na nirerespeto niya ang kanyang kapatid.

Kasi ganito ang storya niyan, si Mario, kulay blue talaga dapat ang costume, di ba red and blue siya? Dapat pure blue lang yon. Kaya lang, si Luigi kasi, sobrang gusto ang green. Nagpumilit si luigi na green dapat ang sa kanya. Hindi nakipagaway si Mario, hindi siya nagpumilit, siya ang nagpalit ng kulay. Ngayon, bakit kailangan niyang magpalit? Kasi, alam nila ang Ateneo-LaSalle rivalry, eh ayaw ni Mario sumalungat, kaya ginawa nalang niyang red.

Ganon niya kamahal ang kanyang kapatid. Isinasakripisyo niya ang gusto niyang kulay para lamang sa ikasasaya ni Luigi.

Astig talaga si Mario.

4) Siya ang dahilan kung bakit ako kumakain ng gulay.

Ilang beses na akong pinapakain ng gulay ng nanay ko noong bata pa ako. Pero kahit anong gawin niya, ayoko talaga. Nung binigyan niya ako ng Family Computer at Super Mario, dun lang ako nagsimula kumain ng gulay. Si Mario kasi ang nag-inspire sa akin.

Pag kumakain si Mario ng mushrooms, lumalaki siya. Pag kumakain siya ng bulaklak, nakakatira siya ng apoy. Tapos ginagamit niya ito para matalo ang mga kaibigan. Ang galing kasi napasok pa ni Mario na ang mga gulay, importante para matalo natin ang sarili nating mga "monsters" sa buhay. Napasok niya rin ang ideya ng healthy diet.

5) Dapat na maging tao tayo ng mundo.

Lahat ng parte ng mundo, napuntahan na ni Mario. Bulkan, patag, dagat, bundok, ulap. Parang pinapakita niya sa atin na dapat maging mas malawak ang alam natin sa kapaligiran. Hindi dahil nasa patag ka, at komportable ka doon, doon ka na parati. Porke taong bundok ka, hindi ka na lalangoy sa dagat.

Sinasabi ni Mario na dapat alam natin ang lahat ng posibleng lugar at maging okay tayo doon. Pareho lang dapat ang pagtalon natin sa bulkan man o sa patag.

Matalinhaga ang linya na yan, hindi naman siguro kayo tanga para hindi makuha yan di ba?

6) Ang paggamit ng mga bagay sa paligid ay importante sa sariling paglusong.

Ang resourcefulness ng tao. Ginagamit ni Mario ang mga bagay sa kanyang kapaligiran para sa sarili niyang kabutihan. Naiisip niya na pwede palang gamitin ang shell ng pagong para pampatay sa iba pang pagong. Nakita niya na pag nahawakan niya ang bituwin, magiging imposible siyang tablan ng mga halimaw.

Pinagmasdan niya ang kapaligiran at nakita itong makakatulong sa kanya.

7) Ang panghuli, ang paggamit ng utak.

Nakita niyo naman na si Mario, hindi nakikipagsapakan. Hindi gumagana ang apoy niya sa mga boss. Pero natatalo parin niya ang mga ito.

Pano niya nagagawa yon kung wala siyang lakas ng braso at mga armas?

Pinapagana niya ang makinarya sa utak niya. Ginagamit niya ang lahat ng kanyang natutunan at kaalaman.

Dito na pumapasok ang lahat ng konsepto. Nadadala siya ng pagmamahal niya sa kanyang princessa. Binubuhos niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang mahal. Hindi basta bastang namamatay si Koopa, kaya talagang kailangan niya itong pagtiyagaan. Kumukuha rin siya ng lakas ng katawan at isipan sa kanyang kapatid. Inaalala niya ang pagkapula ng suot niya at naaalala niya ang kanyang pagmamahal kay Luigi. Ang pagkain niya ng gulay ang naghahanda sa kanya sa pagsubok na ito. Binibigyan siya ng lakas ng katawan at tatag ng tuhod. Ang pagiging tao ng mundo ay ang naghasa sa kanya para makaaksyon at makapagisip siya, kahit sa mga hindi komportableng sitwasyon. At ang paggamit niya ng bloke sa paligid o ang pagbalik ng mga tira sa kalaban ay nakikita niya dahil siya ay magaling magmasid ng kapaligiran.

Ang galing talaga ni Mario, at hindi dapat ito basta-basta lang kinakalimutan o hinahayaan.

Lumipas ang mahigit sa labing tatlong gaming na taon sa mga taon ko. At sa dami ng mga laro na nalaro ko na, bumabalik lang lahat ito sa Mario.

Kaya nakakaburat yung mga bata ngayon e. Dahil lang maganda ang graphics at maraming sumasabog, ayos na. Kaya nga pag may bata akong nakikita tapos parang ewan yung ginagawa niya, sasabihan ko ng "hoy bata, mag Mario ka muna..." kasi yun talaga ang simula ng lahat. Hindi pacman, hindi Bomberman, Mario.

Si Mario ang idol ko. Kung hindi dahil sa kanya, ibang tao ako ngayon, kung wala siya, malamang nawawala na rin ako, parang mga bata ngayon na walang alam sa mga ginagawa nila.



Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".


Sunday, August 8, 2010

What Hurts. . . >

• Reminiscing the good times you shared together
• Shielding your heart to love somebody
• Trying to hide what you really feel
• Trying to hide the tears that involuntary fall from your eyes
• Loving a person too much
• Giving up someone you never thought of giving up
• Having the right love at the wrong time
• Taking the risk to fall in love again
• Hiding your relationship from someone else
• Controlling your feelings to avoid hurting a friend
• Letting go, because everytime you see the person, you only fall deeper
• Holding back, only to find out when it's too late, you both felt the same way, but were only scared to lose each other so much that you didn't let the feelings out
• Falling in love with someone you didn't mean to fall in love with
• Finding the perfect girl but she doesn't love you
• Seeing the one you love crying for someone else
• Having to hear "I've met someone. . ."
• Being denied in front of people
• Pretending you don't love the a person whom you actually love

Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".

Monday, August 2, 2010

Difference Between Mayaman and Mahirap

Kung mayaman ka, meron kang "allergy";
Kung mahirap ka, ang tawag diyan ay "galis" o "bakokang".

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress";
Sa mahirap, "sira ang ulo".

Sa mayaman,  "malikot ang kamay" and tawag sa "kleptomaniac";
Sa mahirap,  "magnanakaw" o "kawatan".

Pag mayaman ka, you're "eccentric";
Pag mahirap ka,"may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad".

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine";
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo,ikaw ay "nalipasan ng gutom".

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic";
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba".

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi";
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga".

Kung nasa high society ka, you are called "slender" o "balingkinitan";
Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o "ting-ting".

Kung nasa high society ka pa din at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite";
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar".

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump";
Kapag mahirap ka at ikaw ay "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba", pag minamalas ka "baboy".

Kung well-off ka at date ka dito, date ka doon, ang tawag sa iyo ay "game";
Kunag mahirap ka, ikaw ay "pakawala"

Kung mayamang alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated";
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo ay "malandi".

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo ay "single parent";
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo, "disgrasyada".

"Health Conscious" ang tawag sa mayamang puro gulay ang kinakain;
Habang "kakaawa" ang mahirap na kumakain ng ganito.

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro;
Pero kapag mahirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay "walang hiya" o "walang modo".

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood";
Ang mahihirap ay "gumugurang".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner";
Ang anak ng mahirap ay "bobo"o "gunggong".

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter the host who says "masarap kang kumain, you do justice to my cooking";
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba".

Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".
 

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)