Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Sunday, September 4, 2011

The Ronico "Yobs" Villacampa Birthday Bash

September 3, 2011
Cupang Muntinlupa City
Pagkatapos ng 12-hour shift


Isang salu-salo para ipagdiwang ang kaarawan ni Yobs. Ang mga bisita naman ay mga kasama din sa trabaho, yung ibang dumating, mga dating kasama din sa trabaho.


Pagkatapos naming magtrabaho ng labindalawang oras dahil sa napakalupit na dalawang magkasunod na Philippine Holiday sa huling linggo ng Agosto, tinungo na namin ang venue ng The Ronico "Yobs" Villacampa Birthday Bash sa Cupang, Muntinlupa. May mga kasama sa trabaho na nauna na sa venue dahil mas maaga silang nakauwi. Pagdating namin, inabutan namin ang mga nagsimula nang mag-inuman at magkantahan.

The Celebrant: Ronico "Yobs" Villacampa


The Feast:
White Rice, Mechado, Carbonara, Pancit Bihon, 
Inihaw na Tilapia, Fried Chicken, Fruit Salad 






Pagkadating pa lang, hindi ko na pinatagal at kumain na ako kaagad. Ang huli kong kain ay 2:00 am sa trabaho, nakarating kami sa venue nang halos 11:00 am. Ang dami kong gutom! Mga tatlong balik sa carbonara, apat na fried chicken at may pahabol pa na white rice at mechado.

Pagkatapos naming kumain ng mga kasama kong dumating, sinaluhan na namin ang lamesa ng mga nag-iinuman (kahit hindi ako nag-iinom, presence lang pwede na daw). Para masaya, picture taking na agad!

With Team Pepi mainstays, Joel, Ren and Poknat
 
Janize and Bhie-Ann

Isang sulyap sa lamesa

Isang "stolen" group shot

With Joel (na inaantok na daw pero smile pa din)


Chel and Nelle

Team Pepi Girls

Habang subo ang isa sa apat na manok na biktima ko
Yung celebrant sa likod parang asiwa ah?

Nadidighay?

With Bhie-Ann

With Bhie-Ann and the Celebrant

Sama-sama na sa videoke room at long table

Pakibiksan nga ang air-con^^

Kantahan pa!

Hindi pa yan lasing ah :)

Nagpapababa ng mga kinain

Poknat is singing^^

With Team Pepi mainstays, Master P, Manong POlly and Janize

Emperador Light Girls

Emperador Light Boys

May sinasapian!

Hindi pala si Ryan lang pala amfefe!

Model ng alak at tilapia

Good Times!

Poknat taking advantage!

Malapit na sila malasing!

Ganda ng Jacket!

Lasing na si Poknat

Sila hindi pa!

Nestea Boys

Action Star na Action Star ang dating ah!

Bawing-bawi!

Makalipas ang mga apat na oras, nagpaalam na kami ng ilan sa mga kasama ko. Sabog pa sa trabaho, kailangan na naming magpahinga (nakatulog na nga ako sa inuman). Pero bago kami umalis, kailangan may remembrance shots kami. Tamang-tama lang dahil may battery pa ang camera ko, picture-picture muna.
 
Ayaw talaga hubarin ang jacket kahit mainit!

Ang babaeng muntik nang umiyak dahil sa jacket
Team Pepi Family Picture

With the celebrant, Yobs

Busog at masaya akong umuwi sa bahay. Iba pa rin kapag kumakain/nakikipag-inuman ka sa mga taong malalapit sa iyo. Kahit anong pagkain o inumin pa yan, ang importante ay ang "bonding" ninyong lahat.
The enjoyment we get from something is powerfully influenced by what we think that thing really is.
--Paul Bloom

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)