Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Sunday, April 17, 2011

Rated PG (Patay-Gutom)

April 15, 2011
Puregold Las Piñas Branch
Accomplices: Cinderella Santos and Analaine Ogayon

Pagkagaling sa trabaho, diretso na agad sa Puregold Las Piñas. Ang unang biruan ay natuloy na. Desidido na ang mga kasama ko na kumain ng pizza. Hindi na talaga mapipigilan. Wala na din akong nagawa kung hindi sumama sa dalawang ito.

Tamang-tama, dahil sa traffic sa Alabang-Zapote Road (Salamat Maynilad! Kailan ba talaga dadaloy ang ginhawa?), ang biyahe mula sa may office namin ay inabot ng halos 45 minutes. Tamang-tama lang sa pagbubukas ng uregold. Mga pasado alas-otso na kami umalis, mga 5 minutes before magbukas ang Puregold naman ang dating namin.

At dahil parang pinaglaruan ng tadhana, may promo ang Lotsa Pizza, dalawang medium na pizza at 1.5 na Coke for only 269 pesos. Eto na kaagad ang pinili naming tatlo. Habang hinihintay na maluto ang order, grocery muna.

Pagkatapos ng grocery, wala na Rated PG na.

Pizza number one!

Pizza number two!

Attack Mode!

Career Mode!

Aning Mode!
Hindi na ako nakakuha ng picture ng mga kasama ko. Pero pagkatapos ng pizza attack, hindi pa nakuntento ang mga kasama ko. Naghanap ng Shawarma, buti na lang wala pa, hilaw pa. Pero, ang hindi ko alam, nakakuha pala ng ginataang munggo at lumpiang toge si Chindy. Rated PG na naman. Si Analaine, bumanat na din ng lumpiang toge. Magpapatalo ba ako? Syempre hindi! Eto naman ang second wave ko:

Kids can tell! Syempre sa Purefoods Tender Juicy Hotdog na ako!

Shot muna bago ngatngatin ang hotdog sandwich!

Ang maalamat na Lumpiang Toge immersed in magical suka!
Natapos ang foodtrip, sa wakas nabusog na kami. Mabuti pa ang biglaang plano, natutuloy, eh yung matagal na nasa plano at naka schedule, nauudlot pa. Sana madami pang mga unplanned foodtrip.

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)