Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Wednesday, April 27, 2011

Halo-Halo with Jenelyn - April 27, 2011

Pauwi na ako kanina. Dumaan lang sandali sa ER ng opisina para tingnan kung naiforward na sa Pag-Ibig ang loan application ko. Habang kausap ko ang isang taga ER, siya namang pasok nitong si Jenelyn. Si Jenelyn nga pala ay isang dati  kong kasama sa trabaho na nag resign noong July 2010. Bumalik sa opisina para kunin ang Certificate of Empoyment at copy ng Clearance niya.

Sa madaling sabi, dahil pauwi na ako ako at gayun din siya, dahil mainit din naman nitong mga nakaraang araw, nagpalamig muna kami sa SM Southmall. Ang bagsak namin, Chowking Halo-Halo. Dahil parehong mahilig sa picture-picture, ano pa nga ba ang nangyari kung hindi documented ang Chowking Time naming dalawa. The hard evidence:








All good things must come to an end, sabi nga ng nakararami. Pagkatapos ng Halo-Halo escapade namin, naghiwalay na kami ng landas. Naalala ko din kung bakit ako nagpunta sa mall, para makabili ng MicroSD Card Reader sa CDR-King. Akala ko makakauwi na ako, hindi pa pala. :p

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)