Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Sunday, August 5, 2012

(Late) MOVIE REVIEW: Born To Love You; Star Cinema

Image from: HERE

“Sinungaling ang mga mata, mas nagsasabi ng totoo ang puso.”

She was born for him. He was born for her.
 She was born to make his dream come true.
Para nga ba sila sa isa’t-isa?
 
Masyado na akong nahuhuli sa mga local movies. Noong May 30 pa pala ito ipinalabas. Kung hindi pa sinabi sa akin ng kasama ko sa trabaho na maganda ang pelikula at kumuha ako ng kopya, hindi ko pa mapapanood itong pelikulang ito :)

Sa simula pa lang nagkaroon na ako ng idea na ang pelikulang ito ay magiging "predictable" tulad ng mga local romace movies dito sa atin. Ang mga bida ay magkakakilala sa simula, may mabubuong conflict sa pagitan ng dalawang bida, magkakaroon ng realization at magkakagustuhan din sa bandang huli.

Natuwa ako sa mga opening lines ni Coco Martin. May laman. Maganda din ang background scene habang sinasabi niya ang kanyang mga linya habang duguan at puro sugat.

"Para kanino ba tayo gumigising sa umaga? Para ba sa pamilya? Para sa taong minamahal? O para sa sarili? Imposibleng wala. Dahil kahit gaano kahirap ang buhay, kahit gaano kasakit, mayroong nagpapasya sa atin. May rason tayo para gumising sa umaga. May dahilan tayo para mabuhay."

Sa bandang simula ng pelikula ay naging evident para sa akin ang magiging takbo ng rom-com (romance-comedy) na pelikulang ito. Mababaw lang ang kaligayahan ko at ang humor na dala ni Angeline Quinto ang naging isang factor para tapusin ko ang pelikula. Hindi naman ako nabigo. Masasabi kong "unlikely" ang pairing ni Coco Martin (Rex) at Angeline Quinto (Joey).

Alam mo na din na may gusto na sa isa't-isa ang mga bida. Sinusuyo ng lalaki ang babae (na nagpapakipot pa pero gusto na din naman) at mayroong "sweet" na mga eksena sa pagitan ng dalawa. Natuwa ako sa dalawang eksena - ang inuman ng dalawang bida hanggang makatulog nang magkayakap at ang "holding hands" sa eroplano (hinawakan ni Rex ang kamay ni Joey dahil natatakot siya sa pag-take off ng eroplano).



May mga nakuha din akong "words of wisdom" sa ilang mga eksena ng pelikula na kung ating i-analyze, masasabi nating may point ang mga "words of wisdom" na mga binitawan Narito ang ilan.

Ang umibig ang isa sa pinakamasarap na mangyayari sa buhay mo. Pero ang pag-ibig din ang magbibigay sa iyo ng pinakamasakit na pwede mong maramdaman.
 
My dahilan tayo para mabuhay. Para sa pamilya, sa sarili, imposibleng wala. Ikaw, para kanino ka nabubuhay?

Huwag mong tignan kung anong wala sa iyo. Tignan mo kung anung meron ka. Maraming nagmamahal sa iyo.

Wala naman langit sa lupa, basta pipiliin mo lang ang lugar kung saan ka magiging masaya.

Sa kabuuhan, maganda naman ang pelikula. Nalibang ako. Natuwa ako. Naniwala ako na mayroon pa ding "true love", yung walang iwanan hanggang sa huli, kahit anong mangyari at higit sa lahat, mayroong nakalaan para sa atin. Kailangan lang nating buksan ang ating puso at tanggapin ang katotohanan.

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)