Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Monday, March 11, 2013

Mga Kadalasang Sinasabi ni Misis/GF at ang Kahulugan Nito!

Bawal po ang pikon :)

1. "Kailangan natin nga ganito!" = "Gusto ko ng ganito!"
2. "Bahala ka, desisyon mo yan!" = "Lintik ka, dapat alam mo kung kaninong desisyon ang masusunod!"
3. "Ahh gusto mo nito?!" = "Sige, ikaw bahala magbayad!"
4. "Hindi ako galit!" = "Tanga ka ba? Syempre galit ako!"
5. "Masyadong maliit ang kusina!" = "Gusto ko ng bagong bahay!"
6. "Gusto ko ng bagong kurtina!" = "Pati na rin ng bagong karpet, malaking TV at Aircon!"
7. "May naririnig akong ingay!" = "Ang lakas mo naman humilik!"
8. "Mahal mo ba ako?!" = "May gusto sana ako gamit kaso ang mahal!"
9. "Gaano mo ko kamahal?!" = "May nagawa ako na alam kong hindi mo magugustuhan!"
10. "Ready na ako, bigyan mo lang ako ng 5 minuto!" = "Bahala ka maghintay dyan, matulog ka muna kung gusto mo!"
11. "Mataba ba ako?!" = "Sabihin mo sa akin na maganda ako!"
12. "Nakikinig ka ba sakin?!" = "Bahala kang mapahamak dyan sa kagagawan mo!"
13. "Nagustuhan mo ba yung niluto ko?" = "Wala akong pakialam kung nagustuhan mo o hindi!"
14. "Si baby ba yung umiiyak?" = "Bumangon ka at palitan mo siya ng diaper!"
15. "Hindi ako sumisigaw!" = "Kailangan ko sumigaw para lang maunawaan mo!"
Source: Here

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)