Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Thursday, April 19, 2012

Mga Iba't-Ibang Klase ng Panliligaw!

1. Mr. Gwapings
– mayaman, gwapo, kilala..mataas ang confidence niya na hindi sya mababasted, kaya kapag nabasted... maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. Pwede nyang sabihing “Sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman siya!

2. Mr. Quickie
– ang uri ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi “kailan mo ba ako sasagutin?” o kaya “I love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. Kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything
– linya nya ang “Sagutin mo lang ako, ibibigay ko sa iyo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo.” !@#$ ka na kapag nagpauto ka. Dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na niya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker
– eto yung klase ng manliligaw na kapag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. Basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman niya.

5. Mr. Salesman
– dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang siya mas matindi mang-uto. Yun bang tipong... ”ang ganda ganda talaga ng mga mata mo...” o kaya “ang kinis-kinis mo” o kaya “ang lambot ng mga kamay mo” at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.

6. Mr. Good Dog
– eto ang nakakatuwang manliligaw. Kasi payag siyang magpaalipin. Taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. Kahit magmukha siyang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. Nagpapakitang-gilas kung baga. Pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.

7. Mr. Anonymous
– motto nya ang “action speaks louder than words”. Wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. Kaya pala ang bait-bait sa iyo. Eh akala mo mabait lang talaga.

8. Mr. Take it or leave it
– kapag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. At heto pa, hinding hindi ka na niya papansinin. Period.

9. Mr. Romantiko
– jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. Manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo,liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. Pero madalas nakakapagpakilig siya ng nililigawan niya dahil sa kanyang “malinis na hangarin” awww!

10. Mr. Second chance
– siya ang pinakamasugid mong manliligaw. Kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na siyang pag-asa ang sasabihin nya parin “Please give me a second chance

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)