Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Sunday, April 22, 2012

Isang Pasasalamat!

April 22, 2012:

Maraming Salamat Po sa lahat ng mga bumati - sa personal, sa instant messaging, sa FB messaging, sa e-mail at sa SMS.

Isang taon na naman ang nadagdag sa akin at nagpapasalamat ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sa mga nagtatanong kung ilang taon na ako - ako po ay "26" years old na.

Sunod-sunod ang blessing na dumadating sa akin (isa na lang talaga ang kulang^^) at alam kong may mga magagandang bagay, balita at mga pangyayari pa na dadating at magaganap pa. Ang lahat naman ay mangyayari sa "Tamang Panahon"

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya, hindi ko na din tinatanong kung bakit kasi hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako magiging masaya. Basta ang importante, buhay ako at nandiyan kayong lahat para gawin na mas masaya at makulay ang aking buhay.

Muli, marami pong salamat at hindi ko po magagawa ang mga nagagawa ko ngayon kung hindi rin dahil sa inyong lahat.

Nandito lang ako - kung kailangan ninyo ng makakausap
(may sense man o wala, kaya ko kayong sabayan)
, makikinig sa mga sentimyento ninyo, mga advice at words of wisdom, kasabay sa pagktakbo o gusto lang ninyo na ngumiti at tumawa - patatawanin ko kayo sa abot ng aking makakaya. Iba kasi ang pakiramdam kapag may napapasaya ka na ibang tao - "fulfilling".
Running for Love ♥
RunReal - The Running Popoy

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)