Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Tuesday, February 14, 2012

Happy Valentines Day ♥

Bago ako pumasok, dumaan ako sandali sa mall, gaya ng inaasahan, marami akong nakasalubong  na mga babaeng may bitbit na roses o di kaya ay mga stuffed toys, normal lang ito sa Valentines Day, lalo na dito sa Pilipinas.


Kailan nga ba ang huling beses na ipinagdiwang ko ang okasyon na ito na may kasama? Matagal-tagal na din, siguro may pitong taon na din ang nakakalipas. Sa huling tatlong taon ko naman dito sa trabaho siguradong palagi akong tinutukso dahil nga ZERO talaga. Pero ayos lang, ganun talaga ang buhay.

Nasabi ko nga minsan, "In a perfect world, it would be nice to be with someone you love and loves you the same way as you do." Ang problema, wala tayo sa tinatawag na "Perfect World" kaya naman dapat ay we make the most of what we have. Kapag may nagtatanong sa akin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa, ang tanging sagot ko lang ay "Mangyayari ang lahat sa Tamang Panahon" nakapaghintay na ako ng ganito katagal, ano pa ba ang paghihintay ng ilan pang sandali?


I look forward to the day that I can change my status to "in a relationship" without worrying that in a forthright, I'll have to change it back to "single".

Single ako, pero hindi ibig sabihin, hindi ako In-Love, alam ng lahat yan :)

2 comments:

Blogger said...

Did you ever try to automate your free satoshi collections with a BITCOIN FAUCET ROTATOR?

Blogger said...

From my experience the most recommended Bitcoin exchange company is YoBit.

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)