Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Saturday, January 14, 2012

PSE Bull Run 2012

January 8, 2012
Accomplice: John Paul Lipardo
Venue: Bonifacio Global City, Taguig

Ang aking unang fun run ngayong taong 2012. Galing sa 1st Birthday Party ng aking pamangkin na si Matthew Cedrick, Sabado ng hapon, January 7, nandito na naman ako sa Bonifacio Global City. Sabi ko nga sa nakaraang entry, Hectic! Pagkatapos ng fun run na ito ay ddiretso kami sa opening ceremony ng isang basketball tournament, mga 9:00am ng umaga. Pagkatapos ay may binyagan pa akong pupuntahan sa tanghali.


Tamang - tama lang. Hindi masyadong madami ang booth sa race village kaya naman pagkatapos ng aking takbo ay nakapaglibot ako kaagad at nakapagpahinga para sa opening ceremony ng aming basketball league.


Isang "light" breakfast sa may Century Tuna booth - tuna hotdogs! Pagkatapos ay naghanda na kami sa aming takbo. sa 5K category ako samantalang si John Paul ay sa 21K naman. Wala pang isang oras ay natapos ko na ang aking course :)


Ang aking official ranking at time:

Rank: 447 out of 1266
Gun Time: 00:39:03
Chip Time: 00:38:34


Narito naman ang ilang mga larawan kasama ang mga bagong friends:









Dahil si Yongsky ang kasama namin, hindi pwede na walang jump shot! Narito ang aming mga jump shots (na wala akong maisip na pose nung mga oras na iyon):




Pahinga lang ng kaunti, kumain ng breakfast sa Kentucky Fried Chicken sa Ayala station at tumungo na sa opening ng aming basketball league. Busy ang aking January dahil ang apat na Sunday ng nasabing buwan ay mayroon akong mga fun run, nadagdagan pa ng basketball league games. Ang saya! Mayroon akong outlet pagkatapos ng isang linggong nakaupo sa harap ng aking workstation sa trabaho.

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)