Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Monday, January 23, 2012

Lessons from DJ Heidee from the movie Won’t Last A Day Without You


Lesson #1. Pay attention, para walang tension.

Iwasang tumingin sa magaganda at seksing babae pag may girlfriend ka na nang hindi ka natutukso. Kung may girlfriend na, girlfriend lang dapat ang tingnan wag na kung sinu-sino. Niligawan mo, panindigan mo.

Lesson #2. Makiramdam kay madam.
Kung alam mo ng nabibigatan na siya sa dinadala niya, matutong kumusa. Kapag sinabi nang babae na ‘okay lang ako’ ibig sabihin nun hindi talaga siya okay.

Lesson #3. The Best pag Honest.
Sabihin mo kung ano talaga ang gusto mo. Kapag may nagawa kang mali, sabihin mo agad. Hindi yung magsisinungaling ka pa.

Lesson #4. Be consistent.
Kung may kape na pampagising, dapat may unan din na pampatulog.

Lesson #5. Romance is a slow dance.
Dapat ang kiss, nagpapamiss. Kasi yung paghihintay, yun ang pamatay. It’s about that moment before the kiss, dun ngayon pumapasok ang romance. And you want that moment to linger. Kaya dapat eye contact. Make her feel beautiful, na parang siya lang yung nakikita mo. Pwede mo siyang hawakan sa buhok, sa pisngi. Make her feel safe, needed, loved.”

- from the movie Won’t Last A Day Without You starring Sarah Geronimo and Gerald Anderson

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)