Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Monday, January 23, 2012

Get Fit 2012 Session 2

January 21, 2012
Accomplice: John Paul Lipardo
Venue: Philsports - ULTRA, Track Oval

Session 2. Hindi ako nakasali sa Session 1 noong nakaraang Sabado ng hapon (sumakit bigla ang ulo ko bago umuwi). Mabuti na lang, nabigyan ako ng isa pang pagkakataon para makasali sa ikalawang Fitnes Training.


Isang campaign na organized ng HyperSports Philippines Inc., "Get Fit 2012" ang naging tema ng fitness training na event. Sa isang banda, ang naging tema ng nasabing campaign ay may pagkakahawig sa aking 2012 goals. Hindi na masama, libreng fitness training (na may kasama pang T-Shirt) at karagdagan na kaalaman para maisama sa aking routine sa gym. Sakripisyo nga lang dahil ginaganap ito tuwing Sabado ng hapon at galing pa ako sa trabaho ng Biyernes ng gabi. Ayos lang, para sa akin naman ang ginagawa ko.


Narito ang mga larawan sa aking unang session (Session 2 para sa iba):





Narito naman ang ilan sa mga drills na itinuro sa amin noong hapon na iyon:
Basic fitness and running drills, basic fundamentals in sports training, general conditioning, injury prevention exercises, running techniques.















Tinapos namin ang fitness training sa pamamagitan ng isang 2400m baton relay. Labindalawang runners sa bawat grupo (tatlong grupo) at tatakbo ng 200m ang bawat isang kalahok. Pagkatapos ng relay, isang cool down excercise naman ang aming ginawa.


Masakit sa katawan, hindi ko alam kung makakatakbo ako ng maayos kinabukasan para sa Timex Run 2012 sa 5k category.


Naalala ko ang isang kasabihan, ganito ang nilalaman ng nasabing kasabihan:
"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala." Hindi ako papayag na ako ay mabigo nang hindi lumalaban, kulang sa tulog at masakit ang katawan, sinubukan ko pa din tapusin ang Timex Run 2012 kinabukasan ng madaling-araw. Hindi ako nagsisisi at natapos ko ang aking category.


Running for love ♥


No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)