Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Monday, December 19, 2011

Run 4 Change 2

December 18, 2011
Accomplice: John Paul Lipardo
Venue: McKinley Hill, Taguig

Hindi pa nakakarecover mula sa Don Henrico's fun run, nasa kalsada na naman kami ng aking kasama para naman tapusin ang running calendar para sa taong 2011 sa pamamagitan ng paglahok sa Run for Change 2.

Maaga kaming nakarating sa McKinley Hill (muntik pang maligaw) kaya naman kami ay nakapag-libot at picture taking kaagad. Umaambon pero ayos lang, maganda ang panahon sa pagtakbo.














First time ko na tumakbo sa uphill/downhill course kaya naman mas matagal kong natapos ang aking category sa pagkakataong ito. Masaya pa din ako dahil sa wakas ay naranasan ko na din ang mna-miss ko sa Nathan Ridge Run noong November 20, 2011.

Masaya ang event dahil kahit hindi ganoon karami ang mga lumahok, ang pakiramdam pa din ay marami kami at parang matagal nang magkakakilala. Isa pa, ang event na ito ay for a cause kaya naman ang feeling na aming nararamdaman ay walang kapalit. Dahil maulan din, hindi na ako nakapag picture-taking along the course. Binawi ko na lang sa aking pagbalik. Narito ang ilang larawan ng event at ng mga partner booths.


















At narito ang ilang kuha ng running buddies in action (salamat sa Angelo's Photography):




Masarap ang pakiramdam na nakatulong ka na sa iba, natulungan mo pa ang sarili mo na maging fit sa pamamagitan ng paktakbo! Ito na ang aking huling running event sa taong 2011, kailangan kong paghandaan ang 2012!

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)