Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Saturday, December 10, 2011

Rated PG (Patay-Gutom) The 19th Wave

December 10, 2011
Accomplices: Charlie Kate Bercasio, Janice Genon, Mylene Villanueva, Sophia Dela Rama
Venue: Pancake House near Alabang Town Center

Sabado ng umaga, walang pasok ng Sabado ng gabi (maiba naman!). Maiba din ang kakainan. Napagdesisyunan, sa Pancake House malapit sa Alabang Town Center naman subukan. Ang mga kasama ko puro pancakes ang order, ako naman ay binawi na ang aking statement noong June 27, 2010, sinabi ko noon na hindi ako oorder ng burger na ganoon kalaki na para lang sa akin.

Nanunang dumating ang mga order ng mga kasama ko, madaling maluto palibhasa puro pancakes ang order nila. Bago kumain, picture taking sandali ang mga kasama ko.





Ako na lang ang walang order T_T
 


Nagsimula na silang kumain habang ako ay naghihintay pa rin sa aking order. Hindi nagtagal, dumating na din ang order ko. Hindi nga pala ako nakakain sa pangalawa kong break sa aking shift kagabi, tama lang siguro na kumain na parang walang bukas^^




Hindi ko na pinatagal ang order ko. Wala munang usap-usap! Ilang sandali pa ang lumipas, plato na lang ang natira sa akin. Dahil generous kaninang umaga si Sophia, binigyan pa niya ako ng isang pancake! Busog na busog!

Isa na namang masayang weekend! Wala pang pasok ng Sabado ng gabi. Makakapagpahinga ako ng lubos dahil ako ay may ubo at sipon. Hindi pa sigurado kung makakatakbo ako bukas sa 35th National Milo Marathon Finals sa SM Mall of Asia. Oh well, there is always next year sabi ng iba.

Pero sa araw na ito, "Its not the food, its the bonding" pa din ang masasabi ko. Ganun naman talaga dapat. :)

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)