Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Sunday, December 4, 2011

The Partial Make-Over

December 3, 2011
Accomplices: Charlie Kate Bercasio, Janice Genon, Mylene Villanueva, Sophia Dela Rama
Venue: Festival Mall, Alabang

Pagkatapos ng Friday night shift, "nagpresinta" ang ilan kong mga kasama sa trabaho na ako ay kanilang i-"make-over". Ako kasi ang tipong masaya na sa isang t-shirt, pantalon at rubber shoes. Sa pagkakataong ito, hindi sila pumayag na ako ay magmukhang isang "regular" o "commoner". Hindi ko alam kung matutuwa ako pero sige na nga lang, pagbigyan ang hilig.

Ang napiling mall: Festival Mall sa Alabang. Sayang ang long sleeves sa Solo, may humor pa naman ni Larry Alcala. Kaya lang XL ang pinakamalaking size nila. Parang mapupunit kasi ang damit kapag sinuot ko. Ang ending, Penshoppe sa pang itaas. Human sa pantalon. Pizza Hut sa quick fix, Master Siomai para sa panulak, nagsolo kasi sa Chic-Boy ang mga bruha.

Ilang mga kuha sa Penshoppe at Human. Pasintabi na lang po!




























Pagkatapos nila na ako ay bihisan, sumaglit si Sophia sa Herbench, at ako naman ay dumaan sa Nike Park para dalawin ang aking kaibigan. Pagkatapos ay nagtingin sa iba't-ibang boutique para sa kanilang mga outfit naman. Ang sumunod na napiling mave-over moment ay kay Charlie Kate.

Nandito ang ilang mga kuha (pasintabi po ulit^^):









Natapos na kaming maglibot pasado alas-dose na! Kailangan ko pang magpahinga dahil tatakbo pa ako sa 9th Animo! Run sa CCP Complex, linggo ng umaga at pagkatapos ay dadalo naman sa Christmas Party bandang hapon. Hectic pero, "Ganun Talaga!"

Naghiwa-hiwalay na kami ng landas at ang iba pa sa amin ay may pasok kinagabhan. Isa na namang productive Saturday para sa akin! Sana ay maging happy ang buong weekend ko :)

Maraming salamat nga pala sa Pinoy Fitness para sa tech shirt ko^^

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)