Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Sunday, November 20, 2011

Rated PG (Patay-Gutom) The 17th Wave

November 19, 2011
Accomplices: Charlie Kate Bercasio, Sophia Dela Rama, Mark Anthony Caingcoy, Debi Ann Franco, Marijed Barbacena, Reynald Puche
Venue: Lugaw Queen, Alabang Branch


Isa na namang umaatikabong weekend coverage mula sa inyong lingkod at ng mga kasama sa NNC Family. Bago umuwi, napagpasyahan na mag-light breakfast muna para tapusin ang isa na namang weekend coverage episode.

Ang napili: Lugaw Queen, Alabang Banch.


Nauna na ang apat sa aming mga kasama, si Debi, Reynald, Mark at Marijed. Dahil marami din ang nag-breakfast sa Lugaw Queen, naghintay pa kami sandali para makakuha ng magkakalapit na lamesa. Habang naghihintay, picture taking muna kami.

Ang aming bantay - si Charlie Kate
 
Group discussion muna habang naghihintay
 
Maganda ang background namin, ang flyover ng Alabang
 
The Mango Team^^

Nagkaroon na din kami ng lamesa. Hindi namin napagdugtong amg dalawang lamesa pero magkatapat naman ang nakuha namin. Habang naghihintay ng order, picture taking muna ulit. Babala, mag-ingat sa babaeng model ng manggang hilaw at bagoong alamang!


Ayan na siya^^...
 
...with her pre-cut hilaw na mangga and bagoong
 
Ang unang lamesa :)
 
Ang pangalawang lamesa^^
 
Pero ang order namin ang unang dumating :D
 
Hintay pa din sila :p 


Headlines bukas, ngayon ang broadcast^^

Sa wakas, dumating na ang order ng unang table :) 

Kainan na! Kwentuhan, asaran, tawanan. Masarap ummuwi ng busog at masaya, masarap din kumain na kasabay ang mga kasama mo sa trabaho. Iba pa din kapag mayroon kayong casual talk. Pagkatapos kumain, nagpahinga lang kami sandali at tumulak na papauwi para magpahinga.

Busy week ang aming haharapin simula lunes dahil sa nalalapit na US Holiday (Thanksgiving Day), malamang ay mapalaban kami tulad noong nakaraang taon. Inaasahan sana namin ang Thursday at Friday night off (makabubuti para sa akin ang Friday night off dahil may fun run ako sa SM Mall of Asia kasama si Sophia at ilan pang mga katrabaho, ang HSBC Anniversary Fun Run).

Naghiwa-hiwalay kami ng landas papauwi pero dahil Sunday ngayon, nag-"Sundae" (corny eh^^) muna kami ni Charlie sa Jollibee. Ngayon ko lang nalaman, masarap din pala ang Strawberry Sundae. The evidence (wala akong picture kasi ang liwanag ng background, what a happy accident T_T):


Maraming salamat nga pala sa Pinoy Fitness para sa tech shirt ko^^
 

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)