Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Friday, April 29, 2011

What Everyone Should Know

What WOMEN should know: "a man who truly loves you will never let you go no matter how hard the situations is..."

What MEN should know: "a woman who truly loves you will be angry at you for so many things but will always be there to stick around..."

Thursday, April 28, 2011

Banat for the Day

Most people believe that I LOVE YOU is the best thing you can say to anybody, but come to realize, I LOVE YOU TOO has a greater impact on the human heart because anybody can get an I Love You but not everyone can get an I Love You Too.

Errand Boys - New Business Venture

Nakita ko ito sa wall ng isang kaiban sa Facebook. Nakakatawa, ano sa tingin ninyo, pwede hindi ba? O, yung mga utos ng utos diyan, maghanda na kayo.




Wednesday, April 27, 2011

Halo-Halo with Jenelyn - April 27, 2011

Pauwi na ako kanina. Dumaan lang sandali sa ER ng opisina para tingnan kung naiforward na sa Pag-Ibig ang loan application ko. Habang kausap ko ang isang taga ER, siya namang pasok nitong si Jenelyn. Si Jenelyn nga pala ay isang dati  kong kasama sa trabaho na nag resign noong July 2010. Bumalik sa opisina para kunin ang Certificate of Empoyment at copy ng Clearance niya.

Sa madaling sabi, dahil pauwi na ako ako at gayun din siya, dahil mainit din naman nitong mga nakaraang araw, nagpalamig muna kami sa SM Southmall. Ang bagsak namin, Chowking Halo-Halo. Dahil parehong mahilig sa picture-picture, ano pa nga ba ang nangyari kung hindi documented ang Chowking Time naming dalawa. The hard evidence:








All good things must come to an end, sabi nga ng nakararami. Pagkatapos ng Halo-Halo escapade namin, naghiwalay na kami ng landas. Naalala ko din kung bakit ako nagpunta sa mall, para makabili ng MicroSD Card Reader sa CDR-King. Akala ko makakauwi na ako, hindi pa pala. :p

Monday, April 25, 2011

Ang Babae

  1. Dapat NILALAPITAN, hindi pinapalapit.
  2. NILILIBRE, hindi pineperahan (ideally iba na ang "libre" ngayon, kayo na ang bahala sa interpretation).
  3. SINESERYOSO, hindi niloloko.
  4. PINAPASAYA, hindi pinapaasa.
  5. INAALAGAAN, hindi pinababayaan.
  6. NIRERESPETO, hindi binabastos.
  7. PINAGMAMALAKI, hindi ikinakahiya.
  8. PINANGINGITI, hindi pinapaiyak.
  9. INUUNA, hindi binabalewala. At higit sa lahat...
  10. MINAMAHAL, hindi sinasaktan.

Banat for the Day

Hindi masama ang may dalawang relo, kasi mayroon naman tayong dalawang kamay, pwedeng isuot mo pareho, pwedeng isuot mo ng sabay. Pero iisa lang ang puso natin, ibig sabihin, isa lang ang pwedeng isuot diyan, sa puso mo.

Sunday, April 24, 2011

Banat for the Day

Being single doesn't mean you're not good enough. Sometimes it means you are strong enough to take on the world alone.

Saturday, April 23, 2011

Post Birthday Lunch (Sort of)

After paying the Internet and Phone bills, I needed to get a quick fix (and yes, I just did came from the office from 10:00 PM last night and ended my shift at around 12:30 PM the following day). I initially thought that the mall will open late on a Black Saturday and was upset when I learned that it opened on the regular hour it operates. There goes the "waiting".

Anyway, when I learned that the movie "Thor" will be shown next week, I had to postpone my plan tomorrow (Easter Sunday) to watch a movie and dine out in a place where I haven't eaten. Oh well, since I'm not watching a movie this weekend and would probably stay at home downloading a bunch of stuff, I decided to dine out today, not in some place I haven't eaten but in a place that would provide a quick fix to my hunger pangs since it was past lunch after paying bills. The answer, KFC!

What a way to treat myself after a week of work. The KFC NBA Fully Loaded Meal is just right to fill me up and satisfy my hunger. I was lucky that there are not much of customers lined up at the counter when I came in. And since I'm solo today, I managed to finish everything up in less than 10 minutes. Boy I was hungry! The free NBA tumbler was a bonus, a perfect birthday gift for myself, granted I am a huge basketball fan.


The KFC NBA Fully Loaded Meal consists of the following:
1 Piece Chicken (Original or Hot and Spicy, this time, I tried Hot and Spicy and when they said Hot and Spicy, they mean it!); 1 Rice, 1 Fixin' (a choice of Mashed Potatoes, Chicken Macaroni Salad or Coleslaw), 1 bowl of Cream of Mushroom Soup and to sweeten the deal, a slice of Brownie! Of course, you have the free NBA tumbler with your drink of choice!

Thank you Lord for this blessing! Thank you for another year! I'll go to the movies to see the movie Thor after next Saturday's climb at Mt. Talamitam in Batangas (my return to the first mountain I climbed last November 2010, this time, it is a "Climb for a Cause").

Advance Happy Easter to all!

Thursday, April 21, 2011

Banat for the Day

Kapag mahal mo ang isang tao, sabihin mo sa kanya na mahal mo siya, kasi kahit anong tago pa gagawin mo, mahahalata pa din naman yun, huwag mo pahirapan ang sarili mo, malay mo, mahal ka din niya.

A Birthday to Remember - April 21, 2011

A birthday to remember. This is definitely one of the best birthdays I ever had. No fancy nothings. Just straightforward, acute, brief and concise. What do I mean? I don't need to explain, see for yourself:

This is my extended family from Rancho Cucamonga in California. They all did a nice job to greet me in a unique way (well, this is the first time I was greeted that way so it was unique for me!) I think I now know how I can propose to the future Mrs. Real but with a twist. :p

To be greeted in such a way on your birthday is very heartwarming. It made me feel special. Truth be told, I didn't want to be outdone and wanted to express my gratitude for everyone so, I responded similarly. Due to time constraint and limited resources, I had to be quick and creative. A few minutes later, I came up with a response to show how thankful I am for all the people who remembered this special day.

I can't find a place to take the picture so yeah, the stairs will do. The "Thank You" goes well as a response to the "Happy Birthday June" greeting just like what I said at the beginning - acute, brief and concise. They say a picture is worth a thousand words but isn't this better?

This entry is for all who remembered me this special day. To all who sent an e-mail, sent SMS, greeted me personally, greeted through IM/MOC, who called me via my cellphone, who dropped by my Facebook wall to greet, who sent a message in Facebook, who sent a PM via Facebook chat and for those who remembered but didn't have the time to greet (so what? you remembered and that's good enough for me)... Thank you very much for making this day a memorable one.

Today, two common questions were asked. What are your plans on your birthday and Who are you going to spend it with? And my response was the same for everyone - I would probably watch a movie on Easter Sunday, eat in a place that I haven't eaten before. (Sbarro would be nice) and the response to the second common question is - I would probably go out alone but seeing a movie and eating out with a special someone would be better!

The third common question was How old are you? and my response to that is Next question please. :)

It's nice to be happy... always.

Wednesday, April 20, 2011

Banat for the Day

Smiling is good for the heart, Laughing is good for the soul and Loving will keep you living, laughing, and smiling.

Monday, April 18, 2011

Life's Simple Joys

In photo: My niece in Singapore, MacKayla Grae

It's nice to enjoy life's simple joys. Just like MacKayla as pictured below.

MacKayla: Sarap ng tskokoyeyt!

Isn't she cute?

The Famous "Kung Fu Panda" pose - Claudia's Version

Lead Role: Claudia Velazquez
Accomplice: Mark Anthony Caingcoy

Who would have thought, Claudia still remembered the famous pose way back December 31, 2011. She would never leave AMDATEX without doing the famous pose with Mark.

Getting ready for Kung Fu Panda 2!

New Members for the Lebii Family

Sa wakas! Nakauwi na din ulit ako sa San Pedro, Laguna pagkatapos ng mahabang panahon (Mahaba talaga!, mga mahigit isang buwan siguro). Matagal-tagal na panahon na din ang lumipas. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang dalawang anghel na magkasunod na insinilang noong April 6 at April 7, 2011. Tig-isang picture lang ang nakuha ko sa mga baby, nagbasketball pa kasi kami ng mga kaibigan ko. Welcome to the family (nakikifamily na ako, tutal anak naman ang tawag sa akin ni Tita Violy!) mga inaanak!

This is LJ, hindi ko muna tinandaan ang pangalan, ang haba kasi. Inaanak #1.
Born last April 7, 2011

This is Chelsea Yuan. Mas madali tandaan ang pangalan. Inaanak #2.
Born last April 6, 2011 
 
Eto nga pala ang isa pang baby, new family member din! Napulot ka sa bahay nila, pakalat-kalat!

Welcome to the family! Love, Ninong Jay.

Sunday, April 17, 2011

Para sa mga One More Chance fans

Nakalkal ko itong dalawang pictures na pakalat-kalat sa Internet. Para sa inyo ito, mga One More Chance fans! Bawal ang pikon.

Ang maalamat na break-up scene, ilang minuto bago matapos ang pelikula.

Ang pamosong dinner conflict scene. Wala eh, ganun talaga katigas! Dito din napasikat ang mga linyang "Malaki ka lang pero hindi mo ako kayang patumbahin" Madaming Biogesic siguro ang nainom ni Popoy kaya niya nasabi ang mga katagang ito!

Inuulit ko po, bawal ang pikon. Katuwaan lang.
 

Joke of the Day

Boy: Babe, ikaw ang susi ng puso ko.
Girl: Ows? Eh sino yung kasama mo kahapon?
Boy: Duplicate. . . hehehe. . .
-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Rated PG (Patay-Gutom)

April 15, 2011
Puregold Las Piñas Branch
Accomplices: Cinderella Santos and Analaine Ogayon

Pagkagaling sa trabaho, diretso na agad sa Puregold Las Piñas. Ang unang biruan ay natuloy na. Desidido na ang mga kasama ko na kumain ng pizza. Hindi na talaga mapipigilan. Wala na din akong nagawa kung hindi sumama sa dalawang ito.

Tamang-tama, dahil sa traffic sa Alabang-Zapote Road (Salamat Maynilad! Kailan ba talaga dadaloy ang ginhawa?), ang biyahe mula sa may office namin ay inabot ng halos 45 minutes. Tamang-tama lang sa pagbubukas ng uregold. Mga pasado alas-otso na kami umalis, mga 5 minutes before magbukas ang Puregold naman ang dating namin.

At dahil parang pinaglaruan ng tadhana, may promo ang Lotsa Pizza, dalawang medium na pizza at 1.5 na Coke for only 269 pesos. Eto na kaagad ang pinili naming tatlo. Habang hinihintay na maluto ang order, grocery muna.

Pagkatapos ng grocery, wala na Rated PG na.

Pizza number one!

Pizza number two!

Attack Mode!

Career Mode!

Aning Mode!
Hindi na ako nakakuha ng picture ng mga kasama ko. Pero pagkatapos ng pizza attack, hindi pa nakuntento ang mga kasama ko. Naghanap ng Shawarma, buti na lang wala pa, hilaw pa. Pero, ang hindi ko alam, nakakuha pala ng ginataang munggo at lumpiang toge si Chindy. Rated PG na naman. Si Analaine, bumanat na din ng lumpiang toge. Magpapatalo ba ako? Syempre hindi! Eto naman ang second wave ko:

Kids can tell! Syempre sa Purefoods Tender Juicy Hotdog na ako!

Shot muna bago ngatngatin ang hotdog sandwich!

Ang maalamat na Lumpiang Toge immersed in magical suka!
Natapos ang foodtrip, sa wakas nabusog na kami. Mabuti pa ang biglaang plano, natutuloy, eh yung matagal na nasa plano at naka schedule, nauudlot pa. Sana madami pang mga unplanned foodtrip.

Banat fo the Day

In life, there is really no such thing as a "wrong love", nagiging mali lang ito depende sa pagkakataon, sitwasyon at ng taong pag-uukuan nito. Minsan, sadyang mapagbiro ang tadhana... hindi natin maaaring planuhin kung kailan tayo magmamahal, hindi natin maaaring piliin kung sino ang ating iibigin, kung sino pa ang dapat na hindi mahalin, siya pa ang pilit na itinitibok ng puso. Ano mang pag-iiwas, lalo lang nag-uumapaw ang pagnanais ng damdamin. At kung sa huli, sakali mang magbiro uli sa atin ang tadhana, sana umayon na sa atin ang pagkakataon.

Wednesday, April 13, 2011

45 Tips for a Happier, Simpler and More Productive Life

Written by Alex Blackwell

Every now and then we need a nudge, a little extra help. Life can be challenging and sometimes it can test our resolve, determination and faith. When life surprises us with a pop-quiz, it’s good to know where we can find some of the answers.

The following 45 tips are by no means a comprehensive list, but rather a cheat-sheet of sorts to keep some of the most basic answers in front of us.

1. Notice what’s right in your life
Some see the glass as being half-full while others see the glass as half-empty. This expression goes straight to the heart of the power of positive thinking and taking the time to notice what’s working – and then doing more of it!

2. Be grateful
How many times do you say the words “thank you,” in a day? How many times do you hear these same words? If you are doing the first thing, saying “thank you”, the latter will naturally happen.
 
3. Remember the kid you were
As adults, we sometimes forget how to play, how to relax, or just how to be a kid again. We succumb to expectations we think are imposed on us. This keeps us from feeling the joy and happiness of just cutting loose and playing.
Playing like a kid is fun. :)

4. Be kind
There is no question by merely watching acts of kindness creates a significant elevation in our moods and increases the desire for us to perform good deeds as well. Kindness is indeed contagious and when we make a commitment to be kind to ourselves and to others we can experience new heights of joy, happiness and enthusiasm for our lives.

5. Spend time with your friends
Although an abundant social and romantic life does not itself guarantee happiness, it does have a huge impact on our happiness. Learn to make the friendships a priority in your life.
I miss these guys.

6. Savor every moment
To be in the moment is to live in the moment. Too often we are thinking ahead or looking ahead to the next event or circumstance in our lives, not appreciating the “here and now.” When we savor every moment, we are savoring the happiness in our lives.

7. Rest
Take the time to unwind, decompress, or to put it simply, just “to chill.” Life comes at us hard and fast. Fatigue, stress and exhaustion may begin to settle in on us faster than we may think, or notice. The best remedy for this is rest.

8. Put on a happy face
Sometimes we have to fake it until we make it. I’m not suggesting we not be honest, real or authentic, but I’m suggesting, sometimes, we just need to put on a happy face and keep moving forward. Researchers claim that smiling and looking like we are happy will make us happier. Studies further show if we act like we are happy then we can experience greater joy and happiness in our lives.

9. Move!
The expression a “runner’s high” does not infer an addiction, but a feeling or a state of mind – a state of euphoria. There is no question exercise, or any physical exertion, elevates your mood and enhances a more positive attitude as well as fosters better personal self-esteem and confidence.

10. Pursue your goals
The absence of goals in our lives, or more specifically avoiding to pursue our goals, makes us feel like we are stuck and ineffective. The pursuit of goals in our personal lives, with our relationships, or at work, with our careers, is the difference between a mediocre life or a life full of passion and enthusiasm.

11. Finding your calling
Some find meaning in religion or spirituality while others find purpose in their work or relationships. Finding your calling may be much more than accomplishing one simple strategy for increasing your happiness, but having a sense of purpose – of feeling like you are here for a reason – can perhaps bring the greatest happiness of all.

12. Get into the flow
Flow is the form of joy, excitement and happiness that occurs when we are so absorbed in an activity we love that we can loose ourselves and time seems to stand still. What creates flow is unique to each one of us.

13. Play to your strengths
One way to achieve flow is by understanding and identifying our strengths and core values, and then begin to use these every day. Once we aware of our strengths and we begin to play to our strengths, we can better incorporate them in all aspects of our lives.

14. Don’t overdo it
Know when to say when. What gives you joy and happiness the first time may not work the second time. Too much of a good thing may begin not to feel as good if the “thing” becomes more of a routine, or an expectation. Set healthy and reasonable boundaries for yourself and don’t overdo it.

15. Forget regret
Leave your mistakes and regret in the past. They don’t define your value, then or now. When you stay in the past you become stuck and unable to move forward. We all have made mistakes with our job choices, friends and relationships. The consequences can hit us pretty hard. However, to begin learning how to put these experiences behind us – by letting them go, we can begin to live in the here and now.

16. Learn from failure
Learning from failure and having regret are two separate things. Regret is an emotion; a feeling of disappointment along with a modest amount of shame or guilt. But to look back at a circumstance and figure out what went wrong gives you some very important information.

17. Ask for help
You are not alone. It may feel that way sometimes, but there are many people who would extend their hand and lift you up if asked. All you have to do is ask. Often times we are afraid to ask because we don’t believe we are worthy to receive the help. Think about this: we are surrounded by millions and millions of people by design – for a purpose.

18. Believe you are worthy
Whatever your goal, your dream, or your desire, you are worthy of achieving it. The closer you get to it is when the enemy of your soul will begin putting doubt in your mind. Replace doubt with the truth – you are worthy to have your heart’s true desire.

19. Take 100% responsibility
Except in rare and unfortunate circumstances, you are responsible for the quality and condition of your life. Your career, your relationships and your happiness are all under your direct control. Avoid finger-pointing and embrace the control you have in your life.

20. Know what you want
Understanding what and where you want to go in life will provide you with a vision and an insatiable spirit for the journey. Here’s a simple way to figure out what you want: Take a sheet a paper and write down all of the things you want in life. The one that jumps off the page and causes you to cry is what you want most. Honor this one and nurture it. And if you allow, it will take you to where you go.

21. Trust
There are no accidents without value. When you get hit hard and land on your back, look for the reasons and for the value in this. Open your heart and trust this happened for a reason.

22. Keep the faith
At the end of the day when you are weary from all of the effort and energy you have expended and you are sore and tired from being hit hard so many times, but the dream is not realized, the one thing that tells you to keep going; to get up tomorrow and to keep moving forward, is your faith.
 
23. Get in touch with your life
Get in touch with the areas in your life you would like to change and have more success. Don’t try to boil the ocean in a short period of time. Rather, consider three “quick wins” in the next several months that will help you with creating new habits and will build the foundation to support longer term success.

24. Make a list
Write down the three things you want to do differently in the next few months, things you are not doing now, but would like to begin to do that will give you a greater sense of success, accomplishment and purpose in your life.
Bucket list

25. Perform new actions
Performing new actions will lead to creating new habits. Be aware of the habits you want to learn to change. Also be aware that the bad habits may interfere with your progress. Acknowledge these bad habits and don’t give them the power to keep you from moving forward.

26. Share
There seems to be a higher sense of accountability when things are shared. Tell your partner or best friend what you want accomplish and by when. Sharing also gives you a safer venue to discuss your fears and concerns.

27. Communicate in your marriage or relationship
Good marriages and relationships depend on expressing your thoughts and emotions to each other, of speaking and being heard. If not, everything else will live on shaky ground. In order to have a successful relationship you have to make yourself an expert in communicating with your partner.

28. Learn to resolve conflicts in your marriage or relationship
If your partner simply wants something different from you or does something differently from you, it doesn’t mean that your partner is wrong – it just means your spouse has different preferences, life experiences and point of view. Celebrate these differences. Chances are very good it is these very differences that made you fall in love with this person in the first place.

29. Maintain a commitment to your marriage or relationship
This can be especially difficult today with all of the distractions of our daily lives, but it’s important that you put your relationship first. If you’re committed to making it a success, and you know that your partner shares your commitment, there’s nothing the two of you can’t accomplish.

30. Get healthy
We spend hundreds and thousands of dollars a year on things that make us sick and lead to all sorts of other costs. So kick that smoking habit, go out drinking two nights a week instead of four, or ride your bike to work.

31. Smarter Saving and Spending: Buy Homegrown
Local craftsmen, farmers, and retailers offer unique items at prices that don’t include shipping and handling charges, which have increased exponentially of late due to the sky-rocketing cost of fuel.

32. Smarter Saving and Spending: Buy Used
Used clothes can be passed off as vintage, so why the stigma on other previously owned items? Most used items are perfectly functional and many have developed an endearing and priceless layer of character.

33. Smarter Saving and Spending: Don’t Buy Extended Warranties
If you’re buying that new laptop or plasma television, use your major credit card and it will likely lengthen the warranty just as far as the plan that will cost you hundreds of extra dollars at.

34. Stop doing what’s not working in your life
Comfort can be your biggest obstacle to growth and happiness. Take an honest look at your own life. Are you doing things you know don’t work; but you keep doing them nonetheless because either you are too scared to try something new or you don’t know any other way?

35. Try on things you’ve never done before to see if they work
In order to find the success and happiness you are looking for in life, you must be willing to take risks. Perhaps the most challenging oxymoron in life is in order to build self-confidence, you must first take risks.

36. Exercise to help you discover your source of strength
Exercise is indeed a good venue to discover your source of strength and character. It builds confidence and instills a spirit that better connects your mind to your body. It helps you appreciate the value of goal setting and ultimately goal attainment. It creates better life balance. Simply put, exercise helps you feel better about yourself.

37. Listen to your body
There is a direct connection between our physical and mental health. When we are fatigued our thinking is not as sharp and our confidence wanes. But when we are rested and full of energy, our actions are more deliberate and our results are more significant. Listen to your body – it will tell you what you need.

38. Slow down and do nothing
Take about 15 minutes each day and grab a cup of coffee or tea and give yourself time to think about whatever it is you want to think about. You will be surprised at the inspiration that will come to you.

39. Complete one item of your “to do” list each day
Return the overdue telephone call, clean-up your email inbox, or get an oil change for you car. By accomplishing just one thing that has been gnawing at you, will give you a much-needed sense of relief and accomplishment.

40. Perform one act of random kindness daily
Hold the elevator door open for someone who is a few steps behind you or lift the bag and place it in the overhead bind on the airplane for someone who can’t manage this task. Kindness breeds more kindness. The concept of “paying it forward” is real and effective.

41. Review your goals
If you have not put your goals in writing, do this today. There is a direct and proven correlation between people who have written, stated goals and their level of accomplishment compared to people who do not.

42. Listen, really listen, when someone is speaking to you
Listen without judgments or criticism. Try to avoid any self-referencing and be fully present for whoever needs it.

43. Say “I Love You…”
Tell the people who you truly love and cherish this every day. Do so with heart-felt sincerity. Love them as if this were their, and your, last day on earth. Don’t wait; tell them today because there is no day but today.
I love you baby!

44. Practice forgiveness
The purpose of giving forgiveness is not to let the other person off the work, but to free you of the baggage associated with the event. When you refuse to forgive, you remain stuck in that place. With forgiveness you can begin the process of moving forward with your life.

45. Give yourself grace and mercy
We all make mistakes – always have and always will. Perhaps no one is harder on you, than you. Give yourself grace for your sins and mistakes. These don’t define your value or purpose in life. Focus on what you can today, right now, to begin feeling more comfortable in your own skin. You are worthy to receive the good fortunes of life and you are more than enough.

Disclaimer: This  entry is a repost. Saw this post while browsing the other day. Credit should go to this person, just wanted to share.



Monday, April 11, 2011

Ang Sarap Talagang Magmahal

Ang sarap talagang magmahal. Pero nakakatuwa ang "pagmamahalan" ng mga bata. Sa bagong commercial ng McDonald's lubos na nailarawan kung paano magmahal ang mga bata. Sabi nga sa english:

"Happiness is more important than pride."

Tingnan ang mga key scenes sa bagong commercial na nabanggit:


Sarap magmahal :)

Sana, ang mga adults, hindi din masyadong magulo kapag nagmahal, dapat straightforward lang, simple, yung iba kasi ang dami pang kondisyon kaya tuloy minsan sa isang relationship, mayroon talagang magsasacrifice, ang tanong, kailangan ba palaging magsacrifice yung isa? Hindi ba dapat give and take?

Bahala na nga. Gusto ko lang naman ng McDo fries. :P


Attending GMA Kapuso Fun Run

April 10, 2011
SM Mall of Asia, Seaside Boulevard
Assembly Time: 5:00 am
Race Time: 6:00 am

Ang mga kasama ko:
John Paul Lipardo
Sophia Dela Rama
Jacklyn Basto

Maaga kaming umalis, mga 4:00 am. Ang goal namin ay dapat nasa Mall of Asia na ng mga 5:00 am para may warm up pa pero medyo nahirapan na kumuha ng jeep papuntang Baclaran, mabuti na lang mablis ang biyahe. Nag-Taxi na kami papuntang Seaside Boulevard. Madami nang tao nung makarating kami sa venue pero ayos lang, nakakita kami ng isang magandang spot para magbihis.

Mga picture papuntang Mall of Asia:

Sa jeep papuntang Baclaran - "Mahangin ba sa labas?"
 
Sa jeep papuntang Baclaran, syempre kami din

Sa taxi papuntang Mall of Asia "Mga mukhang walang tulog"

So, ayun na nga, nakakuha na kami ng spot, naghanda sa isusuot, inayos ang mga dapat ayusin tapos kaunting photo shoot. Ang mga hard evidence:

Getting ready for the race

Yung isa sa gitna, pose ng pose, wala pang race bib, tapos sinabing "nawawala" daw, kandahanap tuloy sila, ang ending, nasa bag lang pala, amfefe

Nahanap na! Isuot na kasi ng maaga para hindi mawala!

Next stop - deposit ng mga bag! Madaming tao na nakapila, kaya naman magulo. Isa ito sa mga hindi organized na stations kaya naman ang gulo, hindi maintindihan ang pila. Pero sa bandang huli, naideposito naman ng maayos. Syempre, habang nakapila, picture taking muna.

Habang mga nakapila sa 5K baggage counter

Ako sa 3K naman pumila

Sa wakas! Maidedeposito ko na ang bag ko!

Si ate habang naghahandang kunin ang mga bag namin.

Mga maagang nakapag-deposit ng bag

More pictures, more fun ~.~

Stolen shot kunwari

Okay na! Sunod, naghanap naman kami ng CR. Dahil nga madaming tao (mga 5,000 daw ang sabi), natural lang na may pila sa CR. Ayun na nga ang nangyari, pila talaga. Box office na maituturing.

Habang naka-pila sa Female CR

Picture pa!

Dapat mayroon din ako!

Pati sa kanya, dapat mayroon din ako!

At nakapasok na din sa CR, after so may long waiting :p

Oo nga pala, pagkatapos mag-CR at bago maghiwalay ng landas, isang photo-op muna with none other than Ms. Anabelle Rama!
 
Ms. Anabelle Rama together with her two new discoveries, Sophie and Jackie!

Game na! Tapos na mag CR. Wala nga lang warm up. Dahil ako lang ang 3K, nahiwalay na ako sa tatlo. Ayun na nga, nagsalita na si Richard Gutierrez at Iza Calzado para promal na simulan ang event. Pasasalamat dito, pasasalamat doon, paliwanag dito, paliwanag doon. Gusto na naming tumakbo! Pero, hindi papayag si Elma Muros na magsimula kung walang warm-up! Sige, ikaw na ang nasa siksikan tapos papagawain ng jumping jack in place! Nagkakatamaan lang eh! Sa madaling sabi, nasimulan na din. Ang sequence: Mauunang tumakbo ang 10K, sunod ang 5K at huli ang 3K. Mga shots bago magsimula ang takbuhan:

Dito ako sa pen ng 3K

Ang mga 3K runners

Sa susunod nga may balloon din dapat ako na nakakabit sa akin parang ayun oh! si Spongebob

Magsisimula na!

John Paul and the famous Back-Pedal move


Halika, habulin mo ako

Hindi na baleng maiwan, may picture naman
 
Seryoso na!

Nagsimula na nga! Noong una pa nga, dahil madami, hindi agad takbo kasi congested ang kalsada, feeling human traffic. Nang lumaon na, yung iba, nakapag-pacing na kaya kita na kung sino ang una at mabilis. Karamihan ng mga kasabay ko, power walking na ang ginawa siguro sa kadahilanang wala talagang warm-up kaya mas lamang tang lakad kaysa sa takbo.

Nakarating ako sa unang water station. Maraming salamat nga pala sa aming sponsor - Pure Water. Eto ang eksena sa unang water station:

Nauuhaw na kami! Yan ang battlecry ng mga runners sa unang water station.

Uminom ako, tapos itinuloy na ang takbo. Habang tumatagal, umiingay ang mga runners. Yun pala, inabutan na ako ni Richard! Gamit ang kanyang mahiwagang barbell, nakuha niyang maabutan ang ibang 3k runners kasama ang mga "Hawi Boys". Napilitan tuloy akong bilisan ang takbo ko, para may picture si Captain Barbell na ipapakita ko sa mga kasama ko. Eto si Captain Barbell in running form:

Yung naka-pula sa harap niya, isa sa mga "Hawi Boys", mabuti na lang at nakasabay ako sa takbo niya. Naka-isang shot ako. Mabilis din tumakbo si Captain Barbell. Ang lalaki ng hakbang.

Eto nga pala ang isa sa mga "epal" na "Hawi Boys" a/k/a Marshalls na pilit kaming pinalalayo sa stage habang may awarding ceremony.

One word - "EPAL" :)

Nalampasan na ako ni Richard, pero tuloy lang ako. Hanggang sa makarating na ako sa checkpoint na malapit sa Finish Line. Picture muna habang humirit ng pahinga. Malapit na matapos eh.

Wooohooo! Malapit na!

Kaunti na lang!

At natapos ko na din ang 3K run. Pagod, masakit ang paa at binti. Pero okay lang. It's for a worthy cause naman. Habang nakapila ako sa may finish line, naglaro sa isip ko, mukhang mawiwili ako dito, lalo na kung may kasama. Nagdecide na ako agad. Sasama ulit ako kapag mayroon akong nabalitaan na mga Fun Runs. Ilang shots habang nakapila sa may finish line:

Yung blue na tali na naka-kwintas sa akin, yan ang evidence na nakadaan ka na sa turning point

Finish Line na!

Pagkatapos matawid ang finish line, pila sa booth para makuha ang certificate of participation, balik sa baggage counter para kunin naman ang mga bags namin. Dahil nga hiwalay ang tinakbuhan, sa may seaside na kami nagkita-kita. Pahinga ng kaunti pagkatapos, picture taking na! Ang mga kuha ng mga pagod sa ibaba:

After crosing the finish line, yung isa sa tatlo, nanginginig pa, bahala na kayo manghula kung sino yung batang yun!

With John Paul

Suot kaagad ang giveaway na waist bag

Shutter effect

Pa-tired effect

Parang hindi napagod

Sa may batuhan nakaupo

Mukhang nakaracover na sa pagod

Pa-cute yung dalawa

Sabretooth ikaw ba yan?

Model ng WOW Mali!
 
Sinolo yung shot

With the Certificate of Participation

Sumilip muna kami sa awarding ceremony. Ang mga kuha:



Sumunod naman ay ang paghahanap ng makakainan. Ang napili namin - Tokyo! Tokyo! Sinulit namin ang unlimited rice (para sa akin sulit na yun). Ang mga kuha sa loob ng Tokyo! Tokyo!

Rice consumed in order:
Jacklyn (5K) - 2.5 cups of rice plus 1 potato ball
Sophia (5K) - 3 cups of rice plus 2 potato balls
John Paul (5K) - 3 cups of rice plus 1 potato ball
June (3K) - 6 cups of rice plus 1 potato ball

Habang naghihintay ng order.

Dumating na ang unang batch ng order.

Promo shot with John Paul

I am Number 21

Sayang malabo ang kuha. Hindi ko alam kung bakit!

Eto yung kay Sophie

After pigging out!

Habang nagpapahinga

Sige pa, isa pa

"Thank you for coming to Tokyo! Tokyo! Balik po sila!"

Kailangan naming ilakad ang aming kabusigan, kaya naman libot dito, libot doon. May dalawa kaming major na dadaanan, ang Casio Service Center para kay John Paul at ang Department Store para sa tsinelas ni Jackie (naiwan kasi). Iba't-ibang shots habang nkami ay nag stroll sa mall:

Agaw eksena

Cute ng unggoy!

Kahit paakyat sige pa din ang pakiuha ng picture

Habang hinihintay na magbihis si Jackie

Ang maalamat na Winnie The Pooh stuffed toy na muntik na naming makuha. Malungkot yung isang bata na kasama namin. Sayang bente pesos. Reklamo ko, kulang yung fifteen seconds.

Okay na! Nakabili ng tsinelas, tapos nadala na sa service center ng Casio ang relo ni John Paul, ang problema, 1:30 pm pa daw babalikan. 11:30 pm pa lang nung nadala namin sa service center. Ang ending? Palipas-oras sa Chowking para sa Halo-Halo! Ang mga memories habang nagsusunog ng oras:

While waiting for the Halo-Halo

I am Number 44 naman ngayon

Hindi maka move-on, kailangan itabi yung race number niya

Nag text ang butihing ina ng batang yan, mga alas-dose na ng tanghali, at ang tanong: "Anak, tumatakbo ka pa ba?" Hinahanap na daw kasi ng ate niya.

Sa wakas! Dumating na!

Top View

Side view

Attack mode!

Pagkatapos ng Halo-Halo, pahinga ng kaunti. May celebrity appearance pa sa Chowking si Wilma Doesnt. Doon nagmerienda si Wilma. Lakad pa kami, pasok sa kung saan-saang shops, sports house at boutiques. Hindi pa nga kami magkatalo dahil gusto pa nilang manood ng sine. Ang ending, hindi na nakanood ng sine. Kinuha na lang yung relo sa service center at lumayas na pauwi. Dapat FX kami kaya lang ang tagal mapuno, kaya balik kami sa original route, Baclaran tapos bus papuntang SM Southmall.

Nakauwi kami ng maayos, hindi masyadong traffic kaya mabilis ang biyahe. Sasali ulit kami sa susunod.

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)