Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Monday, December 27, 2010

Falling in Love

Meeting you was FATE, becoming your friend was a CHOICE, falling in love with you was BEYOND MY CONTROL.

Friday, December 24, 2010

BIBLE VERSES

You say: "I can’t do it"
God says: "You can do all things" (Philippians 4:13)

You say: "It’s not worth it"
God says: "It will be worth it" (Romans 8:28)

You say: "I’m too tired"
God says: "I will give you rest" (Matthew 11:28-30)

You say: "Nobody really loves me"
God says: "I Love You" (John 3:16 & John 3:34)

Good friends are hard to find, harder to leave, and impossible to forget.
Don’t be ashamed to say THANK YOU and I LOVE YOU, before its too late.

Believe God is there just for you…
You never know who may be in need….
Spread God’s love to all everyday…Smile…God is with you…
Love unconditionally


Boy and Girl

Girl: Do I ever cross your mind?
Boy : No

Girl: Do you like me?
Boy: Not really

Girl: Do you want me?
Boy: No

Girl: Would you cry if I leave?
Boy : No

Girl: Would you live for me?
Boy: No

Girl: Would you do anything for me?
Boy: No

Girl: Choose–me or your life
Boy: my life

The girl runs away in shock and pain and the boy runs after her and says…

The reason why you never cross my mind is because you’re always on my mind.
The reason why I don’t like you is because I love you.
The reason why I don’t want you is because I need you.
The reason why I wouldn’t cry if you leave is because I would die if you leave.
The reason why I wouldn’t live for you is because I would die for you.
The reason why I’m not willing to do anything for you is because I would do everything for you.
The reason why I chose my life is because you ARE my life.

-sweet!

Don’t Quit

One day I decided to quit…I quit my job, my relationship, my Spirituality… I wanted to quit my life. I went to the woods to have one last talk with God. "God", I said. "Can you give me one good reason not to quit?" His answer surprised me…

"Look around", He said. "Do you see the fern and the bamboo?"

"Yes", I replied.

"When I planted the fern and the bamboo seeds, I took very good care of them. I gave them light. I gave them water. The fern quickly grew from the earth. Its brilliant green covered the floor. Yet nothing came from the bamboo seed. But I did not quit on the bamboo. In the second year the Fern grew more vibrant and plentiful. And again, nothing came from the bamboo seed. But I did not quit on the bamboo." He said.

"In year three there was still nothing from the bamboo seed. But I would not quit. In year four, again, there was nothing from the bamboo seed. I would not quit." He said.

"Then in the fifth year a tiny sprout emerged from the earth.
Compared to the fern it was seemingly small and insignificant… But just 6 months later the bamboo rose to over 100 feet tall. It had spent the five years growing roots. Those roots made it strong and gave it what it needed to survive. I would not give any of my creations a challenge it could not handle." He said to me.

"Did you know, my child, that all this time you have been struggling, you have actually been growing roots?"

"I would not quit on the bamboo. I will never quit on you."

"Don’t compare yourself to others." He said. "The bamboo had a different purpose than the fern. Yet they both make the forest beautiful."

"Your time will come", God said to me. "You will rise high"

"How high should I rise?" I asked.

"How high will the bamboo rise?" He asked in return.

"As high as it can?" I questioned

"Yes." He said, "Give me glory by rising as high as you can."

I left the forest and bring back this story. I hope these words can help you see that God will never give up on you.

Author unknown

Monday, December 20, 2010

December Wedding

December 18, 2010, pagkatapos ng shift sa trabaho.
Location: Antipolo Church, Antipolo City

Ako at ang ilang piling mga kasamahan sa trabaho ay naimbitahan na dumalo sa isang kasal, isang linggo bago ang araw ng Pasko. Noong una, parang walang mga balak na dumalo ang mga katrabaho ko. Mabuti na lang at two weeks before ng kasal, nagkaroon kami ng concrete na gameplan upang makadalo sa kasal ng aming supervisor, si Ma'am Bernadette ng Antipolo^^

Unang nabuo ang listahan ng mga sasama, may sigurado na dadalo, may tentative at may "it depends on the situation". Kaya naman ang unang plano ay TAXI paakyat sa Antipolo, hati-hati sa pamasahe. Ang plano naman sa pangregalo, hati-hati din, may amount na naka-set. Yung ibang hindi sasama, mag-aambag na lang daw para sa regalo.

Ang ending, labindalawang tao sa iang L300 Van - laban na!

Masaya ang naging biyahe namin on the way, madaming topic na na cover - BONUS ngayong December at ang false rumor na may BONUS na daw. Mga relasyon, sino ang susunod na ikakasal, current events at kung ano - ano pa na maisisingit para maging mas masaya ang biyahe.

8:30 am kami umalis sa trabaho (bago yun, nagkaroon muna kami ng short meal sharing kasama ang team ko - pizza, spaghetti saka maja masaya naman sana ang lahat kahit sa kaunting oras na nagkasalo-salo kami), 10:00 am kami nakarating sa Antipolo. Mabangis ang nakuha namin na driver - maabilidad, partida pa yan, may hinintay pa kami sa Pateros ng may 10-15 minutes, nagpahangin ng gulong at nagpagasolina pa.

Dahil maaga kami nakarating, nakapaglibot na kami sa simbahan, nakapag-McDo pa saglit (pero sa KFC naka-park yung van), laman tiyan bago sa reception^^ 11:00 am na ng nagsimula ang kasal at natapos ng 12:00 pm, pero syemps, may photoshoot pa (with family and friends for the memories) kaya more or less mga 12:30 pm or 12:45 pm na kami naka-alis ng simbahan.

Mga eksena sa loob at labas ng simbahan:

Habang naghihintay na kami naman ang makasama sa photoshoot ng bagong kasal

Habang naghihintay (pa rin) na kami naman ang makasama sa photoshoot ng bagong kasal

Wala kaming pakialam, tinatawag na kasi ang mga "friends" para sa photo-op kasama ang bagong kasal pero wala pa din, kami daw muna mag photo-op ng sarili namin with our beloved MT bago pumunta sa may altar (pasaway)^^

Eto na! Friends with the newlyweds.

Eto pa! Friends with the newlyweds.Wacky shot pero low-batt na. Pinaka wacky na yan.

Ang bagong kasal - sa may pintuan ng simbahan habang sinasabuyan ng mga flower petals

Isang pamatay na pose muna bago tumuloy sa reception^^

Syemps, magpapahuli ba ang mga taga-ADEC? Isang pamatay na pose din with MT, mga todo ang smile pero deep inside, mga gutom na (umabot na nga sa point na nag-meeting na kami kasi gusto na nga na mauna sa reception), behind the smiles is the hunger that lurks from within

At hanggang sa Antipolo, binigyan kami ng "sign" - isang kahon na may tatak na NFC. Ito na ba ang hinihintay naming lahat sa trabaho?

Ayos! Sa reception naman ang punta. "Babawiin" daw namin  (may pagbabanta pa eh) ang pagdalo sa kasal sa pamamagitan ng pagkain ng sulit sa reception^^ Maganda ang naging pwesto namin, malapit sa buffet. 

Eto pala ang binanatan namin sa reception. Matira ang matibay!

Eto pa, para akong bantay-salakay sa may buffet table, nagnakaw kasi ng picture ng handa^^

Eto naman ang kinalabasan ng plato ko pagkatapos naming pumila, lagot na kelangan sunugin sa gym pagbaba ng Manila, iba talaga pag december, parang may sumpa na madagdagdagan ang timbang mo (badtrip yung taga-sandok ng carbonara, dinumihan yung plato ko, pipivturan ko nga eh^^)

Dalawa ang buffet table, dalawa din ang pila. Nakabuo tuloy kami ng plano, pagkaubos ng unang plato - pila naman sa pangalawang buffet table^^ para daw sulit na sulit ang akyat sa Antipolo. Magandang plano, pero hindi gumana. Nabusog na kami eh. Mabigat na sa tiyan ang nakain namin tapos wantusawa pa ang iced tea.

Yan ang totoong BOTTOMLESS! Free-flowing ang iced tea, isasahod mo na lang ang baso mo. Mahusay ang nakaisip nito, natuwa ako^^ Sana may ganito din sa opisina, ay meron nga pala, hindi nga lang free-flowing pero bottomless pa din naman (mineral water - HAHA)

Habang kumakain, may program at may photobooth! Nagiging magandang source of income na itong uri ng raket ah! Parang gusto ko din na magkaroon. Syempre, hindi kami papayag na walang pictures sa reception. Ginawa naming photobooth ang reception area, na makikita ninyo sa mga susunod na larawan.

Photobooth muna:

Iba talaga kapag busog na ~.~

Iba talaga kapag busog na ~.~

Photo Wall naman (sariling photo wall ng mga taga - ADEC sa reception):

Velasco Brothers Antipolo tour 2010 (with muse)

Promotional poster ng 2010 Entry sa Metro Manila Film Festival - Ang Tanging Ina (Last Na 'to)

May sarili kaming photo wall sa reception.

Syemps, bago lumabas ng reception area, isang wacky shot muna kasama ang bagong kasal (wacky na yan, mga puyat kasi galing sa trabaho, mga low-batt na ang karamihan).

Pagkatapos ng reception, hindi kami papayag na walang picture, this time, sa labas naman ng reception area. Sulitin ang moment!

Makikita dito na ayaw talaga namin na magpapicture, nadala lang siguro ng moment

Isa pa daw, one for the road.

May humirit pa, alangan ba naman na hindi namin pagbigyan? Syemps, pose ulit!

Masaya kaming nakauwi (ako nagpaiwan - dumaan kay lola sa Robinson Homes, isang sakay lang galing reception.), pagod pero sulit. Tumatak sa isip ko ang sinabi ng groom - TIME. Ito daw ang pinakamagandang regalo na natanggap nilang bagong kasal. Dahil nga may kalayuan daw, lubos lubos ang pasasalamat nila sa mga dumalo at nakisaya sa iang hindi malilimutang araw sa buhay nilang dalawa. Ako naman ay natuwa, ang grupo namin, kasama ang iba pang dumalo ay naibigay ang masasabi kong pinaka importanteng gift sa araw na iyon - ang aming oras at ang aming presence.

Matagal na din na huli akong nakadalo sa isang kasalan, 13 years old ako nang huli akong nakadalo sa ganitong kasiyahan, that time wala akong pakialam sa ceremony at program, sabihin na natin na nandoon ako kasi kamag-anak ko ang ikakasal. Pero ngayon, iba na ang pananaw ko. Sa pagdalo sa kasal na ito, hindi nawala ang paniniwala ko na ang pagpapakasal ay buhay pa din sa puso nag mga TUNAY na nagmamahalan. Karamihan kasi ay mga naglive-in lang at magpapakasal lamang (sa huwes pa minsan) kung nabuntis ang babae.

Habang ako ay papauwi ng Manila, napapaisip na tuloy ako, kung ano ang magiging itsura ng kasal ko (kung may papatol HAHA).

Disclaimer: Ang mga picture na ginamit ko sa blog entry na ito ay hindi sa akin, ito ay kuha sa mga album sa facebook ng mga katrabaho ko, pasensiya na po, walang DigiCam, palpak sa cellphone ko yung ibang kuha. Maraming salamat sa mga nakuhaan ko ng pictures.

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)