Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Sunday, September 26, 2010

Tagalog Terms That You Should Know

BAKTOL - ang ikatlong level ng mabahong amoy sa kili-kili, ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas, ito ay dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis, madalas maamoy tuwing registration, sa elevator, sa LRT/MRT o kaya sa FX.

KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs, madalas namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari din na mamuo kung hindi talaga naliligo or naghihilod ang isang babae. Ang kukurikapu ay madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang dyoga.

MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwana gkung bakit nagkakaroon ng mulmul ang isang nunal. Subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lang kung ipapa-laser ito.

BURNIK - taeng sumabit sa buhok ng puwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ang burnik ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may burnik na maligo na lamang upang ito ay maalis.

ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikita sa mga tindero ng yosi sa Quiapo. Ito ay may makipot na suotan sa paa at manipis na swelas. Mistulang sandalyas ng babae pero kadalasag suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, black at iba pa. Minsan may beads pa nga, marami nito sa Pateros at Marikina.

BAKOKANG - higanteng peklat. Ito ay madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo, imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito ay mayroong makintab na takip.

AGIHAP - libag na dumudikit sa panty o brief. Nabubuo ang agihap kung ang panty o brief ay suot-suot ng hindi bababa sa tatlong araw.

DUKIT - ito ay amoy na nakukuha kung isinasabit o ipinasok mo ang daliri sa iyong puwet o sa puwet ng iba. Try to prove it - it's dukit!

SPONGKLONG - isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.

LAPONGGA - ito ay kahalintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.

WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Mayroon din ang mga babae nito.

BAKTUNG - pinaikling "bakat-utong".

BAKTI - bakat panty.

ASOGUE - buhok sa kili-kili.

BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa puwet kapag nalaglag ang isang malaki o maliit na matigas na ebak.

BUTUYTUY - etits ng bata.

McARTHUR- taeng bumabalik after mong i-flush. "I shall return!"

KUNTIL - sobrang balat o laman na hindi mo naman kailangan na tumutubo madalas sa tenga.

Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".

Ito ang panahon natin - noon. Kabilang ka ba dito?

Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng isang artista, hindi ka tatawaging JOLOGS.Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millenium. Hindi na high-tech pero hindi naman old-fasioned. Saktong-sakto lang! Ito ang panahon natin. Pero paano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?

Narito ang listahan na makakapagpatunay if you are one of us.

  • Paborito mong panoorin ang Shaider, Bioman, Maskman, Masked Rider Black, Machine Man at kung anu-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas-singko na ng hapon tuwing sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.
  • Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (Isang kending lasang champoy)
  • Nanonood ka ng Takeshi's Castle at naniniwala ka na si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto naman ang kanyang alalay. (Pinag-iisipan mo - paano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bump car at nagbabrilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan yun eh taga-Pilipinas sila?)
  • Alam mo ang pakontest ng radio station na Kool 106 kung saan uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.
  • Naglalaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey Anabelle, Pakiramdam 123, Langit-Lupa-Impierno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20, Taguan-Pong, Patintero, "Football" at kung ano-ano pang larong nakakapagod.
  • Kung lalaki ka, sikat na sikat sa iyo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika ninyo ay si GI-JOE with alipores.
  • Kung babae ka naman, ang laro mo with your girlffriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan doktor-doktoran at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie (sikat ka kung mayroon kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie).
  • Pumupunta ang mga taga-MILO sa school ninyo at namimigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki ng sa maliit na ice cream tapos nagtataka ka kung bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinimpla sa bahay ninyo.
  • Alam mo ang universal song na - "Uwian Na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa ikinakasal.
  • Nagpauto ka sa BATIBOT pero hindi sa ATPB.
  • Nakikipag-away ka para makapaglaro ng brick game (high-tech na yun noon).
  • Ang "text" noon ay yun mga 1"x1.5" na karton na may drawing na pelikulang pinoy at may dialog pa!
  • Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler - si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre the Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscles.
  • Nagsasayaw ka noon ng Running Man, at kung anu-anong dane steps na nagpapamukha sa iyong tanga sa saliw ng mga kantang Ice Ice Baby, Pray, Wiggle It at Can't Touch This.
  • Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang tuwing sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!
  • Kilala mo ang Smokey Mountain (first and second generation).
  • Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo twing ia-apak mo ito. Tinawag din itong "Mighty Kid".
  • Naniwala ka na original ang isang cap kapag may walong tahi ang visor nito.
  • Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows gaya ng Cedie, Princess Sarah, Trapp Family Singers at Dog of Flanders (a/k/a Nelo). - hindi ka ba nagtataka, sa lahat ng bida sa mga cartoons na ito, si nelo lang ang hindi yumaman at namatay pa ng maaga?
  • Alam mo ang ibig sabihin ng "Time First!"
  • Napapaligaya ka ng maraming pinoy bands gaya ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads at aminin mo din na nakinig ka sa Siakol.
Kahit saang lupalop ka ng Pilipinas mapadpad, nakakarelate ka sa mga sinasabi ko, siguro dahil wala pang CableTV kaya pare-pareho tayo ng pinapanood. Wala pang Playstation kaya kung ano-ano na lang ang mga naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kahit ano pa man, masaya ako na naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan.


Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".


Pampaubos Oras

May mga bagay na hindi maipaliwanag at hanapan ng rason. Hindi ka makakatakas sa katotohanan. Hindi ka makakaalis ng walang natututunan.

Mga "useless knowledge":
  • Babae lang ang may karapatang magsabi ng "pangit" sa lalaki. Kapag lalaki na ang bumanat ng "pangit" sa babae, offensive na yun.
  • Ang babae ay pwedeng mag-astang lalaki pero ang lalaki ay hindi pwedeng mag astang babae. Delikado yun!
  • It is better to give than to receive. KALOKOHAN! Mamili ka, Give 1 million pesos or recieve 1 million pesos?
  • Lahat ng bawal ay masarap, pero hindi lahat ng bawal ay hindi masama.
  • May mga taong malakas manlait o pumuna pero takot naman kung sila ang magaganon.
  • Masarap gumastos ng pera lalo na kung hindi sa iyo galing.
  • "AM" ang tawag sa tubig mula sa malapit nang matapos na sinaing. Ipinapainom sa iyo ito nung bata ka pa.
  • Okay lang ang pagseselos sa isang relasyon, matakot ka kapag hindi nagseselos ang partner mo.
  • Nakakataba ang pagpupuyat, nakakapayat ang pag-iisip.
  • Nakakatalino at nakakahas ng isip ang paglalaro ng computer games.
  • Nakakabobo ang walang pinagkakaabalahan, yung walang ginagawa.
  • Karamihan sa mga successful ngayon ay yung mga undergraduates, kaysa sa mga 4-year courses o higit pa.
  • Mas malakas mag ang konsumo ng kuryente anf TV kaysa sa PC.
  • Kapag umikot ka ng pakanan ng limang beses, mahihilo ka. Bawiin mo ito ng pag-ikot ng limang beses pakaliwa.
  • Huwag piliting makipagdebate sa mga magulang. Hindi ka mananalo kailanman.
  • Hindi ka pwedeng kumanta habang nag-fuflute.
  • Ang kamatis ay prutas.
  • May buto ang lahat ng saging.
  • Ang taong mahilig magdownload sa Internet ng kung ano-ano ay habambuhay na hindi mauubusan ng idodownload.
  • Hindi pwedeng mag-holding hands ang mga boys kahit magbestfriends pa sila, girls lang ang may karapatan.
  • Ang joke na "Tinitigyawat ka sa mani" ay hindi pwedeng i-joke sa mga girls.
  • Ang taong bagong salta sa trabaho ay may pinag-iipunana agad na gadget.
Nakarating ka na dito sana may natutunan ka.

Disclaimer: This is a repost. It was taken from the flyffPH forums and unfortunately the server did not hold up and all data was lost.
 

Monday, September 13, 2010

Letter to Claire


I had the chance to finally see the movie Letters to Juliet and I found it boring during the first few minutes of the movie but after that "boring" sequence, I was engaged throughout. Anyway, I was sold to the movie's tag-line: "What if you had a second chance to find true love?" and "The greatest love story ever told... is your own" and that was it! I decided to see the movie any way possible.

The plot of the movie is: An American girl, Sophie (Amanda Seyfried) on vacation in Italy finds an unanswered "letter to Juliet" -- one of thousands of missives left at the fictional lover's Verona courtyard, which are typically answered by a the "secretaries of Juliet" -- and she answers the letter and when the recipient of the letter responded, she goes on a quest to find the lovers referenced in the letter. Source - http://www.imdb.com/title/tt0892318/

To make the long story short, the lovers referenced in the letter found each other and decided to marry after 50 years and during the wedding, the scene when Claire (Vanessa Redgrave) red the letter Sophie (Amanda Seyfried) sent to her in response the her letter 50 years ago.


The content of the letter are as follows:
"What" and "If" two words as nonthreatening as words come. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: "What if?"...

"I don't know how your story ended. But I know that if what you felt then was love - true love - then it's never too late. If it was true then it why wouldn't it be true now? You need only the courage to follow your heart..."

"I don't know what a love like that feels like... a love to leave loved ones for, a love to cross oceans for... but I'd like to believe if I ever felt it. I'd have the courage to seize it. I hope you had the courage to seize it, Claire. And if you didn't, I hope one day that you will."
I was struck by the words "what" and "if" and made me think, the letter is right in some way and the phrase "If it was true then it why wouldn't it be true now?" I was inspired by those words that made me decide from this moment moving forward, I won't make the rest of my life more troubling by having "what if" thoughts and will take more risks rather that sitting there and playing safe.

I hope you see this movie too, it will make you believe in destiny (of some sorts, yes) and true love at its best.

Now back to the task at hand - finding my Juliet :p

Disclaimer: From an unforgettable wedding scene in the movie Letters To Juliet.
 

Thursday, September 9, 2010

20 Things That Girls Don't Realize

  1. Guys may be flirting around all day, but before they go to sleep, they always think about the girl they care about.
  2. Guys are more emotional than you think, if they loved you at one point, i'll take them a lot longer than you think to let you go and it hurts every second that they try.
  3. Guys go crazy over a girl's smile :)
  4. A guy who likes you wants to be the only guy you talk to.
  5. Giving a guy a hanging message like "You know what? . . . uh . . . never mind . ." would make him jump to a conclusion that is far from what you are thinking and he'll assume he did something wrong and he'll obsess about it trying to figure it out.
  6. If a guy tells you about his problems, he just needs someone to listen to him. You don't need to give advice.
  7. A usual act that proves that the guy likes you is when he teases you.
  8. Guys use words like "hot" or "cute" to describe girls. They rarely use "beautiful" or "gorgeous". If a guy uses that, he love you or likes you a whole heck of a lot.
  9. If a guy does something stupid in front of a girl, he will think about it for the next couple of days or until the next time he spends time with the girl.
  10. If a guy looks unusually calm and laid back, he is probably faking it and he is really thinking about something.
  11. When guys say he is going crazy about the girl, he really is!!! Guys rearely say that.
  12. When a guy looks at you for longer than a second, he is definitely thinking something.
  13. When a guy asks you to leave him alone, he is just actually saying, "Please come and listen to me".
  14. If a guy starts to talk seriously, listen to him. It doesn't happen that often, so when it does, you know something is up.
  15. Guys really think that girls are strange and have unpredictable decisions and are MAD confusing but somehow are drawn even more to them.
  16. A guy would give the world to be able to read a girl's mind for a day.
  17. No guy can handle all his problems on his won. He is just too stubborn to admit it.
  18. Not all guys are rude! Just because one is rude doesn't mean he represents all of them.
  19. When a guy sacrifices his sleep and health just to talk to you, he really likes you and wants to be with you as much as possible.
  20. Even when you dump a guy months ago and he loved you, he probably still does and if he had one wish it would be for you to come back into his life.
Disclaimer: this article is not my original work, I was doing a general cleaning and was amazed to find such treasures just lying in my drawers. They circulated in e-mails 5 years ago (and I made sure I had a printed copy of them) and I thought it is worth sharing to everyone I know. I will post more stuff similar to these the next days and weeks. For now, I will keep these treasures in one "memory box".
 

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)